Nympha

512 18 1
                                    


          Pumasok si Anthony sa bar kung saan niya nakita noong isang linggo ang babaeng pumukaw sa kaniyang pihikang puso. Nais niya ulit itong makita subalit bigo siya sa tuwing bumabalik siya rito.

          Halos sumuko na siya dahil hindi pa rin niya nakikita ang maamong mukhang iyon nang mamataan niya sa exit door ang babae habang kinakaladkad ng isang lalaki palabas ng bar.

          Agad na tinakbo ni Anthony ang likuran ng bar, doon niya nakitang ipinipilit ng lalaki ang sarili sa nagpupumiglas na babae.
"Hoy! Itigil mo 'yan!" sigaw ni Anthony sa lalaking busy sa pagsibasib sa leeg ng babae.

          Tumigil ang lalaki sa ginagawa nito at tinapunan ng masamang tingin si Anthony. "Huwag kang makialam dito. Asawa ko 'to. Puwede kong tirahin 'to kahit saan ko gustuhin. Alis!"

         Napatda naman si Anthony sa tinuran ng lalaki. May asawa na pala ang babaeng bumihag sa puso niya sa unang pagkikita pa lang.

Ang nakaraan...

          Malalim na nag-iisip si Anthony. Narito siya ngayon sa bar para magpalipas ng gabi. May edad na siya subalit ni minsan ay hindi tumibok amg puso niya kahit kaninong babae. Sa edad na trenta, marami na siyang nakilala at naikama pero lahat sila ay pampalipas oras lang sa kanya. Ang gusto niya sa babae ay iyong misteryosa, matapang, palaban. Ayaw niya ng babaeng mahina, iyong puro pagpapaganda at shopping lang ang alam.

          "Oops, sorry," hinging paumanhin sa kanya ng babaeng naka-black dress. Hanggang kalahati ng hita ang haba nito at off-shoulder ang tabas, litaw ang puno ng dibdib nito.

          Napaismid si Anthony. Ang tingin niya rito ay katulad lang din ng mga nagpapapansing babae na kunwari ay babanggain siya para makuha ang atensyon niya. Napatuon ang tingin niya sa mukha nito. "Ang amo ng mukha niya!" naghuhumiyaw ang mga katagang ito sa isip niya. Iwinaksi niya iyon sa isip niya saka ibinalik ang atensyon sa iniinom na Whisky.

          "Hey, do you want some kinky night with me?" Narinig ni Anthony mula sa likuran niya. Tinig ng lalaking foreigner, inaalok ang babaeng may maamong mukha na mag-sex sila.

          "You can have a kinky night by yourself. Use your hands. Enjoy!" Saka tumalikod ang babae.

          "You, bitch! No one has turned me down yet. C'mon! I want to see your camel toe, show it to me." Akmang itataas ng foreigner ang palda ng babae nang pigilan ito ni Anthony.

          "Stay away from my girl." Banta ni Anthony sa lalaking manyak.

          Nagtaas ng dalawang kamay ang lalaki tanda ng pagsuko saka tumalikod ito.

          "Thank you," pasasalamat ng babae kay Anthony.

          "Ihahatid na kita," alok ni Anthony sa babae.

          " I have my car, naka-park sa likod ng bar. Salamat sa offer." Tipid na ngumiti ang babae bago akmang tatalikod na.

          "Ihahatid kita hanggang sa parking lot. Just to make sure you're safe," pangungulit ni Anthony.

          Pinagmasdan siya ng babae at tinitigan bago nagbuga ng hangin. "Okay."

          "Great. Let's go." Pinauna niya sa paglakad ang babae saka sumunod dito palabas sa exit ng door sa likod ng bar.

          Bigla siyang hinaltak ng babae pasandal sa pader at sinibasib ng halik. Nagulat man si Anthony sa ginawa ng babae ay hindi na rin niya napigilan ang sarili. Gumanti siya ng halik dito, marubrob na espadahan ng dila. Naglakbay ang kamay ni Anthony sa katawan ng babae patungo sa puno ng dibdib nito nang pigilan siya nito.

NymphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon