Ang Satrapa at ang aking Pag-ibig
Ako’y nakatayo habang mata mamumugto
Ng mga tubig na bumasa at nagpahapdi sa’king puso
Taong lumipas; mga pagkakataong lumampas
Pilit kong ibinabalik kahit sa mga hinuha’y pinipitas
Sa kawalan ako’y nakatingin
Habang ginugihit sa aking isip ang sayang nakaraan
Noo’y saya sayo, ngayon nama’y sugatan
Pag-ibig sayo noon mapalitan na ng karimlan
Bawat ihip ng hanging malungkot
Ngalan mo ang dala sa bawat paglaot
Ngunit ang tamis ng dating musika,
Napaltan na ng daing ng iwan mo na
Pagkakataong ito’y di naipagsimpan
Dumaluhong, simbilis ng kamatayan
Lumipol, hinawi ang lahat
Aserong panakit sa puso’y lumalapat
Di lubos maisip, di lubos matanggap
Ang pag-ibig na ito’y buong pagpapanggap
Ang bawat turang tamis, bawat pagnanais
Naglahong lahat, natanang mabilis
Sa’king pagluhod satrapa’y dumating
Kamay ko’y tinangnan, buong sikap at galing
Pinahi ang tubig na nagdadala ng hapdi
Sa aking mga mata’t pinaupo ng madali
Ang pag-ibig ay talagang ganyan
Sa una’y maganda at puno ng halina
Ngunit sa paglaon hanggang walong taon
Unti –unti, dahan dahan pagmamaha’y mababaon
Ika’y ngayon humihikbi, tumatangis, nalulumbay
Dahil pag-ibig ay dahan dahang bumabaon sa hukay
Tanging masasabi ko’y pag-asa’y iyong ipagtibay
Ganya’y dumadating, nasa’yo kung ika’y bibitaw
Dalawang bagay ang aking lilinawin
Sa pag-ibig mong hawak at pilit binabalik
Maari mong itong mahutok at muling lumapit
O di kaya’y mawala’t sa duhagi sumapit
Sa sinabi ng satrapa ako’y natawhan
pag-ibig ko’y aking pa ring panangnan
hanggang kaylan ‘to, sana’y wag akong bitawan
ng aking pag-ibig, ng aking kasayhan
sa huling sandali ng oras na malumbay
nagbagong lakas, nagbagong saya
Pusong malungko’y muling pinagtibay
Ang duhaging puso’y pinaltan ng sigla
Kahit ilang taon ang aking hintayin
Hangga’t hindi siya nangangako sa iba
Tanang pag-ibig, aking palalawigin
Hanggang bumalik ang mga taon sa’tin.