Chapter 4

6 0 0
                                    


JOLLIBEE

   ALDWIN POV

  Ito na nga kami sa jollibee ni Andrea hindi ko alam kong kaya kung sabihin sa kanya yung nararamdaman ko sa kanya kasi bukod sa nahihiya ako ay baka bastiden niya agad ako or baka mafriendzone lang ako siguro lahat naman ata ng manliligaw ganyan ung madalas isipin kapag magsasabi sila ng feelings sa girls first time ko itong gawin ang umamin sa babae kay Andrea lang sana'y kasi ako na yung babae ang aamin sakin kaya di ko alam kung ano gagawin ko bahala na siguro si batman sakin. Habang tinititigan ko si Andrea na kumakain grabe ang lakas niya palang kumain pero ok lang atlis kahit sa pagkain di siya mapag panggap di tulad mg ibang girls kahit gutom na ang unti pa rin kumain tapos sa bahay nila kakain ng marami kaya nagustuhan ko itong babae na ito dahil totoo siya sa sarili niya.  Matagal ko ng gusto si Andrea kaya nga pinilit ko na mapalapit sa kanya at ngayon kaya ko siya inaya ay para magtapat sa kanya at magpaalam ko maaari ako manligaw sana magkaron ako ng lakas ng loob ngayon.

Andrea may gusto sana akong itanong sayo

Ano yun kahit ano basta wag lang about sa pera

Ano kasi.    Ano pano ko ba sisimulan ito na nga ba sinasabi ko kinakabahan na naman ako

Wait lang ok mag relax ka muna

Haha ano kasi magpapaalam sana ako manligaw kung okay lang sayo sa wakas nasabi ko rin

Ehemmmm...  Seryoso kaba jan sa sinasabi mo parang kanina lang nagtatalo tayo ahh tapos ngayon parang seryoso kana

Seryoso ako ngayon Andrea na nagpapaalam sayo,  gusto kita kung ano ka man, lahat ng tungkol sayo gusto ko hindi ka katulad ng ibang babae jan

Ahmm ano baka nagugutom ka lang Aldwin ito ohh kain ka muna sabay about ko sa kanya ng burger hanep speech less ako

Hindi ako gutom Andrea mahal kita dati pa kaya nga pinilit kung mapalapit sayo baka sakaling magustuhan mo rin ako

Ganun ba ang tindi na pala ng tama mo sakin haha

So ano nga Andrea payag kana

Siguro

Siguro??  Anong klaseng sagot yan

Ahh.. Ehhh hindi kasi ako sigurado bakit ba atat ka may pupuntahan kaba o magmiminapos kana kaya ka ganyan

Haha katawa ka Andrea, sakit ng tiyan ko kakatawa hahahaha grabe pamimilosopo ko sa kanya lahat na lang kasi ginagawa niyang biro

Malamang nakakatawa yun kasi tumawa ka at excuse kang aa kung masakit yang tiyan mo ilabas mo na kaya yan baka jan ka pa sa upuan mo magkalat.

Sayo pa talaga nanggaling yan aa sino kaya mas marami nakakain ngayon tignan lang natin mamaya sino maghahanap ng Cr.
Oo alangan naman sa lolo mo o kay Jollibee nanggaling yun pabiro ko sabi sa kanya

Grabe talaga joker ka, di na kasi nakaka tawa.

Ewan ko sayo bahala ka nga jan

So ano na ba sagot my  sa proposal ko

Pag iisipan ko wag kang atat

Sige Andrea pag isipan mo muna iintayin ko yung sagot mo

Sige, kumain ka narin muna tpos mamaya alis na tayo

Sige. matipid ko sagot at nagsimula na ako kumain.

     Whooo nasabi ko rin pag katapos kung magtapat kumain lang kami sa Jollibee tapos kunting kwentuhan then lumabas na kami para mamasyal sa park gusto niya raw kasi munang maglakad  bago umuwi..

  #ANDREA POV

  Hanggang ngyon pinag iisipan ko yung sinabi sakin ni Aldwin hindi ako makapaniwala na my gusto sakin siya ewan ko gusto kung maniwala pero my part ng utak ko na baka pinag tritripan niya lang ako kaya niya nasabi yun sakin pero parang totoo naman habang sinasabi niya sakin hayyy ewan naguguluhan pa rin ako sa mga sinabi niya kaya habang naglalakad kami dto sa park parang gusto ko siya tanungin kung totoo ba ung sinabi niya kanina kasi kung totoo yun sana kung panaginip ito wag na ako magising kasi naman sino bang mag aakala na yung taong gusto ko gusto rin ako kaya parang panaginip lang  kaya gusto ko malaman kung seryoso siya sa mga sinabi niya.

The ULTIMATE PRINCE meets The COMMONERWhere stories live. Discover now