26

6 3 0
                                    

Y/N's POV

Sunod sunod ang pagtunog ng laptop ko dahil sa mga notification at messages ko sa facebook.

Haist. Simula nong naging "kami" ng Jeon Jungkook na 'yan. Dumami ang nag friend requests sakin, nagmessage pati narin notifications ko.

Eh pano ba naman kasi, sa gwapong niyang yan, imposible kasing hindi yan maging fame.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Na ayon nga na naging "kami" tsaka diko naman kasi to inaasahan.

Hindi naman ako seryoso sa comment ko sa post niyang 'yun. Pero ba't ako pa kasi ang napili niya?

Tsaka yung rineply ni Kim Taehyung sa comment kong yun sabi niya daw na swerte ako. Ano namang swerte don?

Siguro nga, nasabi niyang swerte ako dahil sa dinami dami ng babae na nagcomment sa post niya eh, yung comment ko lang ata ang napansin niya kaya pinusuan niya ito't nireplyan.

Pati na rin  yung minessage sakin ni Kim Namjoon na "Good luck" daw sa relationship namin.

Haist. Andaming nangyari ngayong araw na ito. Ichinarge ko muna ang laptop ko dahil low bat na ito.

Kanina pa kasi ako scroll ng scroll sa Facebook. Halos mga apat na oras ata akong nakababad sa internet.

Tinignan ko ang orasan mula sa wall clock ko para alamin kung anong oras na.

2:20 PM!

Lagpas na ang tamang oras para sa tanghalian pero kailangan kong kumain dahil nagugutom ako. Kumain naman ako ng pang umaga pero gutom na gutom ako.

Dahil siguro sa matagal kong paglalaptop. Haist makakain na nga lang. Nagagalit na ang mga bulate ko sa tiyan.

Kinuha ko ang towel ko at pumasok sa banyo. Siyempre malilugo muna ako.

Nang matapos akong maligo't ayusin ang aking sarili ay lumabas na ako sa kwarto ko.

Naabutan ko si Kuya at Papa na nanonood ng Basketball. Napailing iling ako. Dumiretso ako sa kusina para makakain na.

RSWhere stories live. Discover now