Hello, ako nga pala si ______, 24 years old. Nakatira ako sa Bayan ng _______.
Gusto ko sana ibahagi sa inyo ang kwento ng buhay ko. At buhay pag ibig na din.Nasa edad bente ako nag aaral ng hotel and restaurant management. Alam ko na sa sarili ko noon pa na nagkakaroon ako ng pagka hanga sa kapwa ko babae. Although nagkaka gusto din ako sa mga lalake. In short "Bisexual" po ako.
Mahilig ako sumali sa mga Text Clan noon, one time may nasalihan akong Clan, halos yung ibang members ang lalayo ng lugar nila. Pero meron din naman medyo malapit. Nung time na sumali ako sa clan na yun malapit na din ako umakyat ng Baguio for my OJT. Sa di inaasahang pagkakataon nag Quit ako sa clan na yun dahil may nakaaway ako.January.18.2010 umakyat ako ng baguio. Para sa aking OJT sa Course ko.
Masaya, pero nakakalungkot dahil mamimiss ko mga kaybigan ko at mama ko.
January.25.210, ng hapon my biglang nag text saakin. Tinanong nya ako kung bkit daw ako ng quit sa clan, sayang at want pa nman daw nya ako maging ka close. Tas pinaliwanag ko sa kanya kung bakit. Simula ng araw na yun palgi na kami magkatxt at magkausap sa phone. Hanggang sa dumating yung january 26 ng gabi kausap ko sya sa phone at sabay namin hinhintay ang birthday ko.. Iba yung pakiramdam ko habang tumatagal na magkausap kami. Hanggang sa unti unti nako nahuhulog sakanya.
Pag sapit na February, sabi nya papasyalan daw nya ako dito itataon nya sa flower festival. Super na excite ako kasi sa wakas magkikita nakami. Walang araw na hindi ako nasasabik sa pagkikita namin. Gang sa dumating na yung araw na pinaka hihintay ko. Feb.26.2010, after ng duty konsa korean restaurant agad agad ako umuwi sa apartment at nagbihis para puntahan na sya, mgakahalong kaba at saya ang nararamdaman ko nung gabing yun. Iniisip ko na baka hindi nya ako magustuhan dahil di namn ako maganda at mataba pa ako. Pero nagkamali ako ng magkita kami dali dali nya ako niyakap ng mahigpit. Sobrang sarap sa pakiramdam.
Alam mo yung pakiramdam na parang ang tagal tagal nanaming magkakilala. Dalawang gabi din kami nagkasama. Hanggang sa umuwi na sya pampanga sobrang lungkot kasi mamimiss ko sya ng sobra.. Pero sabi ko hintayin nya pagbaba ko at agad agad ko sya pupuntahan. Nung una naming pagkikita na yun naging opisyal nang Naging kami. Alam ko na hindi ganun kadali yung pinasukan kong relasyon, alam kong maraming tao ang manghuhusga kapag nalaman nila. Kaya mas minabuti kong itago.
March.17 bumaba nako ng baguio at kinabukasan din nakipagkita din ako sakanya. Sobrang saya sa pakiramdam pag kasama ko siya. Hanggang sa nagpupunta na din sya sa bahay. Nakilala nya ang mama at kapatid ko. Pero syempre hindi kami nagpahalata. Tumagal din ang relasyon namin ng 1 year and 6 months.
Hanggang sa dumating yung araw humarap kami sa malaking pagsubok.💔June.29.2010 namatay ang kapatid ko. Kasabay nun, inuwi sa pilipinas ang lolo at lola ko na nging dahilan ng pagkawala namin ng oras sa isat isa. Dumating din yung time na kailangan nyang pumunta ng manila para mgtrabaho. At sobrang lungkot nun para saakin, dahil nasanay ako na palagi kami mgkasama.
Sobra ako nangulila sakanya, kasabay nun palagi din ako na sstress sa bahay dahil na hindi magandang trato saamin ng mama ko ng lolo at lola ko. Nagka sabay sabay ang lungkot ko. Yung time na kailangan ko sya, wala sya sa tabi ko.
Hanggang sa bigla nalang lumamig ang relasyon namin. My mga dumarating na balita saakin about sakanya na sobra ako nasaktan.
Kaya para malibang ako, dun nagumpisa ako sumali nanaman sa mga clan, dun marami nanamn ako nakilala ibat ibang tao. At dun natukso ako at nakipagrelasyon sa iba. Sa sobrang lungkot na nararamdaman ko sakanya. Hanggang sa maghiwalay nakami dalawa. Inaamin ko na nakipag commit ako sa iba pero halos yun tru text lang. Hindi katulad nya nagkakaroon sya ng bagong relasyon pero nakakasama nya.
Lumipas ang isang taon, hindi pa din kami nagkaayaos.. Sinubukan ko, pero hindi pwede dahil may iba na sya.
Humingi ako ng tawad pero wala ding ngyari. Pagkalipas ulit ng isang taon unti unti ko natatanggap. Pero bigla siya ngparamdam saakin. Binigyan ako ng pagasa na mgiging okay kami pero sa huli pinaasa nya lang talaga ako. Sobrang sakit. Ng dahil dun naging open ako sa mga kaibgan ko. Sinabi ko sakanila kung ano tlga sexualidad ko. At laking pasasalamat ko at tinanggap nila ako.
Walang araw na hindi ako umiinom noon, ng dahil sakanya. Parang tanga na ngmamakaawa na maging okay kami. Pero sa huli ako din ang iniwan nya. Para kami umakyat sa
Bundok, at nung parehas na kami nsa itaas itunulak nya ako pababa.Masakit sobra, hindi ganun kadali mag move on pero kailangan ko tulungan Ng sarili ko. Alam ko may dahilan kung bakit ko siya nakilala at kung bakit siya nawala sa buhay ko.
Alam ko darating ang araw makikilala ko din yung taong nakalaan saakin.
Wala naman pinipili ang pagmamahal, ke Tomboy, bakla, bisexual, straight. As long as naramdamn mong dun ka masya i push lang yan. Magpakatoo sa totoong nararamdaman dahil sa huli doon ka mAgiging masaya.
Ang masakatan? Normal lang yan. Sabi nga nila. Kung hindi mo mararamdaman ang maskatan hindi mo tlaga matutuhan kung papaano ang MAGMAHAL.
-The End.
