Jamie's POV
Hinahalo ko ngayon ang niluluto kong kare-kare para sa hapunan namin ni sungit "ok na kaya to? " tanong ko sa sarili ko habang tinitikman iyon
Hinalo ko iyon ulit pero na nagulat ako ng may maramdaman akong mabigat sa kaliwang balikat ko,nilingon ko iyon at napangiti ako ng makitang si sungit na pala iyon na nakapatong ang baba nito sa akin "kanina ka pa?" tanong ko dito "nah, bago-bago lang" sabi nito saka ako niyakap pa likod
"I miss you." sambit nito. Humarap ako sa kanya habang hinaharap ang kutsara na may sabaw ng Kare-kare "tikman mo" bumuka naman ang bibig nito saka ko sinubo sa kanya "masarap?" tanong ko. Tumango naman ito habang ngumi ngiti "sobra." masayang sambit nito
"oh sige na iprepa--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng binuhat ako ni Adrian pa upo sa island counter saka ako tinutukan "Kulit." kinabahan ako ng seryuso ang tono nito "po?" tanong ko. Bigla itong ngumiti "I Love You." agad kong sinapak ang balikat nito "baliw ka. Akala ko kung ano na ang sasabihin mo " sambit ko habang hinahaplos ang dibdib ko para kumalma ang puso ko
Tumawa lang ang binata saka ako kinulong sa mga kamay nito habang nakanguso "I said, I love you" ngumiti din ako at ipinolupot ko ang mga kamay ko sa leeg nito "I love you too." lumapad ang ngiti nito saka ako hinalikan sa mga labi at agad akong niyakap "natapos mo na ba yung mga kailangan mong tapusin?" tanong ko hindi kumakalas sa yakap "yeah." sagot nito at mas hinigpit ang pag yakap nito sa akin
"sige na ihanda mo na ang mga pinggan para makakain na tayo" kumalas ako sa yakap saka kami nag titigan "hmm let me guess...".hinawakan nito ang aking tiyan "gutom na yang alaga mo noh" napatawa ako sa sinabi nito "Opo! Kaya sige na iprepare mo na para maka pagpahinga ka na rin" tumawa lang ito saka ako hinalik-halikan sa pisngi at labi ko "ang caring talaga ng kulit ko" ani nito hindi tumitigil sa pag halik sa akin
-
Ng tapos na kaming kumain nanood nalang kami ng tv sa sala habang ako ay naka higa at nakayakap sa kanya
"Kulit?" tawag sa akin nito
"Hmm?" ani ko
"that girl that you saw in the office.." sambit nito habang nilalaro ang kamay ko
Tumingala naman ako dito ng hindi niya tinapos ang sasabihin nito
Bumuntong hininga muna ito bago nito tinapos ang ang kanyang sasabihin "..gusto ni Dad na pakasalan ko siya."
Natigilan naman ako sa sinabi nito, umayos ako ng upo saka humarap sa kanya "Ikaw?" I asked
"what do you mean me?" tanong nito ng nagtataka
"gusto mo ba siyang pakasalan?" tanong ko
Mabilis naman itong umiling ng paulit ulit
"Kulit, you know that you're the one that I love right?" hinawakan nanaman nito ang aking kamay
Huminga siya ng malalim bago siya nagsalita
"You are the reason why I'm smiling again, you can make my bad day instantly better." ngumiti siya " The personality you have its one of a kind, and I love it about you."
"everyday and every night that we spend together, I am falling more deeply in love with you. I love you so much that I am becoming possessive when it comes to you." hinaplos-haplos naman nito ang aking pisngi
"Ang lastly, you are the one I want to spend my life with, not anyone else."
Niyakap ko ito ng mahigpit at hindi na nagsalita, "Kulit, don't ever doubt my love for you because the first time I saw you, I know that you're the one."
"nag pro-propose ka ba, Sungit?" tanong ko "if I say yes. Papayag ka ba?"
"pero paano ang papa mo?" tanong ko saka na kumalas sa yakap "I'll try and talk to him, kung ayaw niya talaga let him be. I'm still gonna marry you." he said proudly
"thank you, Sungit." I said
"Sungit? Adrian nalang kaya itawag ko sayo?" humiga lang ito sa lap ko saka pinaglalaruan ang kamay ko
"Call me what you want basta Kulit pa rin ang tawag ko sayo" he said
"Eh kung baby?"
Naramdaman ko namang natigilan ito "talagang tatawagin mo ako ng ganun?" he asked
"ayaw mo ba? Pwede ko namang ichange" I said
"no, it's not like that. It's just shocking first you are replying to my 'I love yous' now your calling me 'baby'"
"Oh sige, Di na ako mag rereply sa I love yous mo tapos Adrian na tawag ko sayo para hindi ka na ma shock. Ako mag aadjust sige!" ani ko saka siya tinulak pa alis sa akin at agad ako tumayo
"Kulit." tawat nito sa akin
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng ice cream sa ref at saka nilagay yun sa lamesa saka binuksan
"Kulit naman, sorry na" sambit nito saka ako niyakap pa talikod
"heh! Minsan nalang nga ako magiging hindi loading at sweet nag rereklamo ka pa." sabi ko saka sumubo ng ice cream
"promise, hindi na po mag rereklamo" todo ang pag sorry nito pero todo din naman ang pag deny ko
-
"Noonaa!" napalayo ako sa telepono ng sumigaw ng malakas si Irene
"bakit may problema ba?" tanong ko
"hindi pero may sasabihin ako" napatigil ako sa pag kain ng ice cream
"ano?" naramdaman ko naman na tinitignan ako ni Adrian
"punta kami diyan, sleep over tayo" napatingin naman ako kay Adrian
"eh meron si Adrian dito eh, siguro next time nalang" ani ko
"huwaat! Bati na kayo!? Oh my gosh--" hindi ko na narinig ang mga sinabi nito dahil mukhang may kausap ito
"anyways, noona wala ka ng magagawa dahil papunta na kami diyan" napangiti ako sinabi nito
"nagpaalam pa kayo" ani saka tumawa
"para naman ma inform ka" napailing nalang ako "oh sige na tawagan mo nalang sina Dylan para lahat nalang tayo mag sisleep over
"Okie! Bye noona." Irene said and ended the call
"pupunta daw dito ang barkada" sabi ko kay Adrian
Sumimangot naman ito "bakit?" tanong ko "akala ko ba night natin to? Bakit meron sila?" napatawa naman ako sa reaction nito
"parang meron naman ako magagawa eh papunta na sila"
"Tangina naman oh!" mura nito
"sige na Adrian" sabi ko sa kanya saka siya tinutulak pero mukhang di man lang ito natinag "sige na baby, tara na sa sala" malambing kong sambit
Bumuntong hininga naman ito saka sumunod.
BINABASA MO ANG
Glamour Queens Series : Jamie Mackenzie Collins
Short StoryJamie Mackenzie Collins, A good and cheerful girl. Nagtatayong ate at taga light up ng mood ng mga kaibigan niya. Pero paano pag isang napaka sungit at antipatiko na lalaki ang pumasok sa buhay niya, Mababago niya kaya ito o forever na sila magigin...