Dalampasigan

10 1 0
                                    

Ako'y napunta sa dalampasigan, kung saan makikita mo ang karagatan na asul, ako'y nakaupo sa duyan na may hawak hawak na baul.

Isang baul na mahiwaga, na kung saan nandoon ang salamangka,salamangakang magbibigay buhay sa nakaraang wala ng kulay.

Ayokong mawalay sa iyong piling, na parang daluyong na nililihis kung saan ako patungo,iisa lamang ang aking hiling ay ang makasama kang muli sa aking piling.

Ayokong mawala ka sa aking isipan, kung saan naroroon ang ating pagsasama, pagsasamang bumuo sa aking pagkatao,pagkat ikaw lang ang nagbibigay kulay sa buhay kong walang kasigla sigla

Musikang aking naririnig, tinig na may kasamang panginginig, boses na nanlalamig, na bumabalot sa aking pusong puno ng pag ibig.

Kaisipang hibang na hibang, utak na laging lumulutang, sa entabladong puno ng mga mata ,na hindi mo alam kung nanghuhusga.

Tunog ng hampas ng alon sa dalampasigan, tiyak na doon na rin itatapon, ang lahat ng alaala mula sa kahapon, kung saan doon na rin lilimutin ang pag ibig na pinaghirapan isalba at itaguyod sa mga nakalipas na taon.

Ngayong wala ka na sa piling ko, sinta
Tila ba'y nalunod na ako ng tuluyan
Hindi ako makaahon, hindi ako masabay sa agos ng alon

Na patuloy sa pag agos na hindi mo alam kung saan patungo.sumasabay nalang kung saan ako dadalhin, Tubig na nanggaling sa bundok, na nagiging lawa na nahahati pa sa ilang sektor na nagiging ilog na patuloy na mapupunta sa karagatan na kung saan ako hinila pababa ng pagpapakatanga ko sa isang katulad mo.

Ayoko nang umasa na tayo'y magkakabalikan muli, na alam kong lahat ng aking gawin ay huli na, na kahit anong mangyari'y wala nang maisasalba pa, katulad ng pag wasak ng malaking daluyong sa mga bahay sa dalampasigan.

Paalam aking sinta, ngunit ayoko nang masaktan pang muli, ayoko nang mabasag, at mawala sa aking sarili ng dahil lang sa kawalang hiyaan mo.

Ayoko nang mabuhay pa isang mundong puno ng illusyon na ginawa mo, ayoko ng mapaniwala sa lahat ng sinasabi mo, ayoko ng makulong at mabihag sa kadena na labis na sumasakal saakin.

Paalam at hanggang dito nalang sa dalampasigan ang ating una at huling kamusta at paalam.

Sa dalampasigan na nabuo at nasira ang lahat.

Sa dalampasigan na nagpakalma saakin.

At sa dalampasigang bumuo muli saakin.

\a

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Book Of PoetriesWhere stories live. Discover now