Astrals'Game

70 3 1
                                    

I'm Chamberlaine Santos, a former Cheerleader of our school and one of the survivor of Astral's Game.

[Flashback]

Pauwi na kami ng gabing iyon galing sa aming practice para sa Cheerdance Competition na gaganapin na sa susunod na Sabado. We're on our way out to the campus when we notice a man following us, wearing all black. It's creepy yet we ignore him dahil inisip na lamang namin na marahil ay pareho lang kami ng rutang patutungohan. Yes, naglalakad lang kami pauwi.

Nang makarating sa madilim na parte ng daan ay biglang nawala ang lalaking sumusunod samin at doon na kami nakahinga ng maluwag. Sobrang dilim ng kalsadang nilalakaran namin. Sira ang mga poste na sana ay nagbibigay liwanag sa aming dinaraanan. Tanging flashlight ng aming mga cellphone ang nagbibigay ilaw at paminsanang liwanag mula sa ilaw ng iilang sasakyang dumaraan.

Sobrang saya na ng kwentuhan naming magkakaibigan ng may biglang huminto na kulay itim na van. Napako kami saglit sa aming kinakatayuan hanggang sa magbukas ang pinto ng Van at iniluwa non ang mga matitipunong lalaki na puros nakasuot ng itim at white mask. We are panicking and damn nervous. Who are they? Anong kailangan nila?

Kanya kanya kami nang takbuhan nang lumapit sila sa amin ngunit masyadong mabibilis sila. Nang mahuli ako ay napatingin ako sa mga kasamahan ko. Like me, papareho rin silang nadakip at nagpupumiglas. I tried hard to escape mula sa mahigpit na pagkakahawak sakin ng lalaking nakahuli ngunit nabigo ako. He really strong. I tried also to shout and scream para makahingi ng tulong. But it's nothing. Walang dumating.

Hanggang sa makaramdam ako ng paglapat ng panyo sa aking ilong at bibig. Napasinghap ako ng maamoy ang panyo. I know it has a chemical. Sobrang nakakahilo kaya unti-unting bumigat ang talukap ng aking mata. Naramdaman ko ang paghihina ng aking katawan at tuluyan na ngang nawalan ako ng malay.

******

As I had my conciousness, I slowly open my eyes. Napapikit akong muli ng mariin at tinakpan ang mata ng braso. Everything's blur. Inintay ko ang ilang segundo para makapagadjust ang aking mata sa liwanag bago tanggalin ang nakatakip na kamay. Bumangon ako sa pagkakahiga at bumungad sa akin ang kwartong di pamilyar. Almost all white. White floor, white wall, white furnitures and the whole room shouting white except to the bed where I laid on. It's black. Ganun din ang mga kamang katabi ng sakin. Black din sila.

Sa mga kamang iyon nakahiga at mahimbing na natutulog ang aking mga kaibigan. I felt relieved. The important is magkakasama parin kami.

Gusto kong lapitan sila ng sumakit ang aking ulo. Damn! It hurts. Napilitan akong humiga uli pero pinanatiling nakaharap sa aking mga kaibigan. Si Ian ang pinakamalapit sa akin kaya siya ang aking natitigan. Sobrang amo ng kanyang mukha.

Ilang segundo rin ako sa ganung posisyon ng mapangiti ako. Unti-unti na silang naggagalawan at gumigising mula sa hipig ng pagkakaidlip.

Since nawala na ang sakit ng ulo, tumayo na ako at nilapitan sila.

"Hey! Ayos lang ba kayo?" Kaagad kong tanong sa kanila. Puno nang pagaalala.

"Oo, medyo nahihilo lang"

"Ayos lang ako"

"Medyo", sabay-sabay nilang sagot sa akin.

"We're fine. How abou you Chamberlaine, are you alright?", tanong naman ni Ian.

"Ahmm, yeah. Ayos na ak------", naputol ang sasabihin ko ng biglang nagbukas ang pinto. Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon nito at iniluwa non ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na damit at pantalon.

Astral's GameWhere stories live. Discover now