pag ibig ay nag umpisa sa isang eksena
binalutan ang puso ng takot at kaba
na tulad ng bulaklak na kayganda
ang araw na iyon na siya ay nakilala
saan ako tutungo saan ako lulugar
iyan ang katagang binitiwan
nang sa kanya ako ay may nalaman
ang puso pala niya'y ay may iba ng nilalaman
tunay sa puso may nadamang kakaiba
at di alintanang ako pala'y nasaktan na
kaya't naisipang magmahal ng iba
kahit alam kong pagtingin ko'y sa kanya
sa tuwing makikita na sila ay magkasama
lungkot lamang ang aking nadarama
at sa pagtulo nitong mga luha
pangalan mo ang sambit at wika
nawala ang lakas nitong aking loob
nabalutan ang puso ng kaba at takot
at ikaw lamang ang natatanging gamot