Chapter 64

3.2K 63 0
                                    

"LEMON POV"

naaamoy ko na ang kagalakan ng karagatan at ang mabababagsik  nitong mga alon na nakapalibot sa buong Isla

natatanaw ko na rin ang nagpuputiang mga buhangin

at ang isang berdeng Isla na may matayog at mapalamuting istraktura sa gitnang bahagi na nakatayo sa taas ng burol

sinisimbolo nito kung gaano katatag ang emperyong ito at kung gaano ito kapanganib

puro puno pero masasabi mo ding paraiso, yun ay kung sanay ka lang sa mga paaligid aligid na mababangis na hayop

makakatapak na naman ako sa lugar na ito

sa lugar kung saan ako hinubog para maging isang mandirigma


kung saan ipinakilala sa akin ang mundong ginagalawan ko ngayon

ilang minuto nalang ang dapat kong antayin


walang nakaka alam sa maaga kong pagdating

kada tatlong araw kasi bago ganapin ang susunod na pagsubok

para mabigyan din ng oras ang ilang kasapi para makapagpagaling kung masugatan man sila

alam ko ang mga bagay na yan

cause i have my own ways of gathering information

di nagtagal ay dumaong na din ang sinakyan kong speed boat


idinaong ko ito malapit sa magiging quarter ko sa hilagang bahagi

doon din matatagpuan ang mga quarters ng mga opisyal ng emperyo

para itong bayan na napapalibutan ng mga puno pero mababakas ang ganda at madedesinyong tirahan

nakakamangha ang ganda ng islang ito

isang lugar na animo'y nababalutan ng mahika

malalayo din ang agwat ng bawat quarter sa parteng ito

pero sabi ng aking ina kung may kakailanganin raw ako pwede daw akong lumapit sa bestfriend niya na ilang metro lang daw ang layo sa tutuluyan ko

kumbaga ito ang kapit bahay ng quarter ko, since wala daw siya ang bestfriend nalang daw niya ang mag asikaso sa akin

=___=

the hell with that! ni hindi ko nga maalala kung sino ang bestfriend niya -.-

and i'm not a kid anymore

i can take care of myself without the help of others

i can live on my own

pagkalapag ko ng gamit ko sa loob ng quarter  ay nag ayos na muna ako ng sarili ko nang matapos ako ay lumabas na muna ako para makapaglibot libot sa paligid


matagal na rin simula ng makatapak ako dito

at may gusto din akong puntahang lugar rito

isang lugar na mabulaklak

na bago ka makarating ay dadaan ka muna sa masukal at madilim na kagubatan

nasisiyahan ako dahil magagamit ko ang talas ng pakiramdam ko sa lugar na to

walang kahirap hirap na natawid ko ang madilim na gubat


sana pati ang madilim kong kahapon ay madali ko lang din na malagpasan

Bipolar Princess Meet Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon