Story #01: Umbrella.

8 1 0
                                    

"Ate, pwede makisukob?"

Lumingon ako sa nagtanong.

To my surprise, si Ghelo Salvador yun. Ang aking crush.

"O-oo naman." :)

Itinaas ko ang hawak kong payong.

Ang tangkad niya po kasi. :'3

"Ikaw na lang kaya humawak neto." sabi ko, at inabot sa kaniya ang payong.

"Haha. Sabi ko nga."

Kinuha niya sa kamay ko ang handle ng umbrella. 

Medyo dumampi ang kamay niya sa kamay ko.

Nakiliti ako dun.

(Ang landi.)

Dahan-dahan kaming naglalakad.

Lumalakas na rin ang ulan.

Maliit lang ang payong ko, kaya nababasa na rin kami.

"Saang section ka?" tanong niya bigla sa'kin.

"Sa planning. Plastic Injection."

"Aah. 'Di ata kita nakikita."

Ouch. Sakit naman pakinggan nun. Para akong anino lang ah.

"Dun ako sa tapat ni Ate Mitch nakaupo. Malapit sa puwesto ni Sir Arman."

"Mitch?"

"Ate Michelle."

"Aah, oo."

-Sandaling katahimikan.-

"Ikaw?" tanong ko maya-maya.

"Sa measuring ako."

"San yun?"

"Sa inventory. Kasama ako nina Sir Vic."

"Aah oo. Nakikita nga kita dun."

Malamang. Pasimple po kaya ako kung pumunta dun. :'3

"Hehe. Graduate ka ba?"

"Hindi. Under grad."

"Anong course?"

"I.T."

"Talaga? I.T. din ako eh. :D"

"Eh? Di nga?"

"Oo nga. Haha!"

Napasukan na ng tubig ang sapatos namin. Bumabaha na kasi sa daanan namin.

"Gusto ko kaya tapusin yun." sabi ko, at tumingin ako sa kanya. And I blushed, nang nakatingin rin pala siya sa'kin. Yumuko ako bigla.

"Gusto ko kasing matutong gumawa ng webstites and programs."

"Gusto mo turuan kita?" Napatingin ako bigla sa kaniya. Nakangiting nakatingin din siya sa'kin.

Sandali kaming nagkatitigan.

Ang ganda ng mga mata niya. :') Haba ng pilik-mata. 

Ang tangos ng ilong. May patubong bigote, at mapulang labi.

BEEEEEEPPP!

Parang nagising kami sa panaginip.

Nakalabas na pala kami ng Company.

Tumila na rin ang ulan.

"Dito na 'ko." sabi niya. Bahagya siyang umalis sa pagkakasilong sa payong, at inabot yun sa'kin.

Malungkot akong ngumiti. "Aah, sige."

"'Ge, bye! Salamat."

Sumakay na siya ng jeep.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan.

"I hope, this wouldn't be the last."

I sigh.

-END.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sorrow.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon