Sunday ngayon pero di ko ma feel. Nababagot ako sa bahay kase wala yung little naughty sister ko. Kaya eto ako ngayon, nasa labas kasama yung pinsan ko na si Rane. Ipapasyal nya daw ako sa hall nila kaya pumayag ako. Ow by the way, Im Skie Vannize Leigh. 15 years of age at bagong lipat lang kami sa lugar na 'to. Medyo malayo-layo pa daw yung hall nila kaya tiis ganda muna. Tsaka gusto ko din ma familiarize yung mga lugar dito eh. Anyways, Rane is my super duper and first cousin. Naging close kami kase palagi silang pumapasyal ng manila noon kasama yung whole family nila. Lagi kaming namamasyal noon. He's 17 years old at ang tangkad nya, seriously. Wala lang, share ko lang.
"Hoy Rane! Malayo pa ba?!" Singhal ko sa kanya kasi medyo nangangalay na yung mga binti ko. Bakit kasi nilakad eh pwede namang sumakay. Psh.
"Hoy ka din Skie! Are you blind? Look, ayan na yung hall oh! Kakainin kana niyan di mo parin nakita. Tss" singhal din niya sa akin. Di nalang ako nakipag debate kase alam ko kung san patutunguhan yung usapang to. Hays
Pagpasok namin sa hall, aba! Tindi maka tingin ng mga tao dito ah? Well, creepy. Lalo na yung mga mas nakakatanda at may edad na.
"Rane!" Kalabit ko sa kanya
"What?" Medyo naiirita nyang sagot
"Why are they looking at us like that?" Tanong ko
"I dont know. Maybe your'e too ugly" kibit balikat niya. Wth?!
"Baka ikaw, kako?"
"Im handsome. Lapitin ng babae but not asshole." He chuckled
"Augh! Idiotic! Your'e so mean!!!" Pasigaw na singhal ko sa kanya kase nanguna na siya sa pag lakad.
"Ingay niyan, bro ah?" Nakangising sabi ng lalaki sa kanya. Matangkad, moreno. Parang perfect na pero di ko bet. May bitbit siyang bola na inihawak niya ng kanyang braso. Maya maya lng nag yakap pang lalaki at fist bump sila. Are they friend's?
"Oo nga pre eh, patahimikin mo nga? HAHAHHA" sabat naman ng pinsan kong tanga! Bigla akong nilingon ng lalaki kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Girlfriend mo bro? Gandaaa. Galing talaga pumili eh." Tsaka nag tawanan silang dalawa. Naiinip ako sa pag uusap nila tsk.
Tumawa yung pinsan ko tsaka nag salita "Uh, no. She's my cousin. Magnda ba yan? Mukang talampakan ko yan e" tsaka tumawa ng pagkalakas lakas. Ako yung nahihiya sa pinsan ko e. Pag siya nang asar di talaga ako pumapatol kasi alam kong hindi ako mananalo dito. Imbes na sumagot ay inirapan ko nalang siya.
Well, sanay na ako sa pinsan kong to. Parang isip bata. Alam nyo yun? Minsan nakakapikon. Sa una magagandang mga compliments, then next what? Akala mo maganda talaga compliments pero may pahabol pa na pang aasar. Yung feeling na gaganda na sana yung loob mo pero may pahabol pa. Tsk tsk. Really bad.
"Hey panget, this is my bestfriend Khile. Khile meet my cousin, Skie. You may shake hands" sabay tawa ng ugok. Nakakapikon talaga kaya minsan ayaw kong sumama kasi pinapahiya lang ako e. Hays. That's what he is. Minsan joker pero nakakatakot pag seryoso na.
"Hi, Khile Krevin Guenova, nice to meet you" sabay smile. Sa totoo lang, ang gwapo niya pag naka smile. Pero parang may kulang sa kanya at may ayaw ako. Basta di ko ma explain.
Tinanggap ko yung kamay niya, syempre. Ayaw kong magpahiya ng tao. Di ako tulad ng pinsan kong to. Psh "Skie, Nice to meet you too" seryosong tugon ko
"Rane, I want to go home" angal ko
"Maglalaro pa kami, you better stay on our bench and don't go"
"Inaantok ako" nakanguso kong tugon. Nagpupumilit.
"Then sleep on our bench" he seriously said
"Ok. Ako nalang uuwi mag isa, bye" tsaka ako tumalikod pero pagtalikod ko may tatlong lalaki na papunta na sa gawi namin kaya humarap nalang ulit ako sa pinsan ko.
"Couz, please. I wanna go back home. Tsaka ako lang isa yung babae dito" nagmamakaawang sabi ko.
Di niya ko pinansin. Nilagpasan niya lang ako at lumapit na sa tatlong paparating na lalaki. Siguro mga bestfriends din niya. What do you think?
Nag usap sila. Mga ten minutes na siguro kaya magdedesisyon na sana akong umupo sa bench nang tawagin ako ni Rane. Hays
"What?" Angil ko.
"Come here"
"FINE! AISH." Naiinis kong tugon
"I want you to meet my cousin, Skie. Galing sya sa manila."
"Who care's?" Sabat ko
"No one care's couz. Pinapakilala lang kita. Don't expect too much" tsaka nag pigil ng tawa.Psh
"You should have a boyfriend, Skie. I want you to meet Hence. Siya nalang kase parang intresado sya sayo. Mabait din naman tong tao. Just tell me kung pinagloloko ka niya" tsaka sabay silang natawa except sa Hence na tinuro niya. Inirapan ko lang sya.
Tiningnan ko yung Hence, nakatingin siya sa akin. Yung tingin na parang intresado nga pero ayaw ipakita. Kinabahan ako kaya umiwas ako ng tingin. Bumilis bigla yung pintig ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Sheeez.
Nilagpasan niya ako at dumeretso sa court. Syempre sinundan ko siya ng tingin. Gwapo, matangkad, maputi, medyo singkitin ang mata, katamtaman lang yung katawan tsaka.... tsaka ang ganda ng katawan. The way he look's at me make's me uneasy.
"HOY RANE! NIRERETO MO BA AKO?! HA?!" Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko kaya bumagsak yung balikat ko. Lang kwentang kausap. Tsk. Pumunta nalang ako sa bench, yung malayo sa kanilang bench kase na a-awkward'an ako. Nakabusangot yung itsura ko kaya feeling ko mukha na akong bibe. Hays
>>>Clawdy Calling<<<
Tatlong beses na nag ring kaya sinagot ko na kaagad.
"Ate, were home. Where are you?" Tanong niya kaagad
"Uhm. I don't know what is this place but were here in hall. Kasama ko si Rane"
"Wheeeeere? I wanna comeee!"
"Then come! Bahala ka kung maligaw ka!"
"Sunduin mo 'ko ate, I'll wait you here outside of our house. See you in 5 minutes. Your time is running, bye. Iloveyou hehe" tsaka binaba yung linya. Aish kainis!
Buti naman at bumalik muna sa bench yung mga boys para magpahinga/ break. Nilapitan ko na kaagad si Rane.
"Couz, sundin ko lang si Clawdy. Tumawag eh, naka uwi na daw. She want's to come here. Babalik din ako, kasama ko na siya. Promise" sabi ko. Tiningnan ko silang isa'isa. Nakatingin na silang lahat sa akin. What's their problem? Tsk. Nag iwas nalang ako ng tingin at bumaling ulit sa pinsan ko.
Nakita ko siyang tumango tango "Magpasama ka" sabi niya. Nagulat ako kaya nagreact ako agad
"Couz, you know. I can handle this. Im not baby anymore. Promise, I can handle this. I swear" nag taas pa ako ng kamay para lang maconvince siya.
"Ako nalang" "Sasamahan kita" nagulat ako kasi sabay na sinabi yun ni Khile at Hence. Nawindan ako pero nakarecover agad.
"Ahh, wag na. Okay lang ako" sabi ko sa kanila. Sheeez, malelate ako sa kapatid ko neto eh.
"Maraming manyak sa labas, baka mapano ka" agarang sagot ni Hence na seryoso ang pagkakasabi.
Dug Dug. Dug Dug
Anong problema mo heart?! Kalma, lamang tayo. Tsk
