Unique
"babalikan ko kayo, aking mga kaibigan."
umalis na ako sa sementeryo dahil baka makita pa ako ni blaster at palagi kong naririnig yung balita tungkol sa sunog sa disco bar at nasasaktan pa din ako dahil mayroon pa ding alaalang natira dahil tuwing tinitignan ko yung sarili ko sa salamin, nakikita ko pa din lahat nangyayari noon.
may peklat sa kalahati ng mukha ko at tinatakpan ko lang 'to ng mouth mask dahil puro pang lalait lang ang aabutin ko kapag tinanggal ko ito.
pag-dating ko sa bahay nakita ko si kean [wag magalit dahil pangalan lang yan at hindi si kean cipriano mismk yan kaya chill] at lumapit agad siya sakin.
"unique saan ka ba nag-punta? kanina pa kita inaantay." sabi niya
si kean ang tumulong sakin na maka-alis doon sa ospital at tinulungan niya din ako mag-bayad ng bills sa ospital.
"may dinaanan lang."
"nako nikko, may liniligawan ka na ba?" sabi ni kean
sinong magkaka-gusto sakin kung ganito na itsura ko?
"wala akong liniligawan at sinong magkaka-gusto sakin? kung ganito itsura ko?"
"hindi naman lahat ng tao gwapo o maganda tinitignan, mas mahalagang tignan o malaman mo yung ugali dahil kung gwapo ka tapos panget naman nang ugali mo, wala din."
tama siya.
"Kumain ka na ba?" tanong ko
"hindi pa nikko, ikaw kumain ka na ba dahil namumutla ka na." sabi niya at namumutla na ako?
"wala pa din akong ganang kumain at sige na kumain ka na."
"inantay pa kita." sabi niya tapos kumuha na siya ng pagkain sa kusina at umupo nalang ako sa sofa dahil wala naman akong ibang gagawin.
*SA OSPITAL*
"buti naman gising ka na." sabi nung lalake at nasaan na ako?
"nasaan ako?" tanong ko dahil akala ko kukunin na niya ako.
"nandito ka sa ospital at wag ka munang tatayo dahil hindi pa magaling yung mga sunog sa balat mo, kailangan mong mag-pahinga." sabi niya at oo nga pala, linigtas ko sila blaster kaya nagka-ganito katawan at mukha ko.
"ayoko dito." sabi ko
"hindi pwede at kailangan mong magpa-galing."
"ayoko na dito at gusto ko nang magpaka-layo." sabi ko tapos hinawakan ko yung kamay niya dahil nang hihingi ako ng tulong sakanya na maka-alis dito sa ospital.
"parang awa mo na, umalis na tayo dito." sabi ko at naka-tingin lang ako sakanya dahil hindi ko magalaw yung katawan ko dahil kapag gumalaw ako lalong sasakit.
"sige kung yan ang gusto mo pero kailangan mo muna mag-pahinga ng ilang araw dito hanggang sa maging okay yan." sabi niya
"salamat." sabi ko
"ako nga pala si kean at nakita kita sa may fire exit kagabi dahil tumulong ako sa mga nag-hanap ng katawan ng iba."
kailangan ko bang sabihin yung totoo kong pangalan?
"u-uh ako nga pala si Nikko at maraming salamat." paulit-ulit akong nagpa-salamat sakanya dahil pumayag siya na isama niya ko at lumayo.
ayoko nang bumalik sa dati dahil maalala ko lang lahat ng sakit nang naiwan.
*NGAYON*
hinding-hindi ko makakalimutan yung mga nangyari noon sa disco bar at hinding-hindi ko din makakalimutan sila blaster dahil kapatid na ang turing ko sakanya pero sana mabasa niya ang papel na ibinigay ko sakanya.
"Unique pwede mo ba akong samahan bukas sa mall? titingin lang sana ako ng bagong gitara dahil nasira na yung luma ko." sabi ni kean
"sige." sabi ko naman at tuwing pumupunta ako ng mall palagi akong tinitignan ng mga tao, dati tingin ko sakanila kapantay ko lang pero ngayon iba na dahil sa itsura ko.
ang hirap kalimutan nung mga nangyari dahil palaging nasa isip ko yun at pakiramdam ko kahapon lang iyon nangyari.
***********************************************
end of chapter one
Twitter: callingunique
salamat!!