CHAPTER 2

3 0 0
                                    

Wala na akong nagawa kundi lumabas nalang sa hall nila. Sumunod naman yung Hence na iyon kase pinagpipilitan din naman ng walang hiya kong cousin sakin. Haaaay, eto naman kami ngayon naglalakad pauwi sa bahay. Hindi lang ako mapakali kase nga naka short ako, tapos nasa unahan ako naglalakad habang siya eh nakasunod sa likod ko. Nahihiya ako na naiilang.

Tahimik lang kaming naglalakad ng bigla niyang binasag yung katahimikan.

"Hey!" Pagtawag niya sakin. Napatigil naman ako sa paglalakad pero hindi ako humarap sa kanya. Maya maya lang nasa tabi ko na siya.

"Soo, ilang taon kana?" Tanong niya pa.

"A-ahm, fifteen" sagot ko nalang

"Ahh. Ako naman sixteen." Di na ako kumibo kase ang boring niya magtanong. Tsk. Tsaka di ko naman siya tinanong kung ilang taon din siya. Shunga lang eh.

"Nakailang boyfriend kana?"

q0_0p

"H-ha?"

"Nakailang boyfriend kana, kako?"

"B-bakit?" Nauutal kong sagot.

"Wala. Nagtatanong lang." Sabay ngiti niyaaaaa. Yung killer smileee. Hoy lupa, kung lupa ka man. Kainin mo na akoooo.

Di na talaga ako kumibo kase nahihiya na talaga ako. Di ko din nasagot yung tanong niya kaya hinayaan niya nalang ako.

Pagkarating na pagkarating namin sa bahay, nakita ko naman si Clawdy na nakaupo sa labas ng bahay at nung makita niya ako, slash kami, eh nanlaki yung mata. Kinakabahan na ako sa lalabas sa bibig ng impaktang yan.

"MAMA, PAPA! SI ATE MAY BOYFRIEND NAAAAAA!" sigaw niya. Lumabas naman agad si mama at papa tapos nanlaki yung mga mata

Napapikit nalang ako sa kahihiyan at inis. Tiningnan ko si Hence tapos nakangiti lang siya. Arughjjgwkzba!!!!

"Hoy!" Tawag pansin ko sa kanya. Napalingon naman siya.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan, ha?!" Tanong ko sakanya.

"Wala, HAHAHA boyfriend mo daw ako" /wink.

(0_0) haaaaaa??!!?!? Masaya siya dun? Masaya yun?!?!?!

"Ma, Pa. Ano ba?! Di ko siya boyfriend. Wag kayong maniwala sa Ulap na yan!"

"Anak, alam mo okay lang naman saamin na magkaboyfriend ka. Sa totoo lang matagal ko na ngang gustong magkaboyfriend ka. Kaso kahit isa wala ka manlang maipakilala sa amin. Mabuti nalang at sa ngayon meron na. Ang saya ko para sayo anaaaak. Yieeee" kinikilig na sabi ni Mama. Kita mo na parang bata lang kung makapag salita. Tsk

"Ano bang pangalan mo, iho?" Tanong naman ni Papa.

"Hence po" tsaka nagmano kay papa at mama. Aba feeling close din pala tong gago na to!

"Pag nalaman kong sinaktan mo ang anak ko, hindi ka na welcome sa pamilyang ito" banat naman ni papa.

"Opo haha. Kung ganon, welcome na po ako simula ngayon?" Nakangiting yugon niya

At dahil dun napalaki yung bibig at mata ko.

''Oo naman. Ano ka ba naman Hence. Hahaha" tugon naman ni mama. Oo alam kooo. Over react na kung over react pero di naman ako papayag na ganun ganun nalang. Kanina ko pa ngalang siya nakilala eh. Dapat nasa stage palang kami na 'getting to know each other'.

"Ayieee ateeee. HAHAHAH"

"Anak ano ka ba naman. Ang sungit mo dito sa nobyo mo" sa totoo lang. Gusto ko nang paalisin si Hence. Sana naman gumawa siya ng paraan para di kami kulitin no? Malandeeee

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FATED BUT NOT DESTINEDWhere stories live. Discover now