🎵Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak🎵Sa pagsimula ng kanta ay kasabay nito ang pagbukas ng pinto ng simbahan kung nasaan ako naroon. Hindi ako makapaniwala na dumating ang araw na ito. Ang araw na ikakasal ako sa taong mahal ko.
Hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha dulot ng sobrang kasiyahan. Suot ang napakagandang wedding gown lumakad ako ng marahan, sumasabay sa awiting paborito naming dalawa. Kasama ang aking mga magulang na ihahatid ako patungo sa altar kung saan naghihintay ang aking pinakamamahal.
🎵In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece🎵Ang gwapo niya sa suot niya at kitang kita sa mga mata niyang umiiyak ang labis ding kasiyahan. Ngumiti ako sa kanya at sinabing "Maghintay ka mahal ko at malapit na ako"
Ang tagal kong hinintay ang araw na'to at sa wakas matutupad na din ang matagal ko ng pinangarap.
🎵So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight🎵Tumingin ako sa aking paligid kung saan naroroon ang mga importanteng tao sa buhay naming dalawa na hindi pinalagpas ang pinakamasayang parte ng aming buhay. Nakikita ko silang lahat na labis na umiiyak, marahil dahil sa labis na kasiyahan para sa amin. Tumingin din ako sa aking mga magulang na labis na lumuluha dito sa aking tabi.
"Ma, Pa huwag na kayong malungkot. Hindi ko naman kayo iiwan ehh. Palagi parin akong bibisita sa inyo kahit na may asawa na ako"
Ngunit mas lalo lamang silang naiyak sa aking sinabi.
At sa wakas sa haba ng aming nilakad, nakarating din kami sa altar kung saan naghihintay ang mahal ko, si Andrew. Nasilayan ko na rin sa malapitan ang mukha niyang napaka gwapo.
Tinignan niya ako na parang ako ang pinakamagandang babae na nakita niya. At nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagmamahal para sakin.
"Andrew, iho napakabuti mong bata. Salamat sa labis na pagmamahal mo sa aking anak. Alam kong magiging masaya si Shane" sabi ng papa ko
"Papa, huwag po kayong mag-alala. Magiging masaya po ako sa piling ni Andrew. Nako takot na lang niya sakin kapag nagloko siya dahil puputulan ko talaga siya ng kaligayahan hahahahahaha"
"Andrew salamat talaga sa pagtupad mo sa pangarap ng aking anak. Salamat talaga sa pagmamahal mo sa kanya kahit na-----huhuhuhuhu" hindi natapos ang sasabihin ni mama dahil sa pag-iyak. Nagsi-iyakan narin ang aming mga bisita.
Niyakap ko silang dalawa ni papa "Ano ba naman kayo Ma! Kasal to hindi lamay! Huwag nga kayong umiyak. Hindi naman ako mawawala ehh. Mag-iiba lang ako ng apilyedo pero anak niyo parin ako"
"Huwag po kayong magpasalamat Tita, Tito dahil hindi lang po pangarap ni Shane ang tinupad ko. Kundi pangarap naming dalawa. Mahal na mahal ko po ang anak niyo at hindi magbabago yon hanggang kamatayan" lumuluhang sabi ni Andrew
"Mahal na mahal din kita Drew. Hanggang kamatayan"
"Ano ka ba huwag mo na kaming tawaging Tita at Tito. Mama at Papa na lang"
Pumunta na kami sa harap ng altar para simulan ang seremonyas.
Pagkatapos ng ilang saglit ay magpapalitan na kami ng wedding vows. Si Andrew ang mauunang magsalita kaya nagsimula nakong maiyak. Hindi narin maawat sa kaiiyak ang mga bisita namin, at lalo na ang mga magulang naming dalawa. Kahit nga pati ang pari ay naiiyak din