Distance

735 17 12
                                    

"the sun is filling up the room and i can hear you dreaming do you feel the way I do right now?

*Flashback*

"babe kailangan natin magusap" sabi ni Cyrus, ang boyfriend ko."tungkol saan?" tanong ko naman. "sa atin nalaman na ng papa ko, gaya ng inaasahan natin tutol sila sa relasyong meron tayo" seryosong sabi ni Cyrus sa akin.

"ahh okay" sabi ko ng walang emosyon.

"anong iniisip mo?"

"wala"

"anong nararamdaman mo?"

"wala"

"imposibleng wala" sabi nya na parang naiinis na sa mga sagot kong puro 'wala'.

"anong gusto mong isagot at isipin ko,gusto mo bang isipin ko na mawawala ka na,magpapakasaya kasi tama yung hula natin na hindi boto sa akin ang mga magulang mo" sabi ko ng dire diretso walang preno at walang emosyon.

"monica naman.hindi naman sa ganun" sabi nya sabay yakap sa akin. "hindi ako mawawala at hindi kita iiwan kahit walang boto sayo kahit lahat tutol sa relasyon natin ikaw pa din papakasalan ko"

"pero iba ang papakasalan mo pag nagstay ka pa dito" malungkot na sabi ko.

"gagawa ako ng paraan"sabi nya at hinalikan ang noo ko.

"I love you baby"

"I love you too babe"

*End of flashback*

Ako nga pala si Monica B. Gang-gud.nandito ako sa bahay ni Cyrus, ang boyfriend ko.

"babe uwi muna ako ang sarap pa yata ng tulog mo eh istorbo pa ako bye I love you" sabi ko sa kanya habang sya ay nakahiga at nakatalikod sa akin habang nakapikit,nagtutulog tuluga sya for sure, naghihintay ako ng response kahit 'okay' lang pero mukhang wala kaya naglakad na ako paalis ng kwarto nya.Pipihitin ko na sana ang doorknob nang magsalita sya. "okay.I love you too"

"okay" sabi ko at tuluyan ng umalis.

"babe I promise you na hindi kita iiwan at susukuan mangyayare lang yun pag naabot mo ang bituin na yan" sabi nya sa akin sabay turo sa mga bituin sa kalangitan. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa 'above the citylights and beneath the sky' for short sa bundok.

"ang impossible naman nun, hindi ko naman maabot ang mga bituin"sagot ko sa kanya.

"ahh basta pangako yan hindi kita iiwan at susukuan at araw araw kitang mamahalin ayokong mapako ang pangako ko kaya gagawin ko talaga yan" sabi nya sabay ngiti sa akin.

"I wish that we would just give up because the best part is falling caling anything but love"

Ang lungkot kong umalis sa bahay nya sayang naman kasi pagpunta ko dun, hindi ko man lang sya nakausap ng maayos at mukhang ayaw nya akong kausapin.Gusto ko sana syang makasama yung kaming dalawa masaya at parang walan problema iba na kasi ngayon, nagbago na. Ngayon sa tuwing magkasama kami pasan-pasan namin ang problema naming sobrang bigat.Mas nararamdaman ko pa ang problema namin kesa sa pagmamahalan namin.Gusto ko sanang tapusin na ang kung anong meron sa amin kaso mahirap inisip ko rin na 'kaya pa namin itong patatagin,mahal namin ang isa't isa' at mahirap pakawalan ang taong pinapangarap mo na makasama kahit gaano kahirap ang sitwasyon kahit gaano katagal ang panahon.

"and I will make sure to keep my distance say I love you when you're not listening and how long can we keep this up?up?up?"

Nakadating ako dito sa bahay namin nang lumilipad ang utak dahil sa mga bagay bagay na iniisip ko tungkol sa amin. Ayokong maghiwalay kami pero bakit ganito? parang unti-unti namin binibitawan ang isat-isa kaya pa nga ba namin? hanggang kelan ang pagmamahalan namin? hanggang forever? hanggang next week? o matagal nang tapos, hindi lang namin namamalayan na hindi na namin mahal ang isat isa.Pero alam kong mahal ko sya,pero sya? mahal nya pa ba ako? O nagbubulagbulagan na lang ako.

DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon