An Ink For A Pen 3 (short story)

10 1 0
                                    

Nasa kwarto ako habang nanood sa yt nang makaramdam ako ng antok kaya umidlip muna ako.

Nagising ako nasa salas na pala ako. Nagtaka tuloy ako pero isinawalang bahala ko na lamang ito.

Nakita ko si mama na nagluluto sa kusina kaya linapitan ko ito.

"Ang bango naman niyan. 'Yan po ba 'yong paborito ko?"

Pagtatanong ko dito.

Hindi umimik si mama at tila wala lamang narinig.

Nakatalikod ito sa akin kaya hindi makita ang mukha't reaksyon nito.

Dahil sa tingin ko patapos naman na 'yong linuluto ni mama kaya inayos ko na lamang 'yong mga plato sa lamesa nang mabasag ko ito.

Sa sobrang gulat ko ay napa talon ako. Lumingon ako sa likuran ko para makita ang reakyon ng mama ko pero ang tanging nakita ko lamang ay ang bibig niyang naka tahi habang may itim na babaeng naka lutang sa tabi nito.

Malalim ang tingin, mapupula't duguang mata at mukha.

An Ink For A PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon