Dumating ako sa punto ng buhay ko na sobrang drained ang pakiramdam ko. 'Yong tipong pagod na ako sa lahat ng bagay. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong matuwa. Pagod na akong umasa.
At that point, alam kong kailangan kong lumayo. Kailangan kong mapag-isa. Kailangan kong kilalanin muli ang sarili ko. Walang ibang iniisip. Malaya.