X

46 2 2
                                    

X - new transferee

Charles Janine Fiel POV 

"hayst umaga na naman " sabi ko habang naghihikab papuntang cr, nakakaantok talaga , gusto ko pa talagang matulog sa comforter ko kaso err kailangan kong pumasok -__- dyahe , nakakatamad na ah!

"*yaawwn* inaantok na talaga ako "  bulong ko habang nagkakamot ng buhok papuntang higaan , di porket nagkakamot ako ng ulo eh may kuto na ako -_- kayo ah ! ginagawa niyo din yan kapag tinatamad kayong pumasok sa umaga -__-

bigla akong tumalon sa higaan at saka ngumiting nagkiskis ng paa sa comforter , ang sarap kaya sa paa

"inaantok na talaga ako 30 mins lang ako matutulog " sabi ko at saka kinuha ang unan saka niyakap ng mahigpit 

...

"ATE ATE!! LATE KA NA !! " bigla akong naalipungatan ng sigawan ako ng kapatid ko kaya agad agad akong tumakbo sa cr 

"NAKAPAGLUTO KA NA " sigaw ko bago magmumog ng tubig 

"OO ATE " sigaw ng kapatid ko at saka ako   nagtoothbrush direstyong naligo 

after 10 minute's sa paliligo naghanap ako ng tuwalya pero hindi ko nakita , nasapo ako sa noo ko nang malaman kong nasa labas ng bahay namin yun , isinampay ko pala yun lalo na yung uniform ko na basa pa yata at hindi pa naplaplanstahan

"para sa pag-aaral ko gagawin ko to " sabi ko at saka tumakbo sa kwarto ko , kumuha ako ng padjama at damit sinuot ko muna yun pansamantala at saka tumakbo papuntang labas , para akong baliw diba? alam ko yun kaya naman ko to ginagawa kasi late na ako ngayon lang ako nalate ng ganito -_- 

lumingon ako sa kaliwa at kanan kung may tao baka kasi may makakita sa akin , wala pa naman akong underwears -__- nakakahiya talaga ako 

nang alam kong wala nang tao dali dali akong tumakbo at saka nagmadaling kinuha ang tuwalya at uniform ko na hindi na basa -__-, dali dali akong tumakbo papuntang loob ng bahay , sinugurado kong nakalock ang pinto sa kwarto ko para walang makasilip o makapasok -__-

pagkatapos kong mag-suot ng mga damit ko pati uniform ko na hindi pa napaplantsahan pero hindi naman halata ay agad akong tumakbo sa kusina para kumuha ng pagkain , pagpunta ko don , may nakita akong note don sa tabi ng pagkain 

~~~

to : ate

 LATE KA NA ATE ! DALIAN MO AH! ~ LOVE YOU INGAT 

                                         - tristan 

~~~

"tsk pasaway na bata " sabi ko at saka kinagat ang pandesal na nakahanda , saba'y takbo sa kwarto ulit para magsapatos at magbag para makaalis na , kung itatanong niyo kung ano ang itsura ko ? okay let's start with my hair na hindi pa nasusuklayan , sa face kong hindi pa napupulbuhan at sa damit kong hindi pa naplaplanstahan -__- gets niyo yun ?

"arghh ! yung medyas ko pala " sabi ko at dali daling naghanap sa mga dorobox ng mga medyas saka sinuot yun pati na din ang sapatos ko , para mabilis matapos ang ginagawa ko at para makapasok na sa school -_-

fast foward --

"nakarating din " sabi ko habang hinahawakan ang dibdib ko na habang naglalakad sa corridor papuntang room ko -_- di niyo ba alam na halos maubusan ako upuan sa jeep ay hindi pala naubusan ako ng upuan sa jeep -_- , at dahil sa desperada akong makapasok dahil sa 40 minute's na akong late kaya naman sumabit ako kahit nakapalda ako -_- bwisit yung mga lalakeng walang pakialam sa akin tinitignan pa nila ako , at halatang tuwang tuwa pa sa pagsabit ko , kasi nakapalda ako at nililipad lipad din siguro -_- pero hinayan ko nalang sila , hanggang tingin lang naman sila eh -_-

Neo The Nerdy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon