Hindi niya dapat malaman ang katotohanan. Masisira ang lahat ng pinaghirapan ko,naming lahat.
Patawad ate.
Sa tamang panahon malalaman mo naman lahat. Wag na muna ngayon.
"Bilisan mo Haliya! Parating na ang mga kalaban ng kabilang imperyo!" nagmamadaling sabi sakin ni Harold. Kapatid ko.
Mabilis kaming nakarating sa ibayong bayan gamit ang mahiwagang balabal ni Ka Temyong.
"Hanggang dito na lamang ako Haliya." sabi ng kasama ko.
Tiningnan ko muna ito bago nagpasalamat. Nginitian muna ako nito bago tuluyang umalis.
Ngayon nasa harap nako ng lagusan patungo sa mundo ng mga mortal.
Labag man sa kalooban ko pero kelangan ko tong gawin.
"Uhaaa , uhaaaa" iyak ng sanggol na hawak ko.
Bahagya ko muna itong hinele para humina man lang ang iyak nito.
"Tahan na Mahal na Prinsesa, ibabalik din naman kita eh. Hwag lang muna ngayon. Delikado kapa e." paliwanag ko dito.
Mukha namang naintindihan ako nito kaya bahagya itong huminto.
BOOOOGSSSHHHH
BOOOOOMMMMM
Malakas na pagsabog ang nagpatingin sakin sa pinanggalingan namin.
Maluha luha akong napaurong sa lagusan.
"Patawad ate. Pero para ito sa pangkalahatan. Hindi man ngayon pero sa tamang panahon. Patawad. Ako na muna ang bahala sa anak mo"
Dali dali na kong pumasok sa lagusan hanggang sa makarating na ko sa ibayo.
Dito na mag uumpisa ang bagong yugto sa buhay ng itinakda.
BINABASA MO ANG
Queen Sangreal
FantasyHabang hinihintay niyo ang update ng book 2 ng All Hail eto na muna basahin niyo. Sorry wala pa talaga akong maisip na maayos na plot ng storyko. Etong Sangreal naman matagal na kasi sa draft ko kaya ngayon ko lang naisipang i publish. Sana masupo...