Allisa's POV
"Uy ano ba, wag kana umiyak drama lang yan bes." Sabi sakin ng bestfriend ko na si Lily. Andito sya ngayon samin at nagmo-movie marathon kami.
Hindi ko alam kung bakit pero everytime na pinapanood ko yung titanic ay umiiyak ako. Siguro yung love lang ni Jack kay Rose ay masyadong strong, masyadong powerful. Hays.
"Eh kasi si Jack, tignan mo namatay sya dahil kay Rose. Huhuhu!" Tinignan nya lang ako at nanahimik. Inabot nya sakin ang isang tissue roll at tinitigan lang ako.
Ilang minuto na rin ang nakalipas ng matapos na ang movie pero umiiyak pa din ako. Hindi na din alam ni Lily ang gagawin nya sakin kaya kahit naiiyak pa rin ay pinilit ko ang sarili kong tumigil na. Baka mamaya mamatay na dito si Bes sa kakaisip kung paano ako mapapatahan.
"Alam mo Lisa kung ganyan ka ng ganyan everytime na may natutuklasan kang love story, try mo kayang gumawa ng sarili mong love story. Yung tipong maiiyak ka din pag nasaktan ka at yung tipong kikiligin ka kapag sobrang saya mo dahil sa taong mahal mo." Tinignan ko si Lily at napaisip. Ay nako! Kahit naman gustihin kong mag ka-love life ala din naman. Pano kasi alang nagkakagusto sakin. Malas ko lang. :(
Pero ano nga no? Yung isusurprise ako tapos yung date namin parang ala fairytale. Yung tipong gabi tapos puro lights at mag fireworks pa. Super nakakakilig nun!
"Hmm. Siguro pag nakahanap talaga ako ng taong gusto ako siguro sya na yon. Hindi ko sasayangin yung oras, baka mawala pa sakin." Sabi ko kay Lily at ngumiti. Napailing nalang sya at nagsalang nanaman ng bagong drama.
***
"Bes.. uy bes.." nagising ako dahil sa pagtawag sakin ni Lily. Unti unti kong dinilat ang mata ko habang naguunat at saka humikab.
Ka-aga aga naman nito. Ang alam ko 8:00 AM pa pasok namin, anong oras palang oh.
"Nung problema mo?" Nakapikit na tanong ko sakanya, gusto ko pang matulog! Feeling ko bitin yung tulog ko kagabi kasi pagkaalis ni Lily umiyak nanaman ako dahil kay Jack!
Magkapit bahay lang kasi kami ni Lily kaya madali nya akong napupuntahan or should I say nabubulabog.
"Jusmiyo marimar ka Lisa! 8:15 na po oh! Late na tayo ng 15 minutes. Bilisan mo na sa second subject nalang tayo pumasok." Hindi ko na pinansin si Lily at agad agad tumayo. Ohmygee naman bakit hindi ako ginising nila mama!
Ang sungit pa naman ng prof namin sa first subject, baka ibagsak ako nun! Pero hayaan na nga baka dahil sa kalate-an ko makasalubong ko pa si Mr. Right! Hehe, goodluck Allisa! Makikita mo din sya!
At sinisiguro kong pag nakita ko na ang Mr. Right ko ay dapat kaugali nya si Jack, yung tipong kayang isacrifice yung life nya para sakin. Sobrang nakakakilig nun! Mygashhh makaligo na nga!
Sabon dito sabon dyan, buhos dito buhos dyan, shampoo dito shampoo dyan. At ng mayari na ako ay nagbihis na ako at nagayos. Buti nalang nasa baba na si Bes kundi nako matatagalan ako sa pagaayos dahil sa kadaldalan nya.
Nag powder lang ako at lip gloss pagkayari ay niladlad ko lang ang kulot kong buhok na tuyo na dahil binlower ko. Nakakairita kasi pag basa yung buhok tapos biglang sisikat yung araw, sakit sa anit nun.
Bumaba na ako at naabutan ko doon si Bes na kumakain ng sandwhich habang nakikipag daldalan kay mama. "Im here naaa! Good morning ma!" Kiniss ko si mama sa cheeks atsaka kumuha din ng sandwhich, di pa ko nagaalmusal no!
"Nako bilisan nyo ng kumain, baka malate ulit kayo sa second subject nyo. Allisa wag mong kakalimutang mag aral ng mabuti ha? Ikaw din Lily. Oh sige na, kainin nyo nalang tong mga sandwhich sa jeep na masasakyan nyo. Bye na! Ingat kayo!" Haba ng bye ni mama no? With matching tulak pa samin papalabas yan. #angtindingmamako.
Natawa nalang kami ni Bes at naglakad na papunta sa sakayan ng jeep habang kinakain ang tinapay. Ang sarap talaga ng tinapay na to, tuna kasi ang palaman tapos may cabbage pa. Iba talaga si mama.
"Manong sa Morestone University po, dalawa." Sabi ko kay manong pagkasakay at saka inabot ang bayad, umalis na din agad ang jeep dahil kami ni Bes ang nakapuno at parehas lang kaming nasa magkabilang dulo ng mga upuan.
"Bes nagawa mo yung assignment natin sa research?" Napaisip ako sa sinabi ni Lily at dahan dahang nanlaki ang mga mata ko. Paktay na!
"Hala meron ba? Bakit hindi ko alam?" Nakanganga pa ding sagot ko, hala ano nang gagawin ko? Ayoko namang bumagsak. Lutang ba ako nung isang araw? Hay bahala na sa hapon pa naman yun mamaya ko na gagawin.
"Palibhasa kasi lagi kang tulala sa bintana, pinapanood mo nanaman yung mga couples sa school natin na naglalakad tapos ano? Maiingit ka? Nako tigilan mo na kasi yang pagiging hopeless romantic mo bes. Wala kang mapapala dyan, study first muna tayo." Jusmiyo, keaga aga sermon nanaman. Kahit kailan talaga tong si bes, napaka kj! Palibhasa nasaktan sya nung ex nya. Oops. Wag nyong sasabihin kay bes baka mainis sakin yan.
"Eh bakit sabi mo kahapon na itry kong magkalove-life? Tapos ngayon naman sesermonan mo ako." Nakapout na sabi ko with matching tingin pa sa labas ng bintana yan. Magtatampururot ako. :(
"Edi wag mo na palang itry." Napatingin ako sakanya at napangiwi. Gulo ni bes, sarap sapakin ng portipor times.
Inirapan ko lang si bes na kinatawa nya at tumingin na kami sa labas ng jeep para makita kung malapit na ba kami pero malayo layo pa. Pagkatapos kasi ng Morestone Uni ay yung last stop na kaya malayo talaga.
Nakatingin lang ako sa paligid ng may dumaang bus na may logo na what is love. Napaisip ako, ano nga ba ang love?
Hmm. Madami kayang definition para sa love. Every person has it's own definition based on their experience kasi kaya di ko masabi, but for me, love is like an air because you can't live without it.
Iba pa din kasi ang buhay ng isang tao kung hindi sila makakaexperience ng feelings para sa isang tao, boring yun pag di ka pa nakakaranas magka love life, boring kung di ka pa nakakaranas mainlove. Kaya napaka boring ng buhay ko.
Ang masasabi ko lang ay Love is an affection between people that might be close or between people nakakakilala palang. Love is like a fairytale that every girl have imagined. Yung tipong pag nakita mo na ang taong gusto mo o mahal mo ay titibok ng mabilis ang puso mo kasabay ng pag slow motion ng kapaligiran mo. Ganon kasi ka magical yung love. Ayos lang namang masaktan pag dating sa love, kasi kung di ka masasaktan, di ka pa matututo sa kamalian mo. Hindi mo pa marerealize na importante talaga ang pagibig sa bawat isa.
Malas ko lang kasi ala akong love life, kung magkakaroon man, gusto ko yung tapat, yung kahit gaano kapanget ang simula iyun naman ang ganda ng ending.
And that's love for me.
YOU ARE READING
Got To Believe In Love
Teen FictionAllisa Margarette Montereal is a simple girl with a simple dream. She's a hopeless romantic girl, ang tanging pinaniniwalaan nya lang ay love. Buong araw love lang ang iniisip nya, to the point na nagmahal sya but it was her first time and her first...