Maling Akala..
Someday.. Makakaramdam din ako ng saya.
Yung tipong yung crush ko magugustuhan ako.
Nakakainis.
Bakit kasi hindi ako naging maganda katulad ni Kathryn Bernardo? Edi sana may Daniel Padilla ako.
Hay. Eto talaga ang kapalaran ng isang fan girl lang.
Hanggang tingin nalang..
"Aaaaaah!"
Nakakabinging tilian ng mga estudyante ang dumagundong sa gym ng school. Eto nanaman ang heartbreakers band.
Sinasaktan nanaman ang puso ko. Tama nga ang pangalan ng band nila. Nakakapanakit ng puso.
Ikaw ba naman. Palaging hanggang tingin lang. Pag may nalilink sakanila, kumikirot ang puso ko. Lalo na pag kay Green, ang bokalista ng banda. Gusto ko silang lahat pero kay Green ako may pinakamalakas na tama.
Nakikitili, ay mali, hindi pala ako nakikitili. Tahimik lang ako pag dating ng mga gig nila. Ayoko ipahalatang baliw sa harap nila.
Maria Clara ba kumabaga.
Kaya pag may gig sila tahimik lang ako.
Walang mababakasan ng emosyon.
Parang napadaan lang.
Pero pag dating sa bahay doon ako bumibirit ng tili. Nabubulabog ko na nga ang mga kapit bahay pero go lang ako.
"Ang kantang ito ay inaalay ko sa babaeng, pumukaw sa pihikan kong damdamin.. Nung una pa lang ay napapansin ko na siya.. Dahil siya lang ang babaeng hindi tumitili saamin.. Tahimik lang siya.. At mukhang napipilitan lang palaging manuod ng gig namin.."
Nagsimulang magbulungan ang mga tao.
Oh. My. Gosh. What. Is. The. Meaning. Of. This?
Ako ba ang tinutukoy niya?
Ako lang naman ang ganun sa mga nanunuod dito, di ba?
Di ba? Di ba?
Eto na ba ang matagal ko ng hinhintay? Ang pangarap ko? Napansin na ba niya ako? Eto na ba ung part ng katulad sa mga nababasang kong kwento? Na magugustuhan sila ng isang bokalista?
My. Gosh.
Dream come true?
Nagumpisa siyang maglakad pababa. Nagtilian ang mga tao. Kinikilig sila dahil mukhang pupuntahan niya ang babaeng sinasabi niya.
Maraming umaasa. Kita ko. Umaasa sila na sila ang pupuntahan. At isa na ako dun.
What the?
Papunta siya dito! Ayan na! At.. At.. At.. Ngumiti siya saakin! Ang swerte ko naman! Sh*t!
Napakagwapo niya!
Yung ngiti niya! Pamatay talaga!
Napangiti ako ng malapad. Kung pwede lang tumili, tumili na ako. Pero gusto kong i-maintain ang image ko. Kung paano niya ako nagustuhan.
Pakiramdam ko lumuluwang ang paligid. Nawawala ang mga tao. Binibigyan kami ng space. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko habang tinitignan siya ng may kinang sa mga mata ko at nginitian siya..
"This song is for you.."
Malapit na siya. Halos maghurumentado ang puso ko. Napakalakas ng kabog nito na tila gusto ng lumabas. Namimilipit ako sa sobrang kasiyahan. Nagdidiwang ang mga alaga ko sa tiyan. Pakiramdam ko mapupunit na ang mukha ko sa sobrang lapad ng ngiti ko.
Nagsimula na siyang kumanta.
Ang ganda talaga ng boses niya. Napakalamig. Medyo paos pero maganda ang pagkakapaos na yun. Bagay na bagay sa boses niya ang kanta.
Halos ramdam na ramdam ko ang pinapahiwatig ng kanta..
Dahil binibigyan niya din ito ng emosyon..
Na ipinapahiwatig talaga ang nararamdaman niya..
Bakit parang.. napakatagal naman niyang dumating saakin?
Haaay..
Ganito ba talaga pag masaya? Parang bumabagal ang lahat? Parang..slow..mo---wait..
Bakit?
Unti unting nawala ang mga ngiti sa labi ko..
Bumagsak ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ko.
Nawala ang paghuhurumentado ng puso ko.
Napalitan ito ng mabilis na pagtibok ng puso ko..
Pakiramdam ko nabingi ako.
Nawala ang mga tili na naririnig ko.
Nawala ang pagkanta niya..
At nangilid ang aking mga luha..
Pakiramdam ko pinag bagsakan ako ng maraming bulalakaw..
Mas malala pa to sa pagkakadulas ko sa hagdan ng school.
Sa pagkakatapilok ko habang naglalakad sa mall.
Sa pagkakamali ko ng pag apak sa tungtungan ng jeep at napahawak sa hita ng lalaking nasa bungad nito.
At lalong pagkakaroon ng pasang awa sa grade ko..
Anong nangyari?
Bakit....lumagpas siya?
Dahan dahan akong lumingon...
May babaeng umiiyak...
Hindi dahil malungkot siya.. Kundi dahil... Sa saya.. Nasa harap niya si Green... Hawak ang kamay niya...
Bakit? Bakit siya?
Ibig sabihin hindi ako ang nginingitian niya?
Ibig sabihin hindi ako ang kinakantahan niya?
At ibig sabihin hindi ako ang tinutukoy niya?
Kundi para sa babaeng nasa likod ko?
Bakit hindi nalang saakin?
Parehas lang naman kami.. pero bat mas napansin siya ni Green?
Anong meron siya na wala ako?
Maraming tanong ang gumuugulo sa isip ko.
Nilibot ko ang tingin ko..
Nakatingin ang iba saakin.. Mga tinging naaawa...
Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan..
Alam ko...
Umasa ako...
Sh*t lang!
Ang sakit talaga!
Akala ko, ako talaga ang pupuntahan niya!
Yung akala mo ikaw na.
Yung akala mo napansin ka na niya.
Yung akala mo may pagkakataon na mangyari sainyo ang mga nangyayari sa istoryang binabasa mo..
Yung akala mo...
...Maling akala lang pala.