4:MALAYA

24 0 0
                                    

Malaya

Paghahanap sagot
Sa paglisan ko ngayon...
Iiwan ko sayo ang isang parte ng aking puso...
Asahan mong hindi ko babawiin ito kahit kailan,
Dahil ito'y nakalaan para sayo lamang.

Lalakbayin ko ang hinaharap na kahit kulang
ng isang bahagi sa pagkatao ko ay ayos lamang sapagkat
ang halimuyak ng hangin at sidlak ng araw
ang magiging kakampi ko.
Panatag akong nasa taong pinakamamahal ko
ang kapilas ng kung sino ako.
Tanggapin mo sana itong damdamin
na mag-iiwan sayo ng lahat nang kung anong meron sa akin.
Mahal, kahit kapiraso lamang itong sandali
na pinagsaluhan natin sa ating mga lunggati,
Mananatiling ikaw ang aking mga bituwin sa mga gabi.
Mahal, nais kong malaman mo na hindi kayang tumbasan
ninuman ang pag-ibig na inalaan ko
para sa 'yo dito sa mundo ng mga mortal
At walang anumang hugot o tulang mas bibigat pa
ang makakahigit sa mga panahon na ika'y
nakasama sa mundo nang haraya.

Tanggapin mo at sana ay dinggin
Ang sigaw nitong puso ko na nilalamig
sa ihip ng hangin,
Kahit madalas akong biguin
ng mga bituwin,
mahal,...
Mahal,...
Ikaw at ikaw parin.

Alam ko na malabo na maulit muli
Ang mga masasayang sandali
sa piling ng iyong mga ngiti.
Sa aking paglisan ngayon, mahal,
Iiwan ko ang katahimikan diyan sa puso mo.
Pinalaya ko na rin ang nahapo kong damdamin,
Pagkayamot at galit na pilit kong buburahin,
ngunit hindi ang kung sino ka sa akin.
Lilisan ako mahal, upang mabuo ka.
Dahil pangarap ko ang makita kang masaya.
Huwag kang malungkot,
Labanan mo ang mga takot,
Huwag kang magpasilo sa lumbay,
sa mga dighay at dagok ng buhay.

Pakiusap mahal ko...
Magpakasaya ka...
Sa larangan ng pagtutula...
Ikaw ang pinakahinahangaan ko, tinitingala.
Wala man ako ngayon sa pinakamahalagang araw mo,
Mahal, iniisip kita mula rito sa kinatatayuan ko

Tandaan mo mahal ko, na kahit anumang distansiya
ang pumagitna sa akin sayo...
Bayuhin man ng bagyo
Kapag sumuko na sayo ang mundo,
Tandaan mo...
Nandito parin ang kapirasong ako na hindi nabuo...

SPOKEN POETRY Where stories live. Discover now