Her POV
" Ayun oh, beissy. " turo ni Allysa sa isang lalakeng may kasamang babae
Oh? Ano namang gagawin ko dun?
May krimstixx ba siya? May cornetto ba siya?
" Hoy, beissy! Lapitan mo na yun! Try mo kung gagana yung kagagahan na naisip ko " sabi ni Allysa
At talagang ako pa yung papagawin nung plano niya ha?
" Aba, Allysa! Plano mo yan diba? Edi ikaw gumawa! Dinadamay mo pa ako sa kagagahan mo. " iritadong sabi ko
Juskomiyo tong gagang babaeng to.
" Dali na kasi, beissy! Malay mo magwork! Gwapo pa naman oh! Dali na! Subukan mo na! " pasigaw niyang sabi
Siya pa itong galit ha. Kung siya kaya gumawa diba?
Dinadamay pa ako.
Buset ka, Allysa!
" Bahala ka, Tabitha " sabi niya at parang may kinukuha siya sa bulsa niya
Kinuha niya yung phone niya at may pinindot dito.
At biglang nilagay sa kaniyang tenga.
" Tita! Si Tabitha po gumawa na naman ng kalok--- " juskomiyo. at tinawagan pa si mommy ha
" Fine! Fine! Oo na, Allysa! Gagawin ko na! Buset ka talaga! Basta bibili mo akong krimstixx at cornetto mamaya ha! " pasukong sabi ko sa kaniya
No choice. Buset.
" Oo, beissy! Kahit isang truck pa! Goodluck! " nakangisi pa itong babaeng to
Buseeeeet!
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko.
Nag-iisip na ako ng sad memories ko para mamaya tulo na lang ng luha diba?
I love this! Acting!
Nang malapit na ako sa kanila ay,
" L-love? " paiyak kong sabi. juskomiyo. iyakan na ito. " Siya ba? S-siya ba yung kinikita mo nitong mga nakaraang a-araw? " aba. yung luha ko oh. tulo ng tulo. juskomiyo. I hate this moment.
Tumingin lang sila sa akin ng tingin na, " Anong ginagawa mo? "
" So ano love? Ganito na lang? Kapag nag-away tayo e. Kalimutan na? Ang sama mo love. Pinaglalaruan mo lang ata ako. Sa tatlong taong tayo, kelan mo pa ako niloloko ha? KELAN PA!? " pasigaw, hagulgol ko ng sabi
I never thought na aabot sa ganito tong pag-acting ko.
Pati yung ibang tao e nakikisali na.
" Grabe naman si kuya. "
" Sama niya. Ang gwapo pa naman. "
" Sayang si kuya. Bad boy pala. "
Tumayo at naglakad palapit sa akin yung lalakeng inaartehan ko.
* dugdug dug dug dugdug dug dug *
Hala! Bakit ang bilis ng tibok nito?
Hinihika ba ako?
Saglit saglit.
Inhale. Exhale. Inhaaaale. Exhale!
Pero bakit ganun? Nakakahinga naman ako ng maayos.
Bakit ganito ito?
Tsaka saglit.
Parang familiar siya.
Nakita ko na ba siya somewhere?
He's so familiar.
" So ano love? Tititigan mo na lang ako? Alam kong gwapo ako. Kaso baka matunaw ako. " wow ang kapal beissy. mas makapal pa to sa dictionary namin sa library!
Gwapo agad?
Hindi ba pwedeng chumichika lang sa isip?
" L-love? Siya ba yung bago mo? Siya ba? Kelan pa yan? Kelan mo pa ako niloloko!? " sabi ko habang nakaturo sa babaeng nakaupo na kasama niya kanina at tuluyan na nga kaming pinagtinginan ng tao
Juskomiyo ha. Nahihiya ako.
" Love naman oh. " malambing niyang sabi. aba at sumakay pa ha. " Pati pinsan ko pagseselosan mo? " p-pinsan? ha? hala. nakakahiya na talaga to. " Pinaglalaruan? Hindi kita pinaglalaruan love. Mahal kaya kita. Bakit naman kita paglalaruan? " juskomiyo. patay na. nakangisi na. hala. natatakot ako dito ha.
Lumapit siya.
Lumapit siya.
Lalong lumalapit.
Hala.
Ano ito?
Napakalapit na niya.
" Ikaw love ha. Sayo lang naman ako e. Wag ka ng magselos ha. " at aba. may patawa patawa pa siya. pero ano.
Hala.
Hala.
* dugdug dug dug dugdug dug dug *
Hala! Eto na naman!
Inhale. Exhale. Inhaaaale. Exhale.
Wala naman akong hika.
Bakit ang bilis ng tibok?
Hala.
Naiiyak ako ha.
Ninakawan niya ako.
" Love, ang lambot talaga ng labi mo. Tara na. Iuuwi na kita. " he kissed me.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Falling Inlove with that Mister Gorgeous
Paranormal" Beissy! Inlove ka na! " sabi nitong napakaingay na si Allysa Juskomiyo marimar. Kailan ba niya maiisip na hindi ako mahuhulog sa lalaking mas maganda pa sa akin!? " Allysa, ano bang sinasabi mo ha? Hindi ako kailanman maiinlove kay Mister Gorgeou...