'AKO AY KAKAIBA'

87 2 3
                                    

AK AY KAKAIBA
by:mrls soriano

Bakit ako kakaiba?
Yan ang madalas na itanong nila
Bukod sa ang pangalan ko ay Maria
Ito din ay may karugtong na pangalang Luisa

Sa limang supling ni Mama at Papa
Ako lang ang tanging babaeng anak nila
Tinaguriang prinsesa ng pamilya
At ang mansanas sa Mata ng aking Papa

Madalas mapansin sa akin ng iba
Ay ang nunal ko sa aking mukha
Pero ito ay hindi ko ikinakahiya
Dahil ito'y karagdagan sa angkan kong ganda

Bago ko tapusin ang aking tula
Sasabihin ko ang rasong pinakamahalaga
Bakit nga ako kakaiba?
Dahil ako'y anak ng Diyos na lumikha

SPOKEN POETRY Where stories live. Discover now