Spoken Words Poetry

22 0 0
                                    


Isa, dalawa, Tatlo,
Tatlong hakbang papalayo sayo,
Apat, lima, anim, anim na beses kong itatatak sa isip ko na ito na to,
Pito, walo, siyam, sampo, lalayo muna ako.

Salamat sa mga araw na napasaya mo ako, 
Handa nako mahal,
Handa na ako magingmasaya,
Maging masaya kasama ang sarili ko, 

Sana wala lang sayo ang pag layo ko, gaya ng kung ano ako sa buhay mo,
Mali yung timing na nagkakilala tayo,
Mali na nahulog ako,
Mali lahat ng kung ano mang ala-ala na nabuo,

Kung meron man sigurong tama yun ay ang paglayo ko,na paglayo ko sa sakit,
Paglayo ko sa magdamagang pag-iisip,
Paglayo sa pagtatanong ko sa sarili ko kung tunay ka ba,
Kung ang mga sinasabi mo ay may katotohanan ba,

Mahal kita ngunit hindi umaayon satin ang tadhana,
Mahal kita ngunit alam ko na hindi kita mapapasaya,
Mahal kita,
Mga salitang hahayaan ko nalang siguro na maglaho na parang bula,

Patawad kung mawawalan ka ng tinatawag na Ligaya,
Patawad kung iiwan na kita,
Patawad kung hindi ko na magagawa,

Ang sinabi kong anantayin kita,
Wala pa tayo sa simula,
Ngunit mata ko'y nagsimula ng mamula,
Buhat ng luhang sunod sunod na bumababa,
Buhat ng sakit na matagal ko ng dinadala,

Maging masaya ka ng hindi ako kasama,

Maging masaya ka na ako'y mawawala,
Mahal kita,
Tandaan mong mahal kita,
Kahit hindi tayo para sa isat-isa.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paalam naWhere stories live. Discover now