"Isang araw, dumating ka nalang bigla sa buhay ko. Ang tahimik kong buhay naging magulo. Ang masayahing personalidad ko ay biglang nagbago. Ang puso kong mamon biglang naging pusong bato. Ang taong mahal ko ng higit pa sa buhay ko ay biglang naglaho ng dahil sayo. Ng dahil sa dalawang salita sinabi mo. Dalawang salitang naging sanhi kung bakit ako nagkakaganito. "MAHAL KITA" ang mga salitang sinabi mo, Nakakalito! Nakakagulo! Bakit ng dahil dun sa dalawang salitang sinabi mo? Nagkakaganito ako? Posible ba ng dahil sa salitang sinabi mo, magbabago ulit ang tibok nitong puso ko? At posible bang ikaw na ang maging laman nito? Ano ka ba talaga sa buhay ko? Ano ba talaga ang kailangan mo? Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit mo ginagawa sakin to?" -KATE "Ang tahimik mong buhay ay nagulo ko. Ang masayahing personalidad mo ay nabago ko. Ang puso mong mamon ay naging pusong bato ng dahil sa sinabi ko sayo. Ang taong mahal mo ng higit pa sa buhay mo ay biglang naglaho ng dahil sa dalawang salitang sinabi ko. Dalawang salitang naging sanhi kung bakit ka nagbago. "MAHAL KITA" ang mga salitang sinabi ko! Oo, alam ko! Nalilito ka! Naguguluhan ka! Pero pasensya ka na! Gusto ko lang talaga na magpakatotoo sa sarili ko at pati sayo! Pero sana ng dahil sa dalawang salitang yun, magbago ulit ang tibok ng puso mo. Sana malaman mo na kung ano ang halaga ko dyan sa puso mo. Wala akong masamang intensyon sayo. Pero oo, may kailangan ako! Kailangan ko ang pagmamahal mo, pagmamahal mo na matagal ng hinahanap ng isang taong katulad ko. At oo! May gusto ako! Gusto ko na sakin ka lang, at ako'y sayo! Alam kong imposible, pero gagawin ko ang lahat maging posible lang yun. Handa akong mamatay para sayo! Ganyan kita kamahal! Pero masisisi mo ba ako? Kasi kahit anong gawin ko, ikaw lang talaga ang tinitibok nitong puso ko." -RV
http://www.wattpad.com/story/9062928-you-changed-me-kathniel-fanfic