Chapter IV: Who to trust?

24 0 0
                                    

A/N: Dalawang Updates sa isang araw. Yun lang osya, basa na!

*******

GIO’S POV

“So Stephen, kanino galing ang sulat na yan?” Sir Patrick

“Zia.” Natahimik ang lahat sa sinabi ni Stephen.

“Anong—“ basag ko sa katahimikan pero naputol ang sasabihin ko ng biglang tumayo si Zia at inagaw ang papel mula kay Stephen,

“Anong.. Hindi ako ang nagsulat nito.” Naiiyak na sabi niya

“Anong hindi? Eh handwriting mo yan oh!” sabi ni Stephen. Nalaglag ang papel sa lapag at pinulot naman iyon ni Divine.

“Zia, handwriting mo nga ito. Pero… Bakit? Anong dahilan mo para sabihan kami ng mga ganito?” Divine

“Kung may galit ka sa amin, bakit hindi mo na lang sabihin ng harapan?!” Si Carmela, namumula na siya sa galit.

“Ano bang ginawa namin sayo? Ang bait bait namin sayo, tinuturing ka nga rin naming parang kapatid na.. pero…. Bakit? Bakit Zia?” Umiiyak na sabi ni Feliz

“Plastic kang babae ka! Dapat sayo sinusunog ng buhay!” Sabi ni Alaric

“Baka nagkakamali lang kayo, alam ko at alam niyo rin hindi ganyang klase ng kaibigan si Zia diba?... Baka may gumaya lang ng handwriting niya!” Sigaw ko.

Alam ko, alam kong kayang kaya niyang gayahin ang handwriting ni Zia. Sa tagal ng pinagsamahan nila, kabisado na niya si Zia.Pero pag sinabi ko yon baka lalong magkagulo pa. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa to. Bakit? Anong rason?

“Teka lang guys! CALM DOWN!” paking tape na teacher to. Ngayon lang umawat!

“I hate you Zia! At simula ngayon, wag na wag ka ng lalapit sa amin! Thank you sa pagtapos sa pagkakaibigan natin.” Sabi ni Stephen at sabay sabay na silang lumabas. Pero bago sila lumabas nakita kong tumingin si Stephen sakanya. Pag tingin ko naman sa kanya nakangisi siya habang sinusundan ng tingin sila Stephen palabas ng room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class IV, Section: Patience (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon