Chapter 2
"Ash anong gusto mong kainin?" sabi ni Kath habang nakislap kislap ang mga mata. ano kayang nangyari dito?
"lasagna at tsaka milk shake" kinaladkad ako ni Kath papuntang Counter pagkatapos pumila na kami. dapat talaga kasabay namin si Vince ngayon kaso nga lang may klase pa sya. susunod na lang daw sya samin.
"ash, ikaw na magdala ng food natin maghahanap lang ako ng table" sabi sakin ni Kath pagkatapos umalis na sya kaya naiwan ako sa counter. marami kasing tao ngayon sa canteen. nung turn ko na umorder na ako. pansin ko lang kanina pa ko pinagtitinginan ng mga tao dito ano kayang meron? wala naman siguro akong dumi sa mukha diba? nung binigay na yung order namin kaya umalis na ko sa counter and then hinanap ko si Kath. nasa kalagitnaan ako ng paghahanap kay kath ng biglang may tumalisod sakin---
"What the?!"-- kaya naman natapon yung pagkaing dala ko.Shit Ashley ang tanga mo!!!
"Sorry, papaltan ko nala---" naputol yung sasabihin ko nang biglang may nagbuhos saken ng isang basong tubig. Napayuko nalang ako sa nangyari hindi ako yung tipo ng babaeng na basta basta nalang nagpapatalo pero ayokong lumaban dahil alam kong pag lumaban ako lalo nila akong pagtitripan.
"papaltan ko nalang yung damit mo." sabi ko dun sa babaeng nakabangga ko. tinignan ko sya and then narealize ko na si Ms.Fuentabella pala yun.
Kate's POV
"papaltan ko nalang yung damit mo." sabi saken nung babaeng nakabangga ko.
"Hindi nya ba alam kung sinong kaharap nya?" Chismosa1-- malamang trasferee sya
"oo nga. At di manlang punasan nagawa nya pang yumuko." Chismosa2-- syempre nahihiya kasi sya
"ano kayang parusa ang ibibigay sa kanya ni miss Shana?" Chismosa3-- ay teh? first name basis? close tayo?
gusto ko yang sabihin sa mga chismosa na nagbubulungbulungan na rinig ko naman.. naawa ako dun sa babaeng nakabangga ko kaya inaya ko nalang syang magpalit sa CR
"Dont mind them wala lang silang magawa tara samahan mo muna ako sa CR para makapagpalit. tutal basa ka na rin naman." sabi ko sa kanya pagkatapos nginitian sya.
Im Shana Kate Fuentabella, ang Campus Princess ng Twinlove Academy.
Ashley's POV
Katatapos ko lang magbihis kaya lumabas na ko sa Cubicle. Nakita ko si Ms. Fuentabella na nagsusuklay sa Harap ng salamin.
"Ahhm. Miss Fuentabella, sorry kanina ahhh?" napatingin naman sya saken pagkatapos tumawa sya ng malakas..
"Hahahaha. Seriously? Ms.Fuentabella? Dont be so formal dear, call me Shana or Kate" sabi nya saken na nagpipigil pa ng tawa.
"ahhh, ok. so Kate nalang?" tanong ko sa kanya
" yeah. im Shana Kate Fuentabella. ano nga palang pangalan mo?
"im Ashley Nicole Smith. Ash for short."
"So Friends?" tanong nya saken pagkatapos ngumiti sya. ang cute nyang ngumiti lumalabas yung dimples nya.
"Friends" sabi ko sa kanya then ginantihan yung ngiti nya.
"Tara labas tayho ipapakilala kita sa mga kambal ko." hinila nya ako pagkatapos nyang makapag-ayos. Mga kambal? dalawa yung kambal nya? Triplets SIla? kinaladkad nya ko hanggang sa makarating kami sa Canteen, Huminto kami sa tapat ng dalawang lalakeng magkamukha.nakakalito silang dalawa. kung hindi mo sila kilalang kilala hindi mo maikilatis kung sino ba talaga sila.
"Ky, Kyl sya nga pala si Ashley bagong kaibigan ko."pagpapakilala saken ni Kate dun sa dalawa. Tinignan lang ako nung isa tapos tinanguan ako. yung isa naman walang pakealam sa sinasabi ni Kate.
"Ash eto nga pala yung mga kambal ko. Eto si Sheen Kyl---" sabay turo dun sa lalakeng tinanguan ako.
"--At eto naman si Shaun Sunget-- este Kyzer pala" sabay turo naman nya dun sa lalakeng snober. Naalala ko Bigla si Vince at Kath.
"Kate, sorry kailangan ko ng umalis may kasama kasi ako ehh."
"Ay Ganun ba? ok sige kita nalang tayo sa Classroom. were friends right?
"Yeah Friends" sabi ko sa kanya pagkatapos nginitian ko sya. Pinuntahan ko na sila Vince at Kath (nandito na si Vince)
"Guys sorry kase---" biglang kumislap yung mga mata ni Kath
"Nakausap mo ba si Kyl? Gwapo ba? type mo? ay hindi mo pala sya pwedeng maging type, akin yun"
"CR lang ako" malamig na sabi ni VInce. Anong nangyari dun?
Pagkatapos ng 2 hours vacant namin dumeretso na kami ni Kath sa Klase namin Unfortunately di kami magkaklase si Vince naman di na bumalik. di kaya nilamon na yun ng inidoro? XD Dumiretso na nga ako dun sa upuan ko katabi ko yung si... si... sino nga yun? yung kapatid ni Kate. Si.. ahh basta sa K nagsisimula yung pangalan nun ehh.. ano nga yun? Kyver? Kyzer? ahh oo Kyzer, si Kyzer nga yun. katabi ko sya sa kanan. eh di naman kami close
A/N Eto na chapter 2 haha di ko naman alam na nandito pala sa lappy ko ee sensya naman
GUYSSSS!!! VOTE naman dyan!!!
~Twinlove_08
BINABASA MO ANG
We're Meant to Be
Teen Fictionhindi lahat ng pagkain nakahain sa harapan mo. Minsan kung ano pa yung gusto mo eto pa yung wala sa hapag. Kaya kailangan mong hanapin, paghirapan, at kuhanin. Di ba sabi nga nila, mas masarap ang isang bagay kapag pinaghirapan. ~ Ashley Nicole Smi...