LOVE AT THE STARBUCKS
BY: sleepingalley ©2014
All Rights Reserved.
---
HER POV
Sa Starbucks, nakaupo lang ako at nagbabasa ng libro. Maya maya ay may lalaking lumapit sa akin at nagtanong.
"Miss pwede bang makiupo?"
Unti unti akong napataas ng ulo nang marinig ang pamilyar na boses at napatingin sa lalaking nakatayo sa harap ko.
"...."
Hindi ako magkasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Yung sinabi nya ay katulad parin ng sinabi nya sa akin noong bago kami magkakilala. Kaso ang pinagkaiba ay wala na siyang dalang notebook ngayon.
**FLASHBACK**
Nakasanayan ko na ang magpunta sa Starbucks kapag may free time ako. Bukod kase sa malapit lang talaga ito sa village namin, higit na mas tahimik dito kumpara sa 7/11 o Ministop na malapit lang din naman pero maingay. Lalo na kapag may mga tamang tambay lang.
Umorder ako ng kape at nagbasa ng dala kong libro.
"Miss pwedeng makiupo?" Tanong ng isang lalakeng lumapit sa akin.
Huminto ako sa pagbabasa at nag-angat ng tingin para makita siya. Nakatingin lang siya sa akin na tila naghihintay ng sagot ko. Hindi ako umimik, imbis ay nilibot ko ang tingin sa loob ng Starbucks.
Nakakapagtaka dahil may mga bakanteng mauupuan pa naman. Anong trip nya?
Umupo naman na sya sa kaharap kong upuan kahit na hindi ko pa sinasagot ang tanong niya. Kaya naman tinuloy ko nalang ang pagbabasa ng libro at hindi na sya pinansin.
Ayoko naman talaga sana sya pansinin, pero... Maputi sya at medyo matangkad. Gwapo din kaso.... Mas interesado ako sa librong binabasa ko sa mga oras na to.
May dala nga rin pala syang notebook.
"Uhm.. Nung nakaraan pa kita nakikitang nagbabasa ng libro dito ah..", biglang sambit nung lalake.
Tumingin lang ako sakanya saglit at binalik ulit ang tingin sa binabasa ko. Hindi naman sa snobber ako. Tahimik lang kase akong tao at isa pa, ayokong makipag-usap sa taong hindi ko kilala...
At dahil hindi ko siya kinakausap o sinasagot man lang yung mga sinasabi nya ay nagsulat nalang siya sa notebook na dala nya. Tapos ilang sandali lang nagpaalam na siyang aalis na.
"Hmm... Sige ah, alis na ako. Enjoy reading your book.", paalam nya.
Tumango lang ako ng kaunti at pagkaalis niya, hindi niya ata namalayang naiwan nya yung notebook na dala niya kanina. Hinayaan ko muna iyon at tiningnan kung babalikan niya ba yung notebook o hindi noong hindi pa siya tuluyang nakalalabas ng Starbucks. Pero nang hindi sya bumalik para don, kinuha ko yung notebook at tumayo para sana ibalik sa kaniya. Akmang hahabulin ko pa siya pero tuluyan na siyang nakaalis.
"Kuya notebook mo!", sigaw ko pa na halos mapatingin ang mga tao sa loob ng Starbucks.
Hindi ko na siya nahabol kaya umupo nalang ulit ako at nilapag yung notebook niya sa lamesa, sa harap ko. Nakaramdam ako ng pagka-curious doon sa lalake kaya naman naisipan kong buksan yung notebook. Sa unang page ay may nakasulat,
"090********
-Darwin :)"
Medyo napakunot noo ako sa nabasa ko at napatingin sa labas ng Starbucks dahil sa malapit lang ako sa glass wall. Sinadya niya bang iwan itong notebook?
BINABASA MO ANG
Love At The Starbucks (One-Shot)
Short StoryI never thought to found LOVE AT THE STARBUCKS... ©2014 // by: @sleepingalley