Napasulyap si Sunny nang bumukas ang pintuang salamin ng coffee shop na pagmamay-ari niya. Isang lalaking matangkad at gwapo ang pumasok. Dumiretso ito sa counter kung saan siya naroon, sabay flash ng sexy nitong ngiti. Magiliw siya nitong binati ngunit tinarayan lamang niya. At nang um-order ito sa kanya ay tinawag niya si Lili, isa sa mga kahera.
Badtrip na nagtungo na si Sunny sa kanyang opisina. Paanong hindi siya maiimbiyerna sa pagmumukha ng lalaking iyon, eh ito lang naman ang taong nakabundol sa kanya nung isang gabing pauwi siya. Patawid na siya nang time na iyon nang bigla na lamang sumulpot kung saan ang sasakyang minamaneho nito. Sinagot ng lalaki ang lahat nang gastusin niya sa ospital, pati gamot. Nag-offer pa na ipapa-therapy siya kung gusto niya.
Sumandal siya sa kinauupuan at parang timang na tila maiiyak pa. Nami-miss na niya si Sky. Dalawang linggo na kasing hindi ito nagpapakita sa kanya. Ni hindi man lang nito nalaman na naaksidente siya. Natigil na lamang ang pag-eemote niya nang kumatok ang isa sa mga crew niya. Mabigat ang kalooban na tumayo na siya. Oras na para magtrabaho.
Naroon pa rin si Aizen, ang pangalan ng lalaking nakabundol sa kanya, nang lumabas si Sunny. Ang nagpalala pa sa inis niya ay naroon ito sa mesa na palaging inuukopa ni Sky.
Tinawag na naman niya si Lili at tinanong kung bakit nakapwesto sa nasabing mesa ang binata. May nakalagay kasing reserved sign sa mesang iyon at kabilin-bilinan niya na huwag magpapaupo roon. Wala na raw kasing bakanteng mesa kaya no choice na pinapwesto nito roon ang lalaki. She let out a sigh then turned her back. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Aizen.
***********************************************************************
Tahimik na nakamasid lamang si Sandi kay Miss Sunny habang palapit ito doon sa regular customer nila na ang pangalan ay Aizen. Pabulyaw na sinita siya ni Melina, isa pang kahera. Ito at si Lili ang tumatayong kahera at siya naman ang barista. Napapalatak pa siya nang tawagin siya nito sa buo niyang pangalan na 'Sandoval'. Lukot ang mukha na umangal si Sandi rito pero balewala sa dalaga ang ipinakita niyang pagkainis.
"Kaysa naman sa Sandi. Hindi ba pambabaeng pangalan ang Sandi. Sayang ang kakisigan at kagwapuhan mo, ang bantot kasi ng pangalan mo. 'Sando' na lang kasi para tunog panglalaki, " humahagikgik pang wika sa kanya ni Melina.
Tinalikuran na lamang niya ito, pagkatapos ay pumwesto sa isang sulok at tahimik na pinagmasdan sa malayo si Miss Sunny. Matagal na siyang may lihim na pagtingin sa amo niya. Unang kita pa lamang niya ay tinamaan na siya nang matindi. Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ito. Hanggang doon na lamang ba ang kaya niyang gawin? Ang pagmasdan ito? Ang titigan at hangaan mula sa malayo?
"Huwag mong masyadong titigan, baka malusaw," si Lili. Hindi niya namalayan na nasa tabi na niya pala ito.
"Hindi kaya ako kay Miss Sunny nakatingin." depensa ni Sandi habang nakasimangot pa.
"Wala naman akong sinabing sa kanya ka nakatingin. Defensive ka masyado. Tatapatin na kita ha. Yung pag-asa mo sa kanya, malabo." nameywang pa ito habang pareho silang nakatingin kay Miss Sunny.
"Anong malabo?" kumunot pa ang noo ni Sandi pero hindi niya inalis ang tingin sa babaeng mahal niya.
"Malabo. Zero. Wiz. Waley." sunud-sunod na sabi ni Lili sa kanya na lalong nagpakunot sa noo niya.
"Kausapin mo nga ako sa salitang naiintindihan ko. Hindi ako alien." Seryosong saad ni Sandi sa dalaga.
"Obvious naman kasi na may gusto si Miss Sunny kay Sir Sky." Lalong nalukot ang mukha niya nang marinig ang pangalan ng lalaking kinababaliwan ng amo nila. "Isa pa, sa pangalan pa lang mas bagay na sila. Sky at Sunny. Hindi ba yung sun nasa sky. Samantalang ikaw, 'Sandi'. Sand. Ibig sabihin lupa." Malabong paliwanag sa kanya ni Lili.
BINABASA MO ANG
SOMEDAY WE'LL KNOW ( Short Story )
Short StoryOfficial Entry For #TSIYWIOSSMC Round 3 Nabundol ng isang rumaragasang sasakyan si Sunny isang gabing pauwi siya. Si Aizen, ang nagmamaneho ng sasakyan, ang nagdala sa kanya sa ospital. Matapos ang aksidente, palagi na siyang binibisita ng binata sa...