My Vampire Prince

108 1 0
                                    

 Si Lyka Saiga ay 15 years old first time niyang magtransfer sa Ashford Academy. Si Lyka ay maganda,matangkad,maputi ,mabait,sexy,mayaman at higit sa lahat siya ay matalino.Pero kahit na mayaman siya ay simple lang siya kung manamit. Sa katunayan sa unang tingin hindi mo aakalaing mayaman siya. Pero sadyang naninibago siya sa mga bagay bagay sa paligid niya..                 

             Nung una hindi siya naniniwala  na may True love. Pero sa mga nangyari sa kanyang buhay ay napatunayan niyang hindi lang sa panaginip ang Prince Charming sapagkat sa totoong buhay ay mayroong Knight and Shining armor ang handang protektahan siya. Pero hindi diyan nagtatapos ang kwento ng buhay ni Lyka....................................

 Magbago kaya ang pananaw mo sa pagibig kung matutunghayan mo ang kwento ng magkaibang nilalang na handang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan? Maniniwala ka kaya na may TRUE LOVE at taong nakalaan para sayo?

                          Ikaw naniniwala ka ba na kahit magkaiba ang dalawang nilalang ay posible silang magmahalan? Handa mo kaya siyang ipaglaban kung malaman mong iba ang pagkatao niya sayo? Mahalin mo kaya siya kung malaman mong Vampire siya?

Chapter One:  Crazy Day

First day palang ng school marami nang wierd na pangyayari ang nangyari kay Lyka. Kagaya na lamang nung nahulog siya sa hagdan malapit sa room nila kasi ba naman pinagtripan siya  ng grupo ni Tricia(Si Tricia ay anak ng mayari ng school na pinapasukan ni Lyka. Siya rin ay sikat sa Campus dahil bukod sa mayaman siya rin ay maganda . Campus Sweetheart  nga ang turing sa kanya  ng mga boys sa school nila). Hindi lang yan ang grupo nila ay sadyang nakakainis talaga. Transferee pa lang si Lyka pero pinagtitripan na nila.

Tricia: Hi transferee girl! you know what I'm here para balaan ka.Kasi ayaw ko yung may  rival ako dito sa school. I think your not stupid para kalabanin ako.

Lyka: Ano ba ang pinagsasabi mo Tricia. Hindi naman kita kinakalaban eh. I'm here just to study at wala akong time para sa walang kabuluhang bagay.

(Aalis na sana si Lyka pero pinigilan siya ni Tricia)

Tricia: Hey stupid girl ayaw ko sa lahat yung tinatalikuran ako kapag nagsasalita pa ako.

Lyka: Ano ba talaga ang pakay niyo sa akin? wala naman akong atraso sa inyo ah!

Tricia: Wala nga. Actually wala naman kaming kailangan sayo. Pero tandaan mo yung sinabi ko sayo. Dahil kapag kinalaban mo ako pagsisisihan mong pumasok ka pa dito.

Lyka: Wag kang magalala hindi ko sasayangin ang time ko para kalabanin ka.

Angel: Siguraduhin mo lang kasi hindi mo kilala kung paano magalit si Trish.

Chloe: Isa pa ayaw ni Tricia na tinatalbugan ang outfit niya.

Lyka: Yun lang ba. Ok next time hindi na ito mauulit.

Tricia: Pero para makasiguro.............Girls!

Angel and Chloe: Ok

                  (Tinulak ni Angel at Chloe si Lyka)

Laking gulat ni Lyka na kahit nahulog siya sa hagdan ay hindi man lang siya nakaramdam ng sakit. Yung tipong may sumalo sa kanya ng hindi niya namalayan. Dahil nga sa gulat ni Lyka hindi agad siya nakatayo kaya lumapit agad sa kanya si Andrei, tagapagmana ng Ichijou Corporation(ang pangalawa sa pinakamayamang kompanya sa bansa ng Europe at America),kabilang sa campus hearthrob at varsity player ng basketball sa kanilang campus.

LYKA P.O.V.

Ang weird ah??????????? Di man lang ako nasaktan. Pero parang may sumalo talaga sakin. Hai! mababaliw lang ako sa kaiisip. Yung tatlong yun nakakainis talaga. Tawagin ba naman akong stupid girl! Nakakainis! Tsss! Di bale na nga mabuti pa tumayo nalang ako dito. Pero bakit ganun parang hirap ata akong tumayo......... Aray!.....Ang sakit ng paa ko. May tao kayang dadaan para tulungan ako....As if naman na tulungan ako.

Andrei: Miss, are you ok?

Lyka: Don't worry okey lang naman ako.

Andrei: Sure ka! kaya mo bang tumayo? 

Lyka: OO naman.

Andrei: Tulungan na nga kita.

(Dinala ni Andrei si Lyka sa Clinic.)

ANDREI P.O.V

Ibang klase talaga tong babaeng ito. Hindi man lang kinilig dahil hinawakan ko ang hands niya. Tiyak kung ibang babae to siguro kanina pa to tumitili. Pero sa totoo lang ang ganda talaga niya! kahit simple lang siya manamit. Ang cute pa! May BF na kaya to? kaso nahihiya akong tanungin siya. Ewan ko ba pero yung boses niya parang musika sa pandinig ko at bumibilis ata yung tibok ng puso ko lalo na na ...........

Miss Kim: Ok lang naman siya. Wala namang nabali sa mga buto niya.

Andrei: Buti naman

Lyka: Salamat nga pala sa pagdala mo sakin dito

Andrei: Sus! walang anu man.

Lyka: Teka ano nga ba ang pangalan mo?

Andrei: I'm Andrei James Asakura ......and you are?

Lyka: Lyka Saiga........ Salamat talaga ha  Andrei James.

Andrei: Just call me AJ for short. Yun din naman ang tawag sakin ng mga friends ko.

Lyka: Ok. Sabi mo eh.

Miss Kim: Oh tama na yang pagpapakilala niyo sa isa't isa malapit ng magbell at bumalik na kayo sa mga room niyo.

Lyka: Salamat po pala....................???

Miss Kim: Tawagin mo nalang akong Miss Kim

Lyka: Salamat po Miss Kim

Pagkatapos magpasalamat ay agad ng umalis ang dalawa sa clinic.

Andrei: Ano ba ang section mo? hatid na kita para makasiguro ako na okey ka lang.

Lyka: Ok lang ako! sapat na yun dinala mo ako sa clinic

Andrei: Kung nahulog ka sa taas malamang estudyante ka ni Mr. Kauno.

Lyka: Paano mo nalaman?

Andrei: Hula lang. So tama pala ako. Belong ka sa B-III.

Lyka: OO. Eh ikaw anong sekyon mo? kasi pansin ko Third year ka rin dahil pareho ang color ng necktie natin.

Andrei: Tama ka Miss Hulog. Sa katunayan sa kabilang building lang  ang room namin.

Lyka: Miss hulog ka diyan.......... so belong ka sa  SA yung sekyon 1

Andrie: OO.

Lyka: Ilan kayo sa room niyo?

Andrei: 35 lang kami.

Lyka: Ok. Mas marami pala kami

Hinatid na nga ni Andrei si Lyka sa room niya.

..............................................................

Hanggang diyan nalang po muna! Magplot pa ako ng story sa utak ko..........Fantasy man po yung iba pero yung takbo ng story mostly ang love sory nagsisimula sa unang pagkakakilala.

 

My Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon