Viscus 01: Panimula

39 5 3
                                    

Pinagmasdan ko ang paligid, inurong ko ang glass window saka umupo roon. Bagong lipat lang kami sa lugar na ito. Inutusan kasi kami nina mama at papa na lumipat na ngayon din. Summer ngayon, napakainit ng panahon. Naiisip ko na maghanap ng summer job, para na rin makatulong sa mga gastusin sa bahay. Hindi pa ito bayad nang buo, hulog-hulugan lang.

Tanging ang kasama ko lang rito ay si lola. Sina mama at papa kasi ay parehas na nasa ibang bansa at nagtatrabaho. Simula bata ako ay naroroon na sila. Minsanan ko na lang sila makita. Ang huling pagkikita namin ay noong graduation ko sa Junior High School.

Ni minsan ay hindi ako nagtanim ng galit. Tatlong taon gulang ako nang magpasya si papa na magtrabaho sa ibang bansa. Iyon ang natatandaan ko. Bago iyon, hindi ako nakakatulog kapag hindi niya ako karga. Gusto ko siya lagi ang katabi ko. Pero nasanay na lang din ako na kailangan niyang kumayod para sa akin... para sa amin.

Bigla akong napatingin sa ibaba nang makarinig ako nang tawanan. Mga kaedad ko siguro sila. Simula bata ako ay wala akong naging kaibigan. Mahirap sa akin ang makisalamuha sa iba dahil sa nangayari sa nakaraan ko. Nagka-amnesia ako pero may iilan akong natatandaan, masalimuot ang natatandaan ko kaya kapag may gustong makipag-usap sa akin ay siyang paglayo ko. Siguro nga ay tama sila, mas takot ako sa tao kaysa sa mga multo. Ang mga multo kasi, pagti-trip-an ka nila ngunit hindi mo makikita o masasaktan ka. Kapag ang tao naman ang nang-trip sa'yo, paniguradong buong sistema mo ang maapektuhan.

Napatingin sila sa akin at napahinto. Mabuti pa sila, may mga kaibigan, ako kaya, kailan ko makakalimutan ang nakaraan na iyon?

Kumaway ang isa sa kanila. Tumango ako at bumaba na sa bintana. Sinara ko ang bintana ko at nagsimula nang maglakad. Naamoy ko kasi ang mabangong niluluto ni lola sa baba.

"Oh, apo, sakto ang pagdating mo. Halika na at kakain na tayo," nakangiting yaya ni lola. Ngumiti ako bilang tugon. Mabuti na lang at may mapagmahal akong lola. Hindi naman siya ganoon katanda. Sakto lang para sa edad ko. Malakas pa nga 'yan, kayang pumatay ng ahas na nakapulupot sa tubo ng tubig.

Nasa hapagkainan namin ang isang platito ng tocino, longganisa at sawsawan na bagoong isda na may kamatis. Ang isang kaldero ng kanin ay  nakapagitna sa amin. Binalatan ni lola ang dalawang nilagang itlog at iniligay ang bawat isa sa aming plato. Kahit na ganitong pagkain ay nagpapasalmat na ako. Mas gusto kong kumain katulad ng mga ito kaysa sa mga mamahalin. Ayokong maging palamunin at pabigat sa pamilya na ito.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa biglang binasag ni lola ang katahimikan.

"Apo, sana ngayon ay makalimutan mo na iyong nangyari. Maganda kung makikisalamuha ka na sa iba nang sa gano'n ay makalimutan mo na ito nang tuluyan," seryosong saad ni lola. Hindi niya mahawakan ang kamay ko dahil nagkakamay kami. Tinitigan ko lang ang itlog sa plato ko. Tumingin ako sa kaniya, direkta sa mga mata niya.

"Lola, you can easily forget the person, but you won't forget what that person did. Though, it's easy to say, but lola, if you are in my shoes, you won't forget it. It will haunt you forever." 'Di pangsang-ayon ko sa kaniya. Tama naman ang mga sinabi ko. Mahirap nga namang kalimutan iyon. Kung sanang iyon ang nakalimutan ko at ang natira sa memorya ko ay ang mga masasayang alaala, e 'di sana, namumuhay ako nang normal ngayon. Hindi ko naman ginusto iyon.

"Sige, kung saan ka sasaya, roon ako. Pero ibang usapan na ang ginawa mo noon," madiin at mababang tonong pagkakasabi, alam kong pinakahuhulugan niya ang nangyari noon. Napailing ako.

Tumawa ako. "Lola, I won't do that stupid action again." Natatawang sambit ko habang pinipigilan ang pangingilid ng mga luha ko. Yumuko ako at tinuloy ang pagkain ko. Ayoko nang pinag-uusapan iyon. Pakiramdam ko ay parang nasa paligid ko sila palagi, na para bang sinusundan ako kahit na saan ako magpunta.

NANG matapos na kaming kumain ay nag-ayos lang kami ng mga gamit. Nagtulungan kami ni lola sa pagpasok ng mga kahon, pagbukas nito at paglagay sa mga lalagyan nito. Buong lakas kong pinagbubuhat ang mga kahon paakyat sa kwarto ko.

Sa kahuli-hulihang laman ng kahon ay ang family picture namin. Tinitigan ko ito. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga ngiti namin. Niyakap ko ito. Gusto ko nang makita ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari roon, mas gusto ko na lang gawing ulam ang bagoong na may kamatis at itlog araw-araw basta makasama lang sila.

Muli akong umupo sa bintana. Ang ganda ng kalangitan ngayon. Maliwanag ang buwan, kasama ng mga kaibigan niyang mga bituin.

Napadako ang tingin ko sa lalaking nakaupo rin sa bintana kaharap ng bahay namin at nakantingin sa kalangitan. Napababa ang tingin niya patungo sa akin.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakapatay ang ilaw ng kuwarto niya. Tanging ang liwanag na nanggagaling sa buwan ang naging ilaw niya.

Ilang minuto pa kaming nagkatinginan hanggang sa ako ang unang umiwas. May falling star! Ang turo sa akin ni lola noong bata pa ako, kapag nakakita raw ako ng bulalakaw, mag wish daw ako. Nakakatawa at hindi makatotohanan, pero ginagawa ko pa rin. Baka balang araw, nangangarap ako na matupad nito ang mga hiling ko.

Pumikit ako at humiling.

May mga bagay talaga ako na paulit-ulit kong hinihiling kahit na alam kong hindi ito matutupad sa pamamagitan lamang ng paghiling sa nahuhulog na bituin.

Matapos kong humiling ay iminulat ko na ang mga mata ko. Muli akong tumingin sa kaniya bago ako bumaba sa bintana.

Nang unti-unti ko nang sinasara ang bintana ay saka ko lang napansin na may nakatayo pala na lalaki sa gilid ng ilaw ng poste at nakatingin sa direksiyon ko.

Sinara ko ang bintana at sumilip na lang sa kurtina. Teka, bakit parang hindi siya gumagalaw? Ilang minuto pa ang lumipas at ganoon pa rin siya sa posisyon niya.

May ilaw na tumama sa direksiyon ko, hindi ako nagkakamali, isa iyong kutsilyo at may tumutulo pang dugo. Namamalikmata ba ako o totoo itong nakikita ko? Hindi, namamalikmata lang ako. Nasa imahinasyon ko na lang iyon.

Napakibit-balikat na lang ako at humiga na sa kama ko.

_________________________________________

June 01, 2020

I didn't edit a single word from this chapter. Haha, memories bring back memories bring back you. Sa unang basa ko ulit, naalala ko agad kung bakit ko ito isinulat. Pero hindi ko na matandaan kung bakit napakaikli ng kabanata na ito.

"You can easily forget the person, but you won't forget what that person did. It will haunt you forever."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Viscera (SOON)Where stories live. Discover now