That One Summer
...
By: MornightSleeper(Short story)__________________________________
After a long six years. I'm finally home again. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng excitement. Lalo na ng marinig ko ang kung sino mang nag-salita sa loob ng eroplano na sa wakas nasa Pilipinas na rin ako.
Umalis man ako sa bansang ito na wala sa sarili. Masaya parin akong magbabalik. And this time with a fixed self. Sa loob ng anim na taon. Hindi kailan man nawala sa isip ko ang bansang ito. Dahil dito man nangyari ang pinakamasasakit na nangyari sa buhay ko. Dito rin naman nangyari ang pinakamasasayang yugto ng aking buhay.
Nakangiting bumaba ako ng eroplano. At pagkatapos ay kumuha kaagad ng masasakyan patungong probinsya. Ang lugar kung saan nangyari ang lahat.
Habang nasa biyahe, pilitin ko man ay hindi ako nakakaramdam ng antok. Siguro dahil excited ako? Hmm.
Nakagat ko ang ibabang labi ko ng pumasok sa isip ko ang mga taong bigla ko na lamang iniwan nOon.
Ano kayang mararamdaman nila pag nakita nila akong muli? Will they will be happy? Can't wait to see them.
Sa anim na taon ko sa London hindi kailan man umalis sa isip ko ang mga katanungang hanggang ngayon baon ko parin. Kung iba kaya ang naging sitwasyon ko ganon parin kaya ang mga mangyayari? Kung hindi kaya ako naging si Xyrielle ganon parin ang mangyayari? Higit sa lahat, kung hindi kaya ako umalis noon may mababago ba?
Sa tingin ko, hindi ang sagot sa lahat ng mga yun.
Nabalik ako sa sarili ng mapansin kong nagsibabaan na ang ibang mga pasahero. Pagtingin ko sa labas ng bintana. Muli akong napangiti. Nandito na ako.
Bumaba na kaagad ako matapos magpa-salamat sa driver ng bus. Napahinga kaagad ako ng malalim ng muling malanghap ang hangin ng lugar kung saan ako lumaki.
Bago ako umalis hindi pa ganito kalawak ang terminal. Wala pang mga sari-sari store at hindi pa ganito kadami ang mga sasakyang bumi-biyahe. Pero kung sa bagay. Habang lumilipas ang panahon. Nagbabago din ang lahat. Hindi lang mga tao kundi lahat.
"Xyrielle!!!!!!" kaagad na napalingon ako sa kung sinong tumawag sakin. Matagal pa bago ko matagpuan ang apat na kababaihang kumakaway sakin.
Kaagad naman na lumawak ang ngiti ko ng makita ko sila. Ngayon ko lang higit na napa-tunayan kung gaano ko sila ka-miss ngayong nakita ko na rin sila ulit. My friends.
Tumakbo na kaagad ako palapit sa kanila habang naka-ngiti. Pero pansin kung umiiyak si Cami na siyang nagpaluha din sakin. Nang makalapit ako sa kanila kaagad na hinampas ako nito. "Langyang babae ka! Buti naisipan mo pang umuwi!" sabi pa nito habang nagpupunas ng luha.
Tiningnan ko sila isa-isa. Si Cami hindi na ganon ka payat. Si Merry tumangkad ng konti hihi. Si Jelly na ngayon ay marunong ng mag-ayos at si Nhao na well nag-damit ng pambabae.
"Miss me?" tukso ko sa kanila habang nakangiti ngunit may luha na rin sa mga mata. Inirapan lamang ako ni Cami na siyang nagpatawa sakin.
Pagkatapos ay sabay-sabay nila akong sinugod ng napaka-higpit na yakap. I miss them. So much.
"Ang dami mong utang samin at lahat ng yun pagbabayaran mo ngayong nandito ka na" alam ko.
Madami talaga. Sa pag-alis ko palang na hindi sinabi kahit na isa sa kanila. Utang ko na yun. Natawa na lamang ako kay Jelly ng kumalas na ito sa yakap at ngayon ay naluluha na rin tulad ni Cami.
BINABASA MO ANG
That One Summer(Short Story)
RandomXyrielle Jin Alejo was a silent girl. Ngunit sa kabila ng pagiging tahimik niya hindi alam ng lahat kung anong tumatakbo sa kanyang isip. Ang kanyang pangarap. Kung anong gusto niyang maging. Ang mga simple niyang hiling. At higit sa lahat katangia...