Aphrodite's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mga mata ko.
Sabado ng hapon. Siguro naman ay makakapag-pahinga na ako, napakaraming gawain sa school. As usual, graduating student, napakaraming requirements ang kailangang ipasa. Idagdag mo pa sa stress yung pagiging SSG President. Hay buhay!
Bahagya akong uminat-inat ng biglang may sumipa sa pinto ng kwarto ko at iniluwa noon si Lauren.
Uh-oh! Not now. Gusto kong magpahinga!
"Aba! Hija bumangon kana dyan, duh! It's 3o'clock in the afternoon na kaya! Go! Bilis! Move! Faster! Naghihintay si Bryle sa baba, aalis tayo!" umalingawngaw ang napakatining na boses ni Lauren sa kwarto ko kaya agad na nawala ang espiritu ng antok.
"Ano ba! Ang ingay ingay mo naman Lauren eh!" sigaw ko sakanya at kakamot-kamot pa sa ulo.
"Wag kang maarte dyan Aphrodite, bilisan mo kung ayaw mong buhusan kita ng isang baldeng tubig! Biliiiiis!" malakas na sigaw nya. Peste! Basag na yung eardrums ko!
"A. YO. KO. Wala kaming balde engot! Alis nga!" sigaw ko sakanya at saka sya binato ng unan. Bull's-eye! Sapul sa mukha! Hahaha.
"A-anong! Ano kamo?! Ayaw mo ah teka nga sandale.." anya at pumasok sa banyo. Nang mapagtanto nyang walang balde sa bathroom ay agad syang padabog na lumabas.
"Go away Lauren, pagod ako. Kayo nalang ni Bryle ang gumala tutal magkamukha naman kayo." pang-aasar ko at saka bahagyang nagtalukbong ng kumot.
"Hmm, sayang naman pala iyong nabili kong mga libro. Bagong bago, ilan nga ulit yon? Ah oo siyam! Siyam na libro. Tapos yung mga sikat na author pa ang sumulat non! Ano nga ulit ang pangalan ng mga iyon? Ernest Hemingway, Jerry Hopkins, Zora Neale Hurston, uhm Joan Didion? Paul Olson, sino pa ba yung isa? Ah oo! Stephen Hayes.." inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot at nakita pa syang pakunwaring nagbibilang at umiiling-iling. "Woooh grabe! Eh kung ipamigay ko nalang kaya yon? Sabagay napakaraming batang nangangailangan ng libro dyan." dagdag nya pa. Tsk! Alam na alam nya talaga ang kahinaan ko.
Laurenley's POV
Hi! Laurenley Gaile here.
Nandito kami ni Bryle sa sala nila Aph, nanonood sya ng tv habang ako naman ay kumakain ng kung ano ano na kinuha ko pa mula sa refrigerator nila habang hinihintay syang makapag-asikaso.
Well, sanay na sila ni tita, manang at Aph sa kakapalan ng mukha namin nitong si Bryle hahaha.
Wala si tita Grace, mommy ni Aph. Syempre single mom, kailangan magsumikap sa pagpapatakbo ng kompanya nila para maibigay lahat ng pangangailangan ng maganda nyang anak.
Speaking of "anak."
Anak ng tipaklong!
Bakit ang tagal tagal tagal tagal naman ng babaeng yun?
Aba't kung hindi ko pa sya susuhulan ng mga libro kanina ay hindi kikilos!
Haller?! Ayoko namang mabulok sya dyan sa kwarto nya no. Kailangan naming mag-enjoy, at saka isa pa kailangan nya yun, sobrang stressed out na sya sa school, eh paano ba naman napakaraming kailangang ipasa at gawin ng mga tulad naming graduating students. Haller?! We're humans too! Napapagod din kaya kami no!

BINABASA MO ANG
Good Girl Gone Wild
RomanceShe's always been a good girl but what turns her into a wild one?