Chapter 1

2 0 0
                                    

Naamoy ko agad yung luto ni papa habang natutulog ako kaya nagising ako at pumunta sa kusina.

"Hmmmmm, ang bango naman ng niluluto mo Papa." sabay kusot ng mata habang inaamoy yung sinangag at itlog sa lamesa.

"Oh, nagising ka na pala. Teka, anong oras na ba. "

"Hmm. 6:20 AM na po pa."
Sabi ko pagkatapos tumingin sa orasan.

"Mag hilamos ka na nga Erin at magmumog."

"Opo papa, nagugutom na din po kasi  ako e hihihi"

"Gisingin mo na din si Ejay at nang makakain na kayo ng almusal, may pasok pa kayo."

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ng kapatid kong si Ej.

"Hoy! EJay gumising ka na daw sabi ni papa. "

"Hmmmmm." Umungol lang e . Teka...

"EJayyyyyy! BUMANGON KA NAAAAAA!" sigaw ko habang nakahiga pa din sya sa kama. Ang bad ko e hihihi. Sorry

"Elin. Ang ingay mo, nakakahiya sa kapatid bahay." Rinig kong sigaw ni papa mula sa kusina.

"Ayaw pa po kasing gumising ni EJay papa e." Sigaw ko din pabalik hihi. Teka alam ko na. Ayaw mong gumising Ejay ha. Harhar

"Pfffttt, Ate hahahahaha ano ba . Tama na ngaaa hahahha. Eto na hahaha babangon na ko hahahahahahaha." Oh diba. Nagising sya , may kiliti kase yan sa leeg kaya hinawakan ko yung leeg nya at kiniliti kaya ayun nagising sya sa kakatawa  hahahaha.

------------

"Oh ito na yung baon nyo. Mag aaral ng mabuti ha. Ikaw Erin wag kang gagawa ng gulo sa classroom nyo ha, kababae mong tao ang hilig mong manapak ng lalaki." Sermon ni papa sakin habang binibigyan ako ng pera at binalot.

"E papa sila naman nangunguna e, ang hilig nilang sumipol habang nadaan kame ni leila (bestfriend ko) sa corridor, nakakabastos kaya yun"

"Hays, oo na. Di ka talaga papatalo. Ikaw naman EJayy. Wag ka munang mag gf ha. 14 ka pa lang, ang bata mo pa para mag girlfriend "

"Wala naman akong gf papa e, nag aaral kaya ako ng mabuti. Ang Tataas nga ng mga grades ko e."

"Wala nga yang gf pa, pero may nililigawan yan sa room nila. Si Christine daw. Ayiehhhhhh." panunukso ko kay ejay, kaya ayun nagblush lang habang nakatungo hahaha

"Hay nako! kayo talaga, osyasya, umalis na kayo at baka malate na kayo. "

"Teka papa, asan naman yung baon ko." Tanong ni ejay habang nakanganga hahaha. Hangkyut e.

"Ayy oo nga palaa. Oh eto na. Osige na mga anak. Babye na. Magtatrabaho pa ako."

Nang maihatid na kame ni papa sa gate umalis na din sya at pumunta na kame sa classroom namin ni Ejay. Grade 12 na ako ngayon sa Spriumn Academy, HUMSS student. Eto na nga, andito na ako sa classroom. Pagpasok ko pa lang may bumati saking lalaki. Si joseph, yun yung lalaking gwapong gwapo sa sarili at ang yabang pa.

"Goodmorning my Sunshine Erin."
Di ko na lang sya pinansin at tuloy tuloy lang na pumunta sa upuan ko. Pero teka, sino tong nakaupo sa upuan ko. Nakatungo ang loko kaya di ko makita kung kilala ko ba o hindi.

"Hmmm. Excuse me. Pwede bang gumising ka, upuan ko kase yung inuup---" biglang nagising yung lalaki na ang sama ng tingin sakin. Wow ha. Nakakatakot sya. Kahit ang amo ng mukha nya. Iba sya makatingin.

"Upuan ko na to ngayon kaya umalis ka na sa harap ko." Sabi nya sabay tungo ulit sa desk ng upuan ko. Lokong to ah.

"Teka, sino ka ba? ang kapal naman ng mukha mong mang angkin ng di mo pag-aari. Bago ka lang ba dito?. " tanong ko sa kanya pero di pa nya ako sinasagot.

"Di ka sasagot ha, *umbbb*"

"Aray, pu*aaaa, Ang sakett. Whuuuu! Ughhh!"

Oh diba, napaluhod sya sa sahig at umalis sa upuan ko hahaha pinagpag ko na ang kamay ko at umupo sa upuan ko.

"Bat mo ko sinipa bwiset kang babae ka."

"Hahaha, kasalanan ko bang ako yung niyayabangan mo." Bigla nyang hinampas yung desk ko sabay inusod yun hanggang sa dumikit ako sa dingding. I was shocked grabe. Malapit na malapit na yung mukha nya as in onting pugada na lang talaga. Shemss ang gwapo nito, transferee ba to, hayyyyy mali. Kaaway mo yan erin. Panget sya pangetttt! Pero hindi e, gwapo talagaaaa sya.

"Why are you looking at me like that?"
Tanong nya ng walang emosyon

"Ah eh, may ku--- langot ka ka--se, kulay vio--let, ewwww." palusot ko na walang kwenta. Hayyyy. Nakakahiya. Lupa kainin mo akoo.

"What the f*ck are you talking about haa? Gheez,  I hate this Place. Argggh " sabi nya sabay walkout, so tama pala ako, transferee sya. Hayss, nakakahiya yung ginawa ko. NO! Tama lang pala sa kanya yun. Bwiset sya. Hmmmp!

"Oh beks, bat nakabusangot yung mukha mo? Ang aga aga mukha kang nabagsakan ng nyog dyan sa ulo mo." Hays, buti naman at dumating na si leila, sya yung bespren ko. kaklase ko din.

"Hay dyusko beks , wag mo ng itanong kung anong nangyari. Mabibwiset ka lang. Tsk. "

"Ewan ko sayo, hahaha. Teka nga, samahan mo muna ako sa canteen. nagugutom ako dali, di ako nakapag almusal sa bahay. Kwento mo na din sakin kung bat ka badtrip."

"Libre mo ko ha.?"

"Oo na, tara na. Kaynis to"

"Ayieeh, bait naman talaga ng bebe ko. Hihihi."

"Hahahaha. Tara na nga."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Can't Breathe!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon