Dear Diary,
March 14, 2012
(comment"hay naku necessary pa ba ung Dear Diary) :P
It's my Boyfriend's birthday. Maaga akong gumising para paghandaan ang kaarawan nia. Usually cinicelebrate namin ang birthday nia together ng kami lang. Pero unexpectedly sinabi nia sakin na simpleng salo-salo na lang ang gawin namin since busy din naman kaming lahat sa mga activities sa school, especially graduating student ako, sya naman dahil Engineering Student sya next year pa sya makakatapos, pero dahil busy din sya sa mga exams and projects kaya pumayag na ko sa request nia.
We celebrated his birthday sa bahay nila. Pagpasok ko palang sa pinto, sinalubong na agad nia ako ng halik, ehem take note, hindi sya simpleng halik, fwwench kisssh besshs. Kaya naman kinilig agad ang lola nio, syempre dagdag achievement na yung mukha ng mga bruha na umattend sa birthday nia, mga assumera, mga sumimangot ba naman nung ikiss ako ng JOWA ko, take note "JOWA KO PO". Iripan ko nga.
Let me describe and introduce na din may boyfriend, maputi ang balat, pang commercial ng toothpaste smile, he has that sleepy eyes na nakakaakit talaga at ang importante maliit lang si "Maverick Mina", yung tipong 5'2" yung height. pero kahit ganon malaki ang ano nyan. shhhhh hahaha. ang puso syempre. Magtatagal ba naman kami ng 7 years kung hindi yang ubod ng mapagmahal. alang araw na hindi ako sinusupresa ni Maverick, he never stop to make me kilig and fall in love with him. Hindi ko na nga ata maiinmagine ang buhay ko ng ala sya e. Kung pwede nga lang ako na yung magpropose e. Bakit na kasi di pa kami grumaduate para pwede na di ba. sabagay unti na lang, unting tiis na lang.
Back to the birthday celebration, matapos ang steamy kiss namin, dumiretso na agad ako kila Tita Maggie and Tito Donny, bumeso and nagmano na din ako, after that tumulong na ko sa pag aasikaso ng mga bisita, feeling part of the family na ko eh, bakit ba kasi. Nag uwian na ang lahat before mag 3PM, may importanteng project daw kasi tong jowa ko kaya need nyang umalis agad, kahit pa na birthday nia, iba talaga dedication ng jowa ko apakasipag mag-aral. Pero bago sya umalis niyakap muna nia ako mula sa likod ang hinalikan ako doon. He asked kung ano ang gift ko sa kanya, and then out of nowhere inikot nia ko at hinalikan passionately, he slowly carrassed my body and started to untie my dress. Natauhan ako bigla at pinigilan sya, hindi dahil sa hindi ko gusto huh, gustong gusto ko po, pero pangarap ko kasing humarap sa dambana at ikasal ng birhen pa. Ngumiti lang sya at sinabi sakin na naiintindihan nia, akala nya lang dw kasi makakalusot sya at birthday naman nya. Aba aba, pagbigyan ko na kaya. hahah ang cute nia kasi eh. Pero hindi pwede, kailangan namin mag behave. After ng incident na yon, tumayo na sya at dumiretso sa banyo para magbihis at kailangan na daw nia umalis. Tumayo na din ako at inayos ang sarili ko, at hinanda ang isusunot ng jowa ko, ahaha feeling asawa di ba. Nangiti nalang ako sa nangyari, hinawakan ko ang labi ko at nasabi ko nalang sa sarili ko na napakaswerte ko sa jowa ko, kaya nyang igalang ang desisyon ko, ang "No Sex until Marriage" policy ko. San ka pa makakakita ng jowang kaya ang ganyan di ba, seven years yun bes.
Sinuot nya ang damit na ginayak ko sa kanya at saka sya nagpaalam sa amin. Ako naman umalis sa din at pumunta na sa school para naman makipagmeet sa barkada. Gagawa pa kasi kami ng Terminal Report tungkol sa On-the-Job Training namin sa Makati. Isusubmit pa namin yung before ang graduation day. Malapit lang ang bahay ng jowa ko sa school kaya nakarating agad ako. Isang mahigpit na yakap ang iginawad agad sakin ni Aimee, ang bestfriend ko. Magkaklase at magkaibigan na kami since 1st year college, sya si Aimee Punzalan, isang pang beauty queen type na babae, maraming nagkakandarapa sa kanya pero ang sinuwerte sa puso nia ay si Jaybee Coleman, classmate ko naman sya at kasabay na gagraduate, may naibagsak kasing subject si Aimee kaya hindi namin sya makakasabay umakyat sa graduation stage. Masasabi kong gwapo din naman si Jaybee, hindi na lugi tong best friend ko, kabaligtaran ng height and skin complexion sya ng jowa ko, inshort, tall, dark and handsome naman ang isang to. May pagka Korean look daw sya, ayon sa kanya may I add. hahaha.
Pagkatapos ng akapan portion namin ni Aimee, isang batok naman agad ang lumapat sa ulo ko, saka ako sinermunan ni Ryan ang gay best friend ko, sya ang reality checker ko, sya ang tigapayo at tigapagrealize sakin ng mga bagay bagay. Tawa naman ng tawa sa Jaybee sa likod ni Ryan. Si Diane naman alang paki sa kaganapan, basta nagbabasa lang sya. Puno ng kantyawan at asaran lang ang kaganapan namin magbabarkada habang hinihintay namin ng dumating sila Maria at Honey, bumili kasi sila ng makakain namin dahil balak namin mag overnight sa bahay nila Ryan para tapusin na ang Terminal Report namin.
"Nasaan na ba ang mga yon?" Iritang tanong ni Ryan. "Naku wah, dalawang oras na tayong naghahantay dito, may itatagal pa kaya sila" singhal pa nito, napatingin naman ako sa aking orasan at alas-singko na nga ng hapon, haaaaay. Ano ba tong araw na to, birthday ng jowa ko ngaun eh, pero eto ako gagawa ng requirements. huhuhu sad life. Kumusta na kaya sya nakatapos na kaya sya sa gagawin nilang projects. Sigurado naman ako na uuwi din yun agad at mag-iinoman pa sila ng mga barkada nia sa kanila. Nasa malalim ang aking pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ni Aimee, sinagot nia ito at tinanong kung asan na ba ang mga tumatawag. Nasa pila na daw ang mga ito, at malapit na sila sa counter, traffic daw kasi papunta sa Friendship tapos ang dami pang bumubili. Dahil doon natantya namin na mga alas-sais na ng gabi makakarating ang mga yun sa tagpuan.
Kung ano ang saya namin kanina ng dahil sa pagpapatawa ni Ryan at Jaybee sa min, ay sinira ito ng pagdating nila Maria at Honey. Gusto ko silang pagsasampalin, gusto ko silang saktan. Ayoko ng ganito, bakit ngayon pa. Bakit ako nasasaktan. Sana hindi na lang sila dumating. Sana napagsaradohan nalang sila sa Friendship tapos bukas na sila makakalabas, o kaya hindi na umusad yung traffic para doon nalang sila nastranded. Bakit dumating pa sila para maghatid ng masamang balita.
YOU ARE READING
Ang Diary ng Buhay ko.
RomanceAko. Simple lang naman akong tao. Nagmula sa simpleng pamilya? Haha, Nga ba?Sorry for the rude introduction, medyo di kasi ako marunong magsulat e, idagdag mo pa na "Introvert" ako sa totoong buhay, so i'm having hard time opening up sa mga tao at b...