Simula

5.2K 65 2
                                    

Alyssa

Lihim kong pinahiran ang mga luha ko na lumandas pala sa magkabila kong pisngi dahil sa pag-iyak ng maalala ko na naman ang mga magulang ko.

Ilang araw narin magmula ng ilibing sila ng sabay. Kasama sila sa bangkang tumaob papuntang bayan na maghahatid sana ng mga ibebentang saging pero sa kasamaang palad ay nawalan ng balanse ang bangka sa matinding bigat ng mga kargamento kung kaya tumaob ito dahilan ng pagkamatay ng magulang ko at marami din ang nasugatan at namatay na mga pasahero sa bangkang iyon.

Nagkataong hindi marunong lumangoy sila tatay kaya binawian sila ng buhay sa gitna ng karagatan.

Masakit man tanggapin na ulilang lubos na ako sa edad ko ngayon na nineteen ay nag-aaral pa sana ako pero huminto ako sa kurso kong education dahil wala rin naman ako pangtuition. Nabaon ako sa utang sa pagpalibing sa magulang ko kaya naibenta ko ang maliit na lupain namin kasama ang bahay.

Mabuti nalang nandiyan si tiyo Mike at tiya Belen na handang kumupkop sakin. Matalik na magkaibigan ang dalawa noong kabataan nila kaso lumuwas ang pamilya ni tiyo Mike ng Maynila kaya nagkalayo ang dalawa.

Nabalitaan nalang ni tiyo na namatay si tatay ng ibalita ang tumaob na bangka at ang mga pangalan ng mga namatay. Kaya agad ito nagtungo sa probinsya namin at ito narin ang nag-asikaso sa libing nila tatay. Napagdesisyonan rin ng mag-asawa na kupkopin ako at ituring na anak nila dahil isa lang din ang anak nila.

Ngayon nga ay bumibiyahe na kami papuntang Maynila. Mahaba haba daw ang biyahe kaya sinabihan ako nila na umidlip muna dahil ilang araw na ako walang tulog.

Napamulat ako ng mga mata ng may yumuyugyog ng balikat ko. Nakatulog pala agad ako.

"Gising na Alyssa, nandito na tayo." Nakangiting sabi ni tiya Belen. Napatingin ako sa labas at kita ko nga na huminto na pala ang bus na marami nang mga pasahero ang nagsibabaan. Nasa baba narin si tiyo Mike na naghihintay samin. Tumango ako at napatayo ng hawakan ni tiya ang kamay ko at sabay kaming bumaba.

Naninibago pa ako sa lugar dito kasi ibang-iba doon sa probinsya namin. Usok agad ng sasakyan ang bubungad sayo. Mga sasakyan na mahaba ang pila sa gitna ng daan na hindi naman gumagalaw sa tindi ng traffic. Maingay na kapaligiran pero ang ikinamangha ko ay ang mga matataas na gusali na maganda tingnan ang katayugan nito.

"Belen, Alyssa! Sumakay na kayo dito sa tricycle!" Napapitlag ako ng marinig ang tawag ni tiyo Mike na nasa loob na pala ng tricycle. Inakay ako ni tiya at sumakay na kami sa tricycle.

(Unedited)
08-16-18

Itutuloy...

Lahat ng Tao,lugar at pangyayari sa istoryang ito ay kathang isip lamang at hindi hango sa totoong pangyayari. Orihinal na istorya ng author.

Please votes, comments and share.
Thank you.

Mayril25

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon