Umalis
Mabilis kung hinanap si Mama. Kahit saan-saan na ako napapadpad. Nasaan kaya si Mama? Huminga ako ng maayos tsaka nag-isipisip ng mabuti. Alam ko na kung nasaan siya.
Mabilis akong naghanap ng taxi. Sinabi ko sa taxi ang adress na pupuntahan ko.
"Sana walang nangyaring masama kay mama."bulong ko.
Pagdating ko ay agad kung nakita si Mama sa daan. Habang umiiyak at sinisigawan. Mabilis akong pumunta kay mama at dinaluhan siya.
"Ma?" sabi ko habang tumutulo ang luha.
"Ikaw'ng babae ka! Kabit! Pok-pok! Umalis kana dito!" sigaw niya sa Mama ko habang sinisipa.
"Tama na po!.. Tama na!" sigaw ko sa kanya at bumaling agad kay mama. "Ma. Tara na po."
Halata sa mukha ng babae ang pagkagulat sa pagsigaw ko.
"Walang hiya kang babae ka! Huwag ka nang bumalik dito."
Binalewala ko ang babaeng may edad narin katulad ng mama ko. Sa tingin ko ay siya ang asawa ng lalaking minahal ni mama.
"Tulong po... Tulongan niyo ako.." sigaw ko sa mga taong nakikiusisa sa amin. Natataranta na ako. Paano na si mama. Hirap na hirap at pagod na pagod na rin siya. Sana ay hindi nila yun ginawa.
Pero niisa walang tumulong sa amin maliban sa driver kanina. Nagpasalamat ako at hindi pa siya umaalis kanina. Mabuti nalang at nandiyan siya. Pinasok agad namin si mama sa taxi at pinatakbo ito patungo sa hospital.
Hinanghina na si Mama. Naawa na ako sa kanya. "Ma. Bakit ka ba kasi umalis." sabi ko ng iyak ng iyak.
Nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Ayaw kung magkaganito si Mama. Mahal na mahal ko siya.
Umiyak na si Mama at hinarap ako. Hinaplos niya ang pisngi ko tsaka nagsalita.
"Jasmine. Huwag kang iiyak. Gusto mo bang mamatay si Mama ng malungkot. Dapat lagi kang masaya.. Kahit na wala ako.."hindi ko napigilan ang luha ko. At tumulo na ito na parang gripo."Jasmine. Huwag kang mag-alala ha. Okay lang ako. Sana napatawad mo si Mama ha?.. Sorry anak. Mahal na mahal kita." pagpapatuloy niya.
"Bakit ka ba nagsasalita nang ganyan ma. Hindi ka mawawala. Magkakasama parin tayo."sabi ko sa Mama ko. Ilang segundo ang nakalipas ng natahimik si Mama.
Tiningnan ko siya at humarap sa kanya. Natigilan ako ng nakapikit na si Mama at hindi na humihinga. Natataranta ako ng nagsalita sa driver na magmadali sa pagmamaneho. Nang nakarating kami sa ospital. Chineck agad nila si Mama. Umiyak ako ng umiyak hindi ko kayang mawala ang tanging magulang ko.
Ngunit paglabas ng doktor ay sinabihan niya ako ng dead on arrival na si Mama ng dumating sa ospital. Ilang minuto akong nakatunganga. Hindi ko naproseso sa utak ko ang sinabi ng doktor.
Hindi-hindi ako kayang iwan ni Mama. Hindi. Ma. Yan lang ang tangi kong naisip at tanging nagpabalik-balik sa utak ko.
"Ma!.."sabi ko at lumuhod sa tiles ng ospital. Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko na kaya ang sinapit ni Mama at lalo na ako. Hindi ko man lang nasabing mahal na mahal ko siya. "Ma. Mahal na mahal kita."
4 months later.
"Iha. Pasensya kana ha." sabi ni Tita Jane."Kung sana ay may magagawa ako eh di sana ay hindi ka na aalis dito. Sorry iha." sabi niya at inabot ang perang 200 pesos.
Pagkatapos ng nangyari ay kinupkop ako ni Tita Jane na kaibigan daw ni Mama. Apat na buwan ang nakakaraan. Pero heto na naman ako't aalis dahil hindi na nila ako kayang buhayin.
Alam ko naman 'yun eh. Kaya lang ay iniisip ko rin kung saan ako titira. Atsaka marami kasi silang gastusin dito sa bahay. May anak pa silang kakacollege lang.
Kukunin ko sana ang pera ng hinablot ito ni Tito Jess. "Baki mo siya binibigayn ng pera! Kakailanganin natin ito sa gastusin sa bahay tapos binibigay mo lang sa iba!" sigaw niya.
Kitangkita ko ang mga ngisi sa mukha ni Claire na makakaalis na ako ng bahay. Si Claire ay anak ni Tita at Tito. Matagal niya nang ayaw sa akin at ngayon ay nagtagumpay na siya. Umiyak si Tita Jane habang nag-aaway sila ni Tito.
Yumuko na ako at umalis ng bahay. Ngayon kailangan ko ng maghanap nang matitirahan. May 500 naman ako sa bulsa. Kailangan kong makahanap ng matitirhan na 400 lang ang renta.
Hayy.. Mama ko. Namimiss na kita. Namimiss ko na yung luto mo. Mahal na mahal kita Ma. Sana kasama parin kita rito.
--------------
I just changed my cover of my story. So.. hope you like it♥
BINABASA MO ANG
Learning to Love
Teen FictionShe never believe in love. Ang love lang para sa kanya ay ang pagmamahal niya sa kanyang ina. She was a distress girl, she makes everything to make herself busy. To never ever loved anyone, to never experience love. Pero simula ata ng nakilala niya...