Trip

6 0 0
                                    

Minsan naiisip ko ano ba talaga nararamdam mo sakin noon? Lagi kong naiisip "Totoo ba yung text mo sakin noon na 'tingin mo mahal mo na ko.' O baka pinagtitripan mo lang ako dahil lagi mo ko pinagtitripan. Hibdi kita kinompronta noon dahil takot ako masampal ng katotohanan ba laro lang lahat ng yun. Pati yung halik at yakap mo sakin gusto ko itanong sayo pero parang biro lang din sayo, ako di ko na malayan may nararamdaman na pala ko sayo. Pero isang gabi naginuman tayo dito sa bahay napag-usapan ang nakaraan nagtanungan tayo sa mga nararamdaman natin nung mga nakaraan. Tinanong kita. Lakasan nalang ng loob dahil gusto ko na ng sagot sa mga tanong ko.

"Totoo ba yung text mo sakin dati? Na feeling mo na mahal mo na ko?"

Kumunot ang noo mo, nagtataka ka sabi mo "ano yun? di ko matandaan?"

"1st year tayo nun christmas party sa school. After ng inuman natin kanila Dar."

"Ha? Di ako nagtext sayo ng ganun no."

"Nagtext ka sakin ng ganun"

"Ewan di ko na matandaan"

"Sige na. Eto nalang bakit ka nanghahalik?"

"Wala lang gusto ko lang, parang dala ng alak kaya ko nagawa yun."

Nagtinginan kami ni Ban. Sa isip ko gusto kitang sampalin, sapakin, at kung ano man. Gusto kong magalit sayo, gusto kong umiyak, gusto kong tunggain yung alak na nasa harap natin. Ang sakit masampal ng katotohanan na TRIP MO LANG AKO at wala ka talagang nararamdaman sakin at ako naniwala.

Trip Mo Lang Pala AkoWhere stories live. Discover now