UNA♥♥

12 1 0
                                    

Yiann P. O. V

"x(1+x) is equal to what? " tanong ng guro sa harap

Naiinip na'ko kanina pa kasi s'ya dada ng dada sa harap ni hindi n'ya ba napapansin halos tulog na yung mga estudyante n'ya?

'Math is easy, you only need to do is to listen'

Yan ang lagi kong sagot sa t'wing may nag tatanong sakin kung bakit ang tataas daw ng nakukuha kung grade sa math.

Sa katunayan nasa basic palang naman ang topic namin sa math pero wala na agad nakikinig

"miss Yiann ikaw may sagot kaba? " naka ngiting tawag sa 'kin ni ma'am , sa katunayan close kami ni ma'am kasi ako kadalasan ang nakakasagot ng mga tanong n'ya

"x+x²" naka ngiting sagot ko, sa totoo lang wala ako sa mood ngayon

Nabadtrip kasi ako kaninang papasok may kung sino kasing hindi kilalang lalaki ang lagi nalang akong sinasabihan ng 'pag lumingon ka akin ka' wala naman talaga akong dapat pake kaya lang may mga isang linggo na n'ya akong sinasabihan nang ganun eh, nakaksura na

Naasar lang talaga ko hmmmpp

"miss Yiann? Miss Yiann? "gulat akong napalingon sa harapan

kitang kita ko kung pa'no unti unting nangunot ang dalawang kilay ni ma'am, nakatingin badin sakin ang iba ko pang classmates

"p-po? "kabadong sagot ko
Kanina pa ba n'ya ko tinatawag?

Hayyss bakit kasi wala 'ko sa sarili ko.

"sabi ko, pa 'no mo nakuha yung sagot mo" nakangiting sagot ni ma'am, pero halatang may pag kainis

"ahh, nabasa ko na po kasi yan sa libro" nahihiyang sagot ko naman

Nahiya ako bigla, parang hinatak yung confidence ko pababa. Shemay perstym yun . Ganon pala yung feeling.

nakakahiya

Discuss
Discuss
Discuss

Natapos ang oras na puro discussion lang ginawa ni ma'am, hindi na s'ya nagpa activity pa.
Natapos din yung oras na yun na wala akong ibang inintindi kundi yung nakakahiyang feeling kanina.

Hayyss

Uwian na kaya tumayo nadin ako sa upuan, masakit din pala sa p'wet yung matagal na pag kakaupo

Pag labas sa room sinalubong ako ng mainit na hangin, tanghaling tapat kasi.

Habang nag lalakad sa hallway nakarinig na naman ako ng 'kapag lumingon ka akin ka'.
Nang gagaling sa likod ko yung boses, kaya sa inis huminto ako sa paglalakad

"kapag lumingon ka.. Akin ka" ulit ng nasa likod. 'di 'ko alam pero may kung anong force ang nag tutulak sakin na lumingon sa likod, although wala naman talaga akong pake, hayyys nag mumuka akong defensive ehh.
Pero mas pinili kong lumingon ng paunti unti at dahan dahan akong pumanhit patalikod. Kinakabahan ako para sa kung ano.

Pagkatalikod ko ng tuluyan dalawang lalaki ang bumungad sakin, pareho silang naka pang basketball t-shirt, pareho rin silang may itsura, at maayos manamit.  Matatangkad din, maputi yung isa yung isa naman moreno. But I don't care!!

"pre, lumingon!" anunsyo nung morenong lalaki sa kaibigan. Bigla bigla ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba, so ibig sabihin s'ya yun?

"pre!!" tawag ulit nung kaibigan, nangungunot ang noo

"huh? " pa-inosenteng sagot ng kasama

"lumigon s'ya" napapahiyang sagot nito, nawawalan ng pag asa

"ahw, then?" tanong n'ya sa kaibigan pero sakin nakatingin.
Naguguluhan namang tumingin sa kan'ya ang kasama

"pero.. " nag aalangan pang sumagot, na ngangapa.

Ewan ko pero 'di ko sila maintindihan pareho, naguguluhan ako

"eh ano kung 'lumingon' s'ya? Is that important?" taka n'yang nilingon ang kaibigan.

"teka nga tek--" hindi n'ya ko pinatapos sa halip nag patuloy s'ya sa pag sasalita, habang nasa akin na ulit ang paningin

"ano kung lumigon s'ya?WHO CARES? " madiin n'yang sabi, na nag pa init ng ulo ko

What the hell?

Mag sasalita na sana ako ng bigla nalang n'ya kami iniwan ng kaibigan n'yang nakanganga pa.
Sinundan ko pa s'ya ng tingin nang 'diko na s'ya makita ay inis kung nilingon yun kasama n'yang nakatayo padin dun sa harap ko

"hoyy!! " tawag pansin ko dito "kung kibigan mo man o hindi yung puncho pilatong laging nag sasabi ng 'kapag lumingon ka akin ka', pakisabi tigilan na n'ya ko, kasi hindi na kakatuwa, at hindi rin ako natutuwa" mataray kung sabi. Tsaka s'ya iniwan dun.

♡♡♡♥♡♡♡


Pag lumingon ka..Akin kaWhere stories live. Discover now