Prologue

10 6 0
                                    

One word, seven letters, hear him and you'll scream.


Hunyo : Blood and Scars


Everything is black. Ang naaalala ko lang noon ay maulan. Hindi pala.. Sobrang maulan. Tatlong sunod sunod na bagyo ang pumasok ng bansa.


Pinagmasdan ko ang munti munting talsik sa aking medyas. Pinagpag ko ito at sumabog sa akin ang aking buhok na madalas nagpapairita sa akin.. Malakas ang hangin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na buhos ng ulan sa bubong ng covered court.


"Bakit ba kasi dumaan pa ko don eh!" Parang baliw kong sigaw sa sarili habang pinapagpag ang mga talsik ng putik sa palda.. Hayaan mo na, wala namang nakakarinig dahil sa malakas na buhos ng ulan. "Eh ako naman kasi eh! Ang landi landi ko! Sa kagustuhan kong makita iyang Edward Atayde na 'yan ay hahamakin ko pati ang putik!" Napairap ako habang naiisip ang mukha ni Edward Atayde habang nakikipaglandian kay Shaliah Buenaflor!


Well, Edward Atayde is my boyfriend! Charot! Sana diba? Matutuwa ako kung popormahan niya ako kaso ang tingin niya sa akin ay isang kapatid na bunso! Pweh! Dalaga na kaya ako, Edward!


Dream boy ko lang naman si Edward Atayde! That boy from the Star Section ng Seniors! Gentleman, gwapo, matalino, masipag mag aral, may direksyon ang buhay, at mayaman pa 'no?


"Saan ka pa makakahanap ng ganoong lalaki, diba?" Napairap ako sa hangin.

"Hey Ing! Going home?" Busina sa akin ni Doncha Salvador noong nag iintay ako sa waiting shed sa labas ng St. Thomas Aquinas.


Nakita ko ang pagkislap ng kamao ni Doncha Salvador habang nakangisi. Napairap ako nang pasikreto.


"Uh! Yes!" Sabi ko nang pasigaw dahil hindi na magkarinigan sa sobrang lakas ng buhos ng ulan.

"C'mmon! I'll drive you home!" Aniya at pinagbuksan ako ng pinto. Mas lalo akong napairap noong kunindat siya.


He's a notorious playboy! Eew! Such a horndog.


"Uh, hindi. On the way na ang Dad ko." Sabi ko at ngumiti sa'kanya.

"Ohh, okay! Take care!" Aniya at kumindat ulit. Eew! Napakalandi talaga 'nong lalaki na 'yon. Napakamalas nang magiging girlfriend niya!!


Si Josiah Atayde talaga ang inaantay ko rito dahil pinangakuan niya akong ilalabas ngayon, nagkaemergency lang daw sa bahay pero darating siya..


Pinagmasdan ko lang ang mga nasa primary school na estudyante ng St. Thomas Aquinas na nagtatampisaw sa putik. They look so happy. Natawa ako nang makita ang pagtulak ng isang batang lalaki sa isang batang babae.. Tuluyan na itong nangudngud sa putik, pero imbis na mainis ay ngumiti lang ito..


"They say rain is a very romantic moment.." Nagulat ako nang may nagsalita sa gilid ko. Sumalubong sa akin ang magulo at basa niyang buhok.. "But it's not.. Paano magiging romantic ang pag ulan kung may umiiyak?" Aniya at tumingin sa akin. Napakunot ang noo ko at nag isip. Tumingin siya sa taas at ngumiti. "Si Lord." Ngumisi siya at tumawa.


Sinabayan pa niya ng alis at kaway. Damn Edward Atayde! Napaka hilig mangbitin! He's so unreasonable. Hindi ko alam kung crush ko lang ba siya o mahal ko na..


Alam niyo yung tipong gustong gusto mong magpapansin sa isang tao? Hindi ko maintindihan! Gustong gusto ko siyang nakikita. Diba ganoon pag may gusto ka sa isang tao? Gusto mo siyang kasama, gusto mo siyang kausap at nakikita. Kay Edward Atayde ko lang naramdaman 'yon.


Totoo ba? Is it true that when you like someone you want them to be with you?


Iyon ang paniniwala ko noon. I admire Edward Atayde so much. Lahat! Lahat lahat nang sakanya! His perception, his addiction! Pati ang mga brands ng damit at sapatos niya kailangan alam ko dahil feeling ko kami ang magkakatuluyan. It feels like I need to know all of him.


Pero nagbago iyon.. Same time, same place..


Sana pala hindi na kami nagka usap.. Sana hindi na ako nagintay kay Josiah Atayde.. Sana hindi umulan, edi sana..


One word, seven letters, hear him and you'll scream..


It's oh so true, dahil nang bumulaga siya sa harapan ko ay napasigaw ako.. Katulad ni Edward Atayde.. Sumalubong din sa akin ang magulo at mapula niyang buhok. Kasama na ang dugo sa gilid ng kaniyang bibig at sa polo..


"Miss, baka may panyo ka naman?" Sinabi niya iyon sa mukha ko na walang reaksyon pero matalim ang tingin. It smells like trouble..

"Excuse me?" Nagawa ko pang magtaray kahit masyado nang nakakaintimidate ang pagsasalita at presensya niya.

"Ano ba?! Sabi ko panyo!" Nang sinigaw niya sa akin iyon ay isang malakas na kidlat at pagbuhos ng ulan ang nangyari. Sa sobrang takot at nataranta ako at humagilap ng panyo sa bag. Binigay ko iyon sa'kanya, hinablot niya ito na nagpagulat sa akin..

"Uh, may dugo ka rito." Turo ko malapit sa labi niya ngunit hinampas niya ang aking kamay nang napakalakas na siyang mas nagpagulat sa akin.

"Dugo lang iyan! Bakit ka nanginginig?" Aniya nang pasinghal. Napalunok ako.


Hindi ba niya ako pwedeng kausapin nang hindi nakasigaw? Mas napalunok ako nang makita na sobrang sariwa oa ng dugo na nasa polo at labi niya. Mas napalunok pa ako lalo nang nakita ang dugo na naka burda na pangalan ko sa aking panyo.


Tumaas ang kilay niya nang nakita ang takot kong reaksyon.. He's scary! Nakakatakot ang mga mata at tingin niya. Nakakatakot ang katawan niya. Nakakatakot ang katangkaran niya..


"Isosoli ko ito.." Aniya. Sasabihin ko na sanang wag na lang. I don't want any interaction with this man again. Natatakot ako.


Iniwan niya akong tulala sa waiting shed.. Nakatulala ako pagdating sa bahay. I'm so scared. Ayoko na siyang makita muli..


Edward Atayde is sad when it's raining. Pero ako? I'm scared when rain drops.


Sana tuluan ng ulan ang memorya para hindi na maalala pa..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Chase : Ram AtaydeWhere stories live. Discover now