SWP1: Dating Tayo

13 0 0
                                    

"Dating Tayo"

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing umuulan,

Hindi ko mapigilang hindi masaktan..

Na sa bawat pagpatak at pagtapak nito sa lupa.

Ay tumutulo ang mga luha kong walang hupa..

Sa tuwing naaalala kita.

Sa tuwing naaalala ko ang mga magagandang ala-ala.

Na mananatiling ala-ala na lang.

Para kang bato, at ako yung ulan.

Dahil kahit ano pang pagbuhos ko sayo.

Ay mananatili ka pa ring bato...

Walang pakiramdam, walang alam, o baka naman wala kang paki alam.

Siguro nga, wala ka ng paki-alam.

Kaya kahit ano pang pag iyak ko sa iyong harapan,

Ay parang wala kang nakikita o naririnig.

Hindi ko alam..

Hindi ko alam kung manhid ka bang talaga.

O sadyang mahal mo na talaga siya.

At hindi na ako ang nagbibigay sayo ng saya.

Siguro nga, hanggang nakaraan na lang tayo.

Siguro nga, tapos na ang ating kwento.

Ngunit heto pa rin ako, binabalikan ang dating tayo.

Nabubuhay sa mga ala-ala.

Na kahit nagmimistulang dakilang tanga,

Ay para sa aki'y wala na iyong halaga.

Dahil ang mahalaga, para sa akin ay ang makita kang masaya.

Kahit pa..

Hindi na ako ang iyong kasama.

Pinalaya kita para magmahal ng iba dahil alam ko namang mahal mo talaga siya.

Ngunit sana hayaan mo din akong maging masaya.

Kahit hanggang dito na lang,

sa dating tayo.

Dahil ikaw pa din ang laman ng puso ko.

Ikaw ang hapdi at ligaya ng buhay ko.

Kaya heto pa din ako, nakakulong sa dating ikaw at ako....

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon