Chapter 48 : Wrong move

1.9K 73 27
                                    

Baekhyun's POV




Dali dali akong lumabas ng basement,takte naaalala ko na lahat lahat.Inis na inis ako sa sarili ko,napakasama ko naman! Sobrang sama ko! Bakit ginanun ko si Pichi!? ayan tuloy umalis na sya,pati mga kaibigan ko nadamay na! Badtrip!




Pinaharurot ko yung sasakyan ko papunta sa bahay ni Chanyeol.



Pagkadating ko dito eh kumatok ako sa pinto nya,agad nya naman itong binuksan.




"Tch,aba mukhang naliligaw ka yata?" tanong nya saken.




"Chanyeol ano ba hindi na importante yan! Nasan na si Pichi!? San sya nagpunta!? Talaga bang umuwi na sya sa pinas  ha!?Nasan sya!?Monthsary pa namen eh! Kingina sagutin mo ako!" sabi ko habang niyuyugyog ko sya,yung eskpresyon ng mukha nya parang gulat na gulat.




"Baek-baekhyun?Naaalala mo na--"



"Oo bwiset ka ang laki padin ng tenga mo kaya pwede sabihin mo saken kung san na sya ngayon! Saka na yung sorry ko ang importante makausap ko sya ngayon! Ngayon na mismo kahit lumipad pa ako papunta lang sakanya" pagkasabi ko nan eh bigla akong niyakap ni Chanyeol.


"Yehey Baekhyun nakakaalala kana!" tsss -.- sinabe nang saka na yung ganyan pero eto ngiting ngiti nanaman sya ng nakakaloko habang nakayakap saken,so gay.Kumalas naman agad ako sakanya.



"Gago mandiri ka nga! Si Pichi lang yung pwedeng yumakap saken! Utot ka,nasan na sya!" sigaw ko sakanya.



"Ano ba? -.- sinabe nang nasa pinas na sya eh"



"Samahan mo ako! Pupunta tayo sa pinas!" hinatak hatak ko si Chanyeol pero hindi sya kumikilos.



"Oy -.- ano ba? bat di ka kumikilos dyan?" tanong ko sakanya.





"Alam mo bang bawal ka umalis?I mean,naggagamot ka pa eh,yang sugat mo sa paa di pa okay yan kaya bawal ka pa umalis papunta sa ibang bansa."

"Wala akong pake,aalis ako sa ayaw at sa gusto nyo"

"Oo gusto nameng magkita kayo,pero hindi ka talaga pwedeng umalis muna.Magpagaling ka muna Baekhyun,pangako sasamahan ka pa namen kay Pichi"


"Pero gusto ko na sya makausap Chanyeol! Gusto ko na sya makasama,gusto ko ng magsorry sa kanya,gusto ko na syang mahalikan at gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko sya kamahal!"


"Alam mo bang hindi na namin sya makontak?Alam mo bang deactivate nadin yung facebook nya simula ng umuwi sya dun,kahit kami Baekhyun gustong gusto namen sya makausap,kaso wala eh.Kaya nga kami nagalit sayo,sorry sa suntok ko -.-"

Natahimik ako sa sinabe ni Chanyeol,dahil saken nagkaganun si Pichi,dahil sa mga pinaggagawa ko sa kanya!Naiinis ako sa sarili ko!

"Chanyeol,kung pwede pakisuntok mo uli ako" sabi ko kay Chanyeol,naramdaman ko yung luha ko na tumulo sa mukha ko.


"Baek,wala kang naaalala kaya mo siguro nagawa yung mga ganun kay Pichi,pero aaminin ko din na naiinis ako sayo,pero di bale ang importante ngayon may alaala ka na,ang kailangan mo lang gawin is maghintay pa ng 6 months"



"Ano!? Pinagloloko mo ba ako!? Bakit ako mag-aantay ng ganung katagal ha!? Magaling na ako wala akong pake sa sugat ko malayo sa bituka yan!Gusto ko na syang makita!"



"Di ka pa din tapos sa iniinom mong gamot kahit na may naaalala kana,ewan ko sayo sa totoo lang maikli na nga yung 6 na buwan eh.Sige na umuwi ka na sa inyo,kakausapin ko pa sila Suho tungkol dito,ayaw ka muna nila makita eh baka masuntok ka pa ng mga yon"


One day,isang araw (Baekyeon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon