Chapter 1

206 1 0
                                    




°○•●▪●•○°
::Chapter::
::1::
::SECRETS::
°○•●▪●•○°

Theresa's POV

Gumagawa ako ng homework, pinaglalaruan ang bolpen na nasa mga daliri ko, ang ilaw ko lang ay yung lamp na nasa table ko at isang mug ng malamig na dark chocolate.

Ang mga mata ko ay nagiging mabigat na at as soon as i know it, nakahiga na ako sa higaan, letting sleep overtake me.

Sobrang lambot naman ng higaan nato, sobrang comfy...

"Resa!"

Anak ng-

I sighed at nag-stretch bago tumayo ng sobrang bagal, antok na antok na at galit ng konti sa mama ko, sino ba naman ang hindi magagalit, matutulog na ako eh!

"Ano yon!" Sinigaw ko habang sinusuklay ang buhok ko, kung nakita man to ni mama, sure ako mag lalabas yan ng suklay at susuklayan ako, walang tigil kahit ang sakit na ng scalp ko.

"...basta! Baba ka!" Tumigil siya ng konti sa gitnaan, parang unsure sa sinasabi niya.

Okay, hindi iyon normal, hindi talaga.

Kasi, lagi namang sure si mama sa ginagawa niya at kahit sa sinasabi niya, anyare?

Binalik ko agad yung suklay ko sa drawer, tumatakbo pababa, worried sa mama ko.

Ng nakita ko siya sa lamesa, nakatingin sa leftover iced tea na hawak-hawak niya, bigla talaga akong naging super worried, kumunot ang aking noo.

"Ma, okay ka lang ba?" Sinabi ko ng mahina, mukhang meron talagang nangyaring masama sa mama ko, problemadong-problemado.

"Ha?" Tumigin siya sa akin, ang left hand niya ay nasa ulo niya, ang lagi niyang proper at straight na buhok ay buhaghag at parang pula ang mga mata niya.

At ng nakita ko ang pagkapula ng mga mata niya, i went closer and held her shoulder before leaning down at her.

"Ma, umiyak ka ba? Anong nangyare? Ay nako! Kung meron ka na namang failed date, don't worry, marami-rami pa yung mga lalake diyan" I assured her before taking a seat in front of her.

Umiling siya, still silently sobbing before she drank her iced tea.

"Anak, baka--" She sobbed a bit before letting out a deep breath "baka hindi kita makikita for 6 years"

My eyes widened at tumingin ako sa mama ko weirdly, sabi na dapat tinapon ko nalang yung leftover iced tea! Expired na ata!

"6 years!? Wait lang, wag mo nga inumin ulit yan! It's messing up your mind, ma!" Bigla kong kinuha yung iced tea na nasa kamay niya, nilagay ko siya sa gilid ko at tumingin ulit ako kay mama.

"Nabaliw ka na ba? Wag ka kasing mag stay sa art room mo for 6 hours yan tuloy, iniisip mong aalis ka na!"

"You don't understand, Theresa" Sinabi niya bago siya nag labas ng letter sa bag niya na nasa lap niya, sliding it to me.

"Basahin mo"

I took a deep breath, tumitingin sa letra with mixed emotions.

Sana naman, prank lang to o baka AKO ang mabaliw, biglang naglabas ng letter si mama, isang LETTER, isang makalumang way ng pag-sesend ng messages to people and i'm also sure na ang mama ko ay hindi gumagamit ng letter, gumagamit siya ng e-mail.

Ang envelope na nasa harap ko ay may totoong red seal, isang magandang pulang seal na may parang mosaic o dreamcatcher na pattern na naka-embed, mukhang maluma-luma narin ang envelope from the yellow stains from the edges or maybe nabasa lang ng coffee?

Binilisan ko ang pag-bukas ng envelope at nilabas agad ang letter dito, binasa ng mabilis at tumingin ulit ako kay mama in a weird, disbelieving and concerned way.

"So, sinasabi ng letter..." unsure kung mag-papahulog ba ako sa prank niya "na meron akong magic sa dugo ko?"







(A/N: oh my gahd ginawa ko talaga, hala na)

🌊 s e a s h e l l 🌊



The Struggles Of A Young Magical BeingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon