Down Pat

102 14 2
                                    

Tears started to brim down my face as I walked down the overpass stairs

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Tears started to brim down my face as I walked down the overpass stairs. People also started to recognize me but I don't care. I'm still trying to hold back my tears by transferring my focus on the things revolving around me and by listening to my upbeat playlist but it really doesn't work. After all of the pain, suffering, and agonies, all my heart's screaming was nothing but redemption.

I literally don't know where I'm going. I want to get lost and escape.

Sa paglalakad ko'y kusa na pala akong tumawid sa malawak na highway nang hindi ko namamalayan. Tinanggal ko sa pagkakakabit ang earphones sa magkabila kong tenga at wala akong ibang narinig kung hindi ang malalakas na busina mula sa mga sasakyang nasa gilid na siyang naging dahilan para mabitawan ko ang ilan sa mga bitbit kong envelopes. Nasa gitna pa pala ako ng kalsada at halos naging dahilan na ako ng matinding traffic. Buhay nga naman; lagi na lang ako ang dahilan ng pagkakagulo-gulo. Nakakasawa na.

Inayos ko ang mahaba kong buhok na ngayo'y halos dumikit na sa mukha ko dulot ng mga butil-butil ng luhang kanina ko pa pinupunasan at mabilis pinulot ang mga nahulog na gamit naglakad upang hindi na makasagabal sa daanan. Mabuti sa kabilang dinaanan ko kanina ay may overpass kaya't mabilis akong nakatawid nang walang inaalala.

Hanggang sa tuluyan kong masilayan ang malaki at malawak na terminal. This is it. I have to say goodbye to my hometown for now. Malaki naman na ako. Kaya ko na ang sarili ko.

From now on, they will no longer suffer.

Inilibot ko ang paningin ko't sinikap na naghanap ng bus na may pinakamalayong byahe. Bahala na. Kung saan man ako mapadpad, alam kong may dahilan kung bakit doon ako dinala ng tadhana. I know it could be the dumbest decision I ever made in my life but this time, I do it for the greater good.

Nang makapili na ng sasakyang bus ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na nagtungo rito. Naglakad ako papunta sa dulong bahagi kung saan karamihan ng mga upuan ay okupado na. Nakakita ako ng bakanteng pwesto at pinili kong sa tabi ng bintana umupo.

Ilang saglit lamang ay naramdaman kong may umupo sa bankanteng upuan sa tabi ko. Hindi ko na sana papansinin pa ito kaya lamang ay bigla siyang may inalok sa akin—gummy worms. Gusto ko sanang tanggihan subalit nadala ako ng malapad na ngiti sa mukha niya.

But behind those wide smiles he's showing, I know there's something wrong. May mali; may hindi tama.

"Don't know where to go?" bulalas niya nang umayos ito ng upo at tumingin sa harapan. Nakunot naman ang noo ko't hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"What—"

"I run away from home. I'm a disappointing son. I didn't graduate. What's yours?" giit niya na para bang ipinagmamalaki pa sa akin ang kapalpakan niya.

He's wearing a plain white shirt with an unbuttoned navy blue polo above and jeans. Simple lamang ang dating niya sa akin but his smile makes him more attractive.

Down pat (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon