Campus Crush (one-shot story)

2.7K 56 49
                                    

MAG SUGGEST KAYO NG CUTE NA PANGALAN NG LALAKI, WALA AKONG MAISIP EH! PAKI COMMENT LANG…

Ps. I like Japanese Names… wala lungs!

Ito na siguro ang story na may pinakahabang dedication… hahaha J

Gusto ko sanang magsulat ng mahabang story, kaso lang nakakatamad eh! Kaya hanggang short story nalang muna ako…

Chilax na muna ako sa nakakapagod na Chemistry at madugong Human Anatomy… Hehe…

Habang kumakain ako ng “Cheese sticks” (Ewan ko kung cheese sticks ba ang tawag dun hehehehe) Nakaisip ako ng bagong isusulat ko!

Sana mag-enjoy ang kung sino mang ALIEN na babasa nito kagaya ko! Wahaha…

This is For Jeremiah Barazon (alam mo na kung sino ka!J), para sayo na to ha? Sana magustuhan mo, Baka mahulog kita sa ilog kapag hindi mo binasa to! JOKE LANG…

Nakakaasar talaga ang “Marry me Stranger” hindi ko matapos-tapos, labs ko kasi ang character na si Alex eh!

-The End- (diba ang haba?)

“Pahiram nga ng puso mo,

Ipanghihilod ko lang…

BATO kasi eh!”

-Anonymous

“CRUSH”

“You’re my crush can’t you see the way I blush”

            Naranasan n’yo na bang magkaroon ng crush?

            Nakakakilig diba?

At ang nakakatuwa pa ay… Kahit tignan ka lang niya ay pumapasok din sa isip mo na may Crush din siya sayo… Pero feeling mo lang yon!

At sa bawat effort ng pagpapacute mo, ay hindi ka pa rin niya pinapansin…

Kaasar noh?

Pero ibahin ninyo ako guys! Iba ang prinsipyo ko sa buhay… “Pag May Tiyaga May Nilaga!” Sabi nga ni nanay, wala naman daw pangit sa mundo, nasa puso yon ng bawat tao, Tama naman ako Diba?

Wag naman sana kayong kumontra…

Hi! Ako nga pala si Jeremiah Marie Jaime, ang haba ng pangalan ko kaya naman  MIAH nalang ang itawag ninyo sa akin..

Ang cute ng name ko diba?

Hahay… ang buhay talaga… Parang buhay… Buhay na buhay!

Bahagi na ng pagiging teenager ang magkaroon ng maraming crush… well… Isa na ako sa libo-libong tao na umaasa pa rin na mahanap ang Prince Charming balang araw…

Prince Charming?

Susme! Totoo yan noh! At naniniwala ako sa happy ending, kasi lahat ng tao ay ipinanganak dito sa mundo para maging Masaya…

Kaya happy! Happy!

Ang haba na yata ng Introduction ko… O sige na nga…

 Heto ang Love story ko…

            Busy kaming lahat sa pag-aaral, halos mabaliw na ako! Hindi pa naman ako mahilig makinig sa Teacher ko! Eh pano ba naman kasi, sa sobrang hina ng boses ay ang tao lang sa harap ang nakakaring… Nakadama ako ng antok kaya umidlip nalang muna ako sandali… sandali lang naman, five minutes…

“Psst! Miah, gumising ka na, ikaw nalang mag-isa ang naiwan sa room”

“Ha?” Ginising ako ng aking matalik na kaibigan na si Jureen

Campus Crush (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon