Chapter 2

65 2 0
                                    


°••○••°
Chapter
2
°••○••°

Theresa's POV

Naka upo ako sa higaan ko, hindi nakatulog sa kaiisip ko sa sinabi ni mama sa akin.

"Believe me, Theresa, you have magic in your veins, you're a very special one, merong karwahe na ipupunta ka sa Alkonost street, kasama na rin ang pinsan mo, mag impake ka na"

Pagkatapos noon, wala na akong sinabi pa at umalis nalang sa harapan niya, nakabukas ang bibig.

Ang tsokolate ko sa table ay hindi na malamig, kundi maligamgam at wala na akong enerhiya na pumunta sa kusina at ilagay sa lababo, di ko nga kaya mag-salita paano na ang paglalakad?

"Anak"

Tumingin agad ako kung saan ko narinig ang boses ni mama, naka cross ang kaniyang mga arms while her eyebrows were creased with worry.

"Kaya mo bang pumunta doon ngayon? alam ko naman ang nararamdaman mo," she paused "you're grandmother told me everything before she died of sickness at hindi ko na siya tinanong noon, natatakot akong kahit isang tanong ko sa kaniya ay mawawala na siya, kung alam mo ang sinasabi ko"

Tumango nalang ako at tumayo sa kinauupuan ko, binuksan agad ang cabinet at naglagay ng kakailanganin ko for 6 years.

Ngayon ko lang naisip kung gaano talaga katagal yung 6 years na iyon, marami pa akong pagdadaraanan...

Nang pag sarado ko ng bag ko, naligo ako at nag-iba ng damit.

Ngayon meron akong white na blouse sa ilalim ng kulay blue kong hoodie at jeans, kailangan pala daw na white blouse para sa mga transfer, tatanggalin ko nalang ang hoodie ko kung nandoon na ako.

Sa pag-baba ko, tumingin ako sa mga litrato namin, lahat ng mga memories ko dito ay hindi naman mawawala pero mamimiss ko lahat ito.

Pag-bukas ko ng front door, madilim pa rin, hindi pa naman 3 pero sinabi rin sa akin na minsang mas maaga pa doon ang karwaheng sinasabi ni mama.

"Kaya mo ba talaga ngayon? Meron pang time para mag back out" Sinuggest sa akin ni mama pero hindi ako umoo sa kanya, kundi umiling ako.

"Kailangan kong malaman kung ano talaga ang kaya kong gawin, kailangan kong malaman kung ano ba talaga ako at kung ano ang totoong history ng pamilya natin" Sinabi ko kay mama ng nakatalikod, hindi ko kayang makita siya ng palapit ng umiyak, hindi ko talaga kaya.

"Sige, anak, pagbutihin mo ang pag-aaral mo doon, ha?"

Tumango ako at mabilis na tumingin sa likod bako ko narinig ang malayong pag apak ng mga kabayo.

Nakita ko na sa dulo ng street ang karwahe, maitim ito at merong mga gold na highlights, mukha talagang pang lumang karwahe sa amerika.

Binuksan ng isang babaeng hindi ko pa nakita at ngumiti sa amin.

"Ikaw si Theresa Wettner diba?" Sinabi niya sa akin ng nakangiti, ang kaniyang mapulang buhok ay kitang kita sa mahinang ilaw ng poste at ang kaniyang mga labi ay pale na pula.

"Oo, ako nga" Sinabi ko sa kanya bago ako nag step forward.

"Ako si Melissa Wettner, pinsan mo," Sinabi ni Melissa sa akin, her hand up gesturing to shake her hand "nice to meet you"

"Nice to meet you too" sinabi ko ng mahina, mesmerized by her appearance.

Pinsan ko to!? Edi anong nangyari sa akin!? Bakit ganito yung mukha ko!? Nakakahiya!

Inusig niya ako na pumasok sa loob ng karwahe before she bid a goodbye to my mom at doon na gumalaw ang mga kabayo.

Tumingin ako sa harap at nakita ko agad na walang nag kokontrol sa mga kabayo through the small window above Melissa's head.

"B-bakit walang nag mamaneho?" Sinabi ko in a panicked tone.

"Calm down, Theresa," sabi sa akin ni Melissa "wala talagang nagmamaneho dahil ako ang nag-kokontrol, isa sa mga perks ng mga Wettner ay ang pag-kontrol ng mga hayop at minsan, naririnig mo rin silang nag-sasalita"

"Hindi ko na kaya at wala pa tayo sa Alkonost street," sinabi ko sa kanya, my hands clenched tightly on my lap "paano na kung nandoon na ako?"

Ngumiti lang sa akin si Melissa bago siya nag lean forward.

"Kaya mo yan," She said before she held my clenched hands "Mukha namang mga tao lahat doon eh"

Tumawa ako ng konti sa kanya at nawala na ng konti ka agad-agad ang pagka-nerbyoso ko bago niya ako sabihan ng mga rules, mga do's and dont's and i quickly felt relieved knowing na meron na akong konting alam.

"So first off, mga uniform mo," Sinabi niya sa akin "Puwedeng sa Fantasie or sa Willowbrooke's ka magpagawa, kung gusto mo, samahan pa kita sa measurement room para hindi ka naman matakot, okay?"

"Okay" sinabi ko at tumango.

"Sa wand mo naman pupunta tayong Maxia, at importante ito, maging honest ka sa kaniyang mga tanong"

"Sino ba iyon?"

"Si Maxia herself ang mag-tatanong sa iyo, matagal nang magkasama ang bloodline ni Miss Maxia at ang sa atin, maging honest ka at respetuhin mo siya"

Tumango ulit ako.

"Sa mga books, doon tayo sa Violetta's bibili at kung gusto mo bumili ng mga damit, sasamahan din kita kung saan merong fair priced clothing" Sinabi ni Melissa sa akin ng walang stutter or not even a pause between, pinractice ba to ni Melissa?

"Alam mo, parang nimemorize mo lahat ng sinabi mo, wala kang pause at kahit stutter sa gitnaan, or maybe you're just like that?" Tinanong ko sa kanya.

Umalis ang kanyang tingin sa bintana and she took a huge gulp, pinaglalaruan ang kaniyang mga bracelet habang umaalis ang kaniyang tingin.

"Tama ako no?" Sabi ko ng merong konting ngiti, comfortable na sa harap niya.

"Okay, tama ka," Sabi niya "i'm sorry if i practiced, i was nervous okay? Ikaw pa naman yung kasama sa main branch ng Wettner, paano ako magiging okay doon?"

"Ha? Original branch? Aba, wala sa aking sinasabi si mama na 'original branch' kaya wag kang maging nervous sa harap ko, it'a suppose to be the other way around!" Sinabi ko sa kanya, palakas ng palakas ang aking boses.

"Bakit naman?" Sinabi niya in a shocked tone, ngayon siya ang naging nervous, isa palang habit sa mga Wettner ang pag-clench ng mga kamay kung nervous.

"Ang ganda-ganda mo! Mukhang orihinal na pula talaga ang buhok mo tapos yung mga mata mo ay kulay gray! Ako naman itim na buhok, itim na mata, boring lang ako, there's no special traits in me, wala nga akong alam sa pamilya namin eh!"

Parang mahaba-haba ang conversation namin ng nakita ko ang sobrang pag kagulat niya.

"Hindi mo alam ang history ng Wettner bloodline!?"

Yup, tama nga ako.

The Struggles Of A Young Magical BeingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon