Grey's POV
Tahimik akong nakaupo at..
"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 6:30 in the morning and the temperature is 28 degree celcius."
Ibinukas ko na ang mga mata ko nang marinig ko iyon. Sumilip naman ako sa bintana at totoo ngang bababa na ang eroplano.
"For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. At this time, you may use your ----"
Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi kaya naman ipinikit ko muli ang aking mga mata. Nakakapagod ang bumiyahe mag-isa.
"--- Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!"
Muli kong ibinukas ang aking mga mata. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, nagsisibabaan na ang mga pasahero at ang iba nama'y kinukuha ang kanilang mga gamit. Nandito palang ako sa loob pero naamoy ko na ang hangin ng Pilipinas.
Napangisi ako nang kinuha ko ang gamit ko at tumayo. Namiss ko ang Pilipinas sa totoo lang. Lalo na ang mga pagkaing dito mo lang sa Pilipinas makikita.
Bago pa man ako bumaba, huminto ako at huminga ng malalim...
*Inhale..*
*Exhale..*
Amoy Pilipinas nga! At walang kagana ganang bumaba ng eroplano.
Naglakad na ako at mula dito, tanaw ko na sila mommy kaya naman pinuntahan ko sila ni daddy.
"I miss you Grey." sabay yakap ni mommy at niyakap ko naman siya pabalik.
"How are you son?" tanong ni dad at kinuha ang maleta ko.
"Still the same dad." sabi ko at pumasok na ako sa loob ng kotse.
Habang nasa loob ako ng sasakyan, nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
Hi! I am Grey Smith. Gwapo ako kung hindi niyo naitatanong. Clear skin kaya to at matangkad pa. I was born in here pero dun ako sa Canada nag-aral since grade school, well except for college. Gets ba? Namiss ko talaga ang Pilipinas that's why I came back here. Nagbakasyon lang ako sa Canada. Sa totoo lang, wala akong ganang mabuhay sa mundong to. Alam mo yun? Yung hindi ka interesado sa buhay mo? Hindi ko nga alam kung anong mission ko rito eh. Oo, boring akong tao bukod sa pagiging gwapo. Tsk.
Pinagmamasdan ko lang ang mga sasakyang nadaraanan ng sasakyan namin. Dahil malayo pa naman ang biyahe pa-Baguio, di ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Grey.."
"Hmm.."
"Grey gising na, we're here na." sabi ni mommy.
"Ahh yeah mom." sabi ko habang minumulat ang mga mata.
Bumaba ako sa kotse.
"Good evening po sir." sabi ni manang Letty at ipinasok ang mga gamit ko sa loob.
Nginitian ko lang siya dahil pagod akong nagbiyahe. Pagkatapak ko sa loob ng bahay, inilibot ko ang paningin ko at ganun parin naman. Walang nagbago, malinis parin at mabango. Pagkatapos nun ay dumeretso na ako sa kwarto ko.
Maya maya pa ay...
"GREEeeeyyy!!!" habang pahina ng pahina ang sigaw niya.
Nagulat ako sa nangyari...
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko...
"B-Bakit?" yun lang ang tanging naiusal ko.
Mainit sa loob...
Madilim ang paligid...
Isang ilaw lang ang nakabukas... at nakatutok lang iyon sa kanya...
Nakatali ang mga kamay niya at..
Makikita mo talaga na hirap na hirap na siya.
Nakatingin ako sa mga mata niya at hindi ako makagalaw. Nakatayo lang ako at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
May ibinubulong siya ngunit hindi ko maintindihan!
"S-Sinong may gawa nyan?!" galit na sabi ko at biglang tumulo ang mga luha ko.
Napabangon ako at "WEW!!!" malakas na usal ko kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko... lalo na at hindi mawala sa isip ko iyon.
Nakatingin lang ako sa kisame at pinipigilang tumulo ang mga luha..
'Bakit hindi ako makaalis sa nakaraan ko? Bakit hanggang ngayon, masakit parin? Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasan ka na ba. Nung araw na iyon, hindi ko na alam kung anong nangyari... nawalan ako ng balita tungkol sayo.'
*Knock Knock Knock*
Naibalik ang ulirat ko nang marinig ko iyon.
"Bumangon na ho kayo at may lakad kayo nila Sir."
"S-Sige po manang." Sabi ko at tumayo na ako para maligo.
Pagkatapos naming kumain ng family ko ay humiwalay muna kami sa isa't isa. Naglalakad ako ngayon sa mall... Lalanghap lang ng hangin.
Habang naglalakad ay may tumapik sa kanang balikat ko.
"Uy pre!, Kelan ka pa nakauwi?" sabi niya at niyakap naman ako.
"Kahapon lang naman." sabi ko at nginitian siya.
Siya si Kiel Fernandex. Isa sa mga tropa ko at siya ang maloko sa aming apat. Bata palang kami ay marami na siyang nagawang kalokohan at bukod dun ay siya ang pinakaclose ko sa lahat.
"Pre!"
"A-ano yun?"
"WALA HAHAHA! Diyan ka na nga pre! Maghahanap pa ako ng chix." at nginisian naman ako.
"Loko ka talaga. Sige pre, ingat." sabi ko at umalis naman siya.
'Hindi parin talaga siya nagbabago... tsk.'
Pagkatapos ay pumunta na ako sa parking lot kung nasaan ang kotse nila Dad.
Binuksan ko ang kotse at nginitian si dad.
"Hey Son, you alright?" takang tanong nya.
"I'm fine dad... Where's mom?"
Tumingin siya sa kanan at sinulyapan ko iyon. Kasabay ni mommy si Purple na may dalang sampung shopping bags. Si mom naman eh may dalang mga grocery bags. Nang makumpleto kami ay nagmaneho na si dad pauwi.
'Nasaan ka na ba? Iniisip mo rin kaya ako?'
Iniwaksi ko naman ang ulo ko sa naisip kong iyon.
Thank youuuuu and Lovelooooots! ❤❤❤❤❤
PLEASE DO NOT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW :D
You can also follow me at :
Facebook: https://www.facebook.com/myln05
Twitter: @_Eyyylin_
Instagram: @prettymayls_23
❤ T H A N K Y O U S O M U C H ❤
- prettymayls -