Maganda naman ako, matalino, mayaman, mabait, cute. Halos nasa akin na ang lahat. Bakit ganoon? Hindi man lang ako gusto ng nagugustuhan ko.
"Ang ganda niya di ba?" tanong ni Felix, kaibigan ko at ang taong aking nagugustuhan. Ako si Noreen, close lang kami ni Felix.
"Tsk mas maganda naman ako" bulong ko, mahirap na baka marinig.
"Anong sabi mo?" tanong niya. Haay, kung alam mo lang.
"Ang sabi ko, oo maganda si Paula. Nakakatibo nga e" sabi ko, si Paula ang gusto niya at ka-kambal ko. Mas close ko si Paula kaysa sa kanya, torpe kasi.
"Huy huwag, inaagawan mo naman ako" tsk baka ako ang naagawan? Saka hindi naman ako magkakagusto sa kapatid ko, naging lesbian at incest ang kwento namin.
"Haha biro lang" tinawanan ko na lang siya.
"Ikaw talaga" tapos ginulo niya ang buhok ko. Teme ne, kaya kita mas nagugustuhan.
Nakaupo kasi kami sa gilid ng stage, dancer si Paula at sinamahan ko siya sa practice. Dahil alam ni Felix na manonood ako, sumama na rin siya. Buhay nga naman.
"May naisip ako" basag niya sa katahimikan.
"Ano?" tanong ko habang nanonood ng sayaw nila.
"I-reto mo ako"
"Ano?" bigla akong napatingin sa kanya, tapos tumingin siya sa akin. Sana hindi niya napansin ang pagpula ng mukha ko.
"Sabi ko I-RE-TO mo ako sa kanya" bigla siyang ngumiti. Kainis, kaya mas lalong hindi kita nahihindi-an.
"Sige, mamaya ipapakilala kita"
"Salamat" ngumiti siya ng malawak tapos niyakap niya ako. Kaya mas lalong nahuhulog ang loob ko sa iyo.
"NOREEN!" kumalas siya sa pagkakayaka, bigla siyang namumula.
"Tapos na pala kayo?" inabot ko yung towel.
"Break lang namin" tapos nagpunas siya ng pawis.
"Siya nga pala Paula, si Felix" tumayo kami sa pagkakaupo.
"Hi" aba't na-torpe pa siya.
"Hello" tapos nagshake-hands sila, ka-inggit pero nanditp na ito. Panindigan na lang.
Pagkatapos niyon, ilang araw na silang magkasama. Tinanong niya pa kung ano ang gusto niya sa birthday ng kambal ko. At siyempre sinabi ko, parehas lang naman kami ng araw ng birthday ni Paula.
Isu-suprise daw kasi niya kaya hinayaan ko na lang. Alam ko masakit mag-assume saka kapatid ko pa ang kaagaw ko. Ako na ang magpaparaya. Simula ng araw na iyon minsan na lang kami magsama.
Ngayon ang birthday namin ni kambal at ito medyo late ako dumating kasi baka maka-abala pa ako. Magpi-picture lang naman ako, para may remembrance sia.
Pagdating ko sa venue, bakit walang tao? Late ba talaga ako? Higit kalahating oras ako na-late, baka tapos na? Sayang naman ang effort ko, maka-uwi na lang.
Paalis na sana ako biglang may narinig akong tumugtog. Napatakip ako ng bibig. Masyado akong nagulat. I never thought about this thing, first it is a dream became real, ito yung romantic scene na gusto ko.
A table..
Under a night sky..
That are full of stars..
With beautiful moon above us..
Match with the candles..
To serve light..
Most of all..
My favorite music..
A romantic set-up..
Pangarap ko ito, na tinupad ng taong gusto ko.
"Do you like it?" hindi ko namalayan malapit pala siya sa akin at binulong niya yan habang nakayakap.
"Oh bakit ka umiiyak?" tapos kumalas siya.
"Wala, masaya lang ako" sabi ko habag pinupunasan ang luha ko.
"Do you like it?" inulit niya lang yung tanong kanina, umiling-iling ako.
"Ha? Bakit? May mali ba? May kulang pa ba? Gusto mo---" tumigil siya dahil nilagay ko isang daliri ko sa bibig niya para tumigil sa pagasasalita.
"Shh. I don't like it, I love it" fake smile, alam ko naman kung para kanino ang mga ito.
"Haay akala ko hindi" parang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi niya.
"It's very romantic, sigurado ako magugustuhan ni Paula ito" habang nagtiti-tingin sa buong venue.
"Uhmm. Sa totoo lang, ano kasi" napalingon naman ako sa kanya.
"Ha?" bakit siya nauutal?
"This set-up, this is not for your sister, actually it's for you" sabay tingin sa akin.
"Ha? Akala ko ba ka----" then he kissed me, is it real? Smack lang siya para mapatigil ako. Shocks baka kasing pula ko na ang kamatis o ketchup.
"Sa totoo lang Noreen, ikaw talaga ang gusto ko. No, erase that ikaw ang mahal ko. Nakakatuwa ngang malaman na the feeling is mutual. Pero gusto mo lang pala ako buong akala mo gusto ko si Paula? No, ikaw talaga. Noong pinakilala mo ako sa kanya, sa totoo lang matagal na kami magkakilala. Lagi mong sinasabi sa kanya na gusto mo ako pero may gusto akong iba. Tama na may mahal ako, may mali doon sa sinabi mo dahil ikaw ang mahal ko at hindi siya. All of this, it's just for you.. ito ang pinapangarap mo na romantic para sa iyo di ba? kaya nagpatulong ako sa kanya at pinalabas ko na gusto namin ang isa't isa. Kaya gusto ko na ipareto mo ako sa kanya para masimulan na itong plano ko for you tapos irereto ko siya kay Maguel bilang kapalit. So your wish is now granted, can you grant my wish too? Noreen Genvire can you be my girlfriend?" pagkatapos ng speech niya, ako naman ang speechless kaya napayakap na lang ako sa kanya.
"I think it's a yes?" sabi niya.. humarap ako sa kanya.
"Uso manligaw! Ano ka sinuswerte? Ligaw muna pero kung hindi mo kaya maghintay sorry, pwede mo na akong tantanan."
"Sus, parang iyon lang? Sige ba kung ito hinintay ko yung ilang araw na panunuyo ko sayo hindi ko pa kakayanin? Huwag mo akong subukan Mrs. Noreen Mendoza, mapapasaakin ka din" sabay wink.
"Mrs. Mendoza talaga ha? Let see Mr. Mendoza because now I am crazy in love with you" and then we kissed.
Ang akala kong infatuation, pagmamahal na pala. Kaya minsan pwedeng umasa pwede hindi. Ut depends on the situation and to you.
Kasi.
Things happen when you let it to happen.
Tsk buhay nga naman.
Kung hindi ko pala siya nireto, hindi makakaamin ang torpe na ito kapag nagkataon.
Pero hindi, iba ang nangyari. Reto pa rin ang naging dahilan hanggang huli..
--------------------------------------------------------------
a/n: yeah.. isa ako sa mga taga-reto sa mga kaibigan ko kaya ito! boom single xD haha.. wala eh busted lahat.. trululu yabang eh..
naisipan ko lang tutal.. taga-reto at hanapan ng mga nawawalang girlfriend at boyfriend xD..hanapan portion..
sa mga taga-reto lang! haha mabuhay! iyan tayo eh! thats life kumbaga x)
vote, comment and share :) thanks ^_~